Ang Modern Strike Online: PvP FPS ay isang action game na inilabas ng Azur Interactive Games noong Agosto 11, 2016. Ang kumpanyang ito ay isang matagumpay na game developer at publisher simula pa noong 2015. Sa kasalukuyan, sila ay may 34 games na at ang Modern Strike Online ay isa sa kanilang pinakasikat na laro.
Ang larong ito ay isang shooting game kung saan ang pangunahing layunin ng mga manlalaro ay makipagbarilan sa mga kalaban at manatiling buhay hanggang matapos ang match. Kung nais mong pasukin ang kapanapanabik na mundo ng tutok na barilan at exciting na mga bakbakan, tiyak na masisiyahan ka rito.
Paano I-download ang Laro?
Ang larong ito ay pwedeng i-download sa mga Android at iOS devices. Siguraduhin lang na may nakalaang sapat na memory space para 1.23GB na app size nito. Maaari mo ring laruin ito sa desktop o laptop sa pamamagitan ng pag-download ng app gamit ang isang Android emulator. Kung nais mo itong masubukan kaagad, maaari mong gamitin ang mga sumusunod na link mula sa Laro Reviews:
Download Modern Strike Online:PvP FPS on iOS https://apps.apple.com/us/app/modern-strike-online-pvp-fps/id1197441484
Download Modern Strike Online:PvP FPS on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.gamedevltd.modernstrike
Download Modern Strike Online:PvP FPS on PC https://www.emulatorpc.com/modern-strike-online-free-pvp-fps-shooting-game/
Modern Strike Online: Ultimate Guide para sa mga Manlalaro
Ang Modern Strike Online: PvP FPS ay isang online first-person shooting game at libre itong mada-download at malalaro. Dadalhin ka nito sa loob ng isang mundong puno ng aksyong dala ng mga naglalabang terrorists at counter-terrorists. Kailangan mong mapagtagumpayan ang iba’t ibang hamon at ma-survive ang bawat match.
Ang laro ay maaaring ma-enjoy sa maraming paraan: maaari mong talunin ang mga kaaway ng nag-iisa o kaya ay sumuong sa bakbakan kasama ng iyong koponan. Ang aliw at excitement na dala ng paglalaro ng solo o bilang miyembro ng isang koponan ay magkaiba subalit parehong exciting at nakakaaliw.
May mahigit 14 na iba’t ibang battle maps kang mapagpipilian sa larong ito. Bukod dito, marami rin itong featured na baril at iba pang mga sandata tulad ng pistols, machine guns, snipers at marami pa. Maaari mo ring i-customize ang iyong sandata depende sa iyong battle style at pumili ng camo na gusto mo.
Upang matulungan kang mas makilala ang larong ito at maging mas mahusay na shooter, tatalakayin ng Laro Reviews ang gameplay at features nito:
- Game Modes
Bukod sa regular na solo-player mode ang Modern Strike Online ay may handog na iba’t ibang game modes upang hindi ka maburyong sa paulit-ulit na paglalaro. Halimbawa, sa Plant the Bomb Battle mode, ang bawat manlalaro ay maaaring pumili kung anong papel ang gusto nilang gampanan – isang terorista na ang layunin ay magtanim at magpasabog ng mga bomba o isang miyembro ng special forces team na gagawin ang lahat upang mapigilan ang masamang balak ng mga terorista.
Related Posts:
Into the Dead 2: Review
Critical Strike CS: Online FPS Review
Sa kabilang banda, ang Deathmatch Battle naman ay nagtatampok ng madugong digmaan sa pagitan ng dalawang special forces team. Kung nais mong makipag-team up sa ibang manlalaro o sa iyong mga kaibigan at makipaglaban bilang grupo, swak ito para sa’yo. Ang TDM Battles at Special OPS Operation ay may isang konsepto lamang, subalit iba-iba ang respawning process at diskarte sa mga ito. Sa TDM Battles, kailangan mong pataasin ang iyong kill count. Samantalang sa Special OPS, bukod sa dapat mong unahan ang iyong mga kalaban, kailangan mo ring protektahan ang iyong HP at stats dahil sa sandaling maubos ito, ikaw ay maa-out na sa laro. Mahalaga dito ang bilis, tamang taktika, team play at survival.
- Weapons at Armor
Bukod sa paggamit ng tamang diskarte sa labanan, kailangan mo rin ng astig na mga weapon at armor. Ang pagkakaroon ng magandang uri ng baril na may angkop na accuracy, mobility, at fire rate ay mahalaga para manalo sa larong ito. Ang iyong tagumpay ay hindi lang nakasalalay sa iyong kakayahang barilin ang mga kaaway, kailangan mo rin ng angkop na sandata upang mapinsala at mapatumba ang mga ito. Kapag mas mataas ang level ng iyong armas, mas nagiging mapaminsala ito. Isang napakalaking hamon ang pag-upgrade ng mga armas dahil magastos ito sa resources. Pwede mo ring mai-unlock ang mga bagong armas habang ikaw ay nagli-level up. Ugaliing basahin ang description at stats ng bawat isa upang malaman ang kapasidad ng mga ito.
Sa kabilang banda, ang armor ay ginagamit bilang proteksyon sa mga atake. Kung mayroon kang sapat na resources, tiyaking bumili ng armor at helmet upang ma-maximize ang iyong defense level. Makakatulong ito para mas tumagal ka at manalo sa labanan.
- Recoil
Ang Recoil ay tumutukoy sa vertical at lateral jump ng isang baril kapag ito ay ipinutok. Ito ay isang napakahalagang batayan sa pagpili at paghawak ng iyong armas. Maaari mong bawasan ang recoil ng isang baril sa pamamagitan ng pag-upgrade at pag-customize nito. Upang masanay ka sa paggamit ng partikular na uri ng baril at matantya mo ang kakayahan nito, pwede kang magsanay sa Practice Range Mode. Tandaan na kapag sanay at mas pamilyar ka na sa iyong armas, magiging mas madali mong matatamaan ang iyong mga kalaban.
Pros at Cons ng Modern Strike Online: PvP FPS
Ang gameplay ng Modern Strike Online ay lubos na nakakahumaling katulad ng karamihan sa FPS games. Subalit, kung ikukumpara ang reward system nito sa iba, mas patas at nakakaangat ito. Nakamamangha rin ang PC-quality graphics at animation na ginamit dito. Isa ang mga ito sa mga dahilan kung bakit marami ang nahuhumaling dito.
Gayunpaman, may mga negatibong feedback din ang larong ito. Karamihan sa mga baguhang manlalaro ay nahihirapang mag-level up dahil hindi patas ang matchmaking system ng laro. Ang mga baguhan ay madalas na naima-match sa mga beteranong manlalaro. Madalas din itong nagkakaroon ng mga problemang teknikal tulad ng lags, bugs at hindi gumaganang controls. Marami rin ang nagsasabing ito ay isang pay-to-win game dahil kailangan mong gumastos ng pera para bumili ng karagdagang upgrades o items para maging mas mahusay sa laro.
Konklusyon
Ang Modern Strike Online ay maaksyon at purong FPS games na may mahigit sa 50 milyong installs sa Google Play Store. Ito ay may average rating din na 4.4 stars mula sa 1 million+ reviews. Samantala, mayroon itong 4.6-star rating mula sa mahigit 100,000 reviews sa App Store. Kung ikaw ay isang hardcore gamer na mahilig sa shooting games tulad ng COD, PUBG, at iba pa, hindi mo dapat palampasin ang isang ito. Bagama’t halos magkapareho ang gameplay nito sa mga nabanggit na laro, mayroon itong kakaibang features na talagang kailangan mong masubukan.
Laro Reviews