Ang Tong Its ay isang sikat na card game na nilalaro ng bawat Pilipino. Paborito itong laruin kahit saang lugar sa Pilipinas. Madali lang kasi itong laruin bukod sa tunay na nakakalibang at nakapagbibigay saya sa mga manlalaro lalo na kung malalaman mo kung paano manalo sa Tong Its.
Walang nakakaalam ng eksaktong pinagmulan nito, ngunit marami ang nagsasabing nagsimula itong makilala sa ilang lugar sa Luzon noong taong 1990 hanggang kumalat na ang kaalaman sa larong ito at naging isa sa pinakatanyag na larong baraha sa buong bansa. Makikitang nilalaro ito sa mga lamay sa patay, sa mga umpukan sa kanto o kahit saang may nagkakasiyahang maglaro ng baraha.
Palaging panalo ang karanasang maglaro ng Tongits
Ang pinakaimportante sa bawat laro ay ang maunawaan ang mga patakaran nito. Dapat malaman ang layunin ng laro, ang mga paraan ng pagtira, anong mga baraha ang mataas o mababa at makakatulong sa pagkapanalo. Dito makakakuha ng ideya kung ano ang mga bagay na kailangang gawin at hindi dapat gawin. Kung paano gagalaw, kung paano mapapagplanuhan ang bawat hakbang na gagawin at higit sa lahat kung paano manalo sa Tong Its.
Marami ang nagsasabi na ang paglalaro ng baraha, maging ginagamitan man ito ng tunay na pera para sa pagtaya o katuwaan lang, ay swerte talaga ang kailangan upang manalo.
Gayunpaman, may mga naniniwala pa rin na may mga kasanayan na maaaring magamit sa paglalaro nito. Dito makakatulong ang artikulong ito ng Laro Reviews, dahil matututunan mo rito ang pangunahing kaalaman na kailangan mong taglayin upang magkaroon ng mas malaking tyansa ng pagkapanalo sa paglalaro ng Tong Its. Kaya siguraduhing basahin ito hanggang dulo upang matuklasan ang mga taktikang ibabahagi rito.
Paglalaro ng Tong Its
Ang Tong Its ay maaaring laruin ng tatlong manlalaro. Magsisimula ang paglalaro sa pamamahagi ng tig-12 baraha sa bawat manlalaro at 13 naman para sa bangka. Kapag nakumpleto na ang pagbibigay, iaayos ng mga manlalaro ang kani-kanyang bahara at unang titira ang bangka. Maaaring magtapon siya ng baraha at magbaba ng mga nabuong baraha.
Ang tinapong baraha ng bangka ay maaaring kunin ng susunod na manlalaro kung makakatulong ito sa kanyang pagbuo ng baraha. Kung hindi naman ay maaari siyang bumunot ng baraha sa bunutang nasa gitna ng mesa. Kung may nabuo siyang baraha ay maaari niya itong ibaba, maaari rin siyang magdugtong sa barahang naibaba na ng mga kalaban o tinatawag ding “sapaw”. Kalimitan ay isa lang ang ibinababa ng mga manlalaro na nabuo na upang hindi makapagdugtong ang kalaban. Kailangan kasi na mayroon kang naibabang buo o tinatawag ding “bahay”, kung hindi ay matatalo ka sakaling maubos na ang bunutan at wala pang nakaka-Tong Its. Idedeklara kang talo o “sunog” dahil wala kang naibabang bahay.
Magpapatuloy lang ang paikot na pagtira hanggang sa maubos ang bunutang baraha. Kung maubos na ito at wala pang nagdedeklara ng Tong Its, magbibilangan ng baraha at ang may pinakamababang bilang ang siyang mananalo. Ang may pinakamataas na bilang naman ang siyang talo.
Mga Kumbinasyon ng Bahay sa Tong Its
1.) Trio – binubuo ng tatlong magkakaparehong numero.
2.) Quadro – binubuo ng apat na magkakaparehong numero.
3.) Straight Flush – binubuo ng tatlo o higit pang magkakasunod na numero sa parehong suit.
Tips at Tricks Kung Paano Manalo sa Tong Its
Sa paglalaro ng Tong Its, kailangang maging matalas ang pakiramdam. Dapat pakiramdaman mo kung ano ang hawak na baraha ng iyong mga kalaban base sa hawak mong baraha, sa mga naitapon ng baraha at sa mga naibabang bahay. Kung mahuhulaan mo ang hawak nilang baraha parang alam mo na rin kung paano manalo sa Tong Its dahil malalaman mo kung ano ang dapat mong itira. Maaari mo ring maipit ang barahang hinihintay ng kalaban upang hindi niya mabuo ang kanyang bahay kung mahuhulaan mo kung ano ito. Gayundin, kailangang huwag magpahalata sa kung ano ang hawak mong baraha dahil siguradong pinapakiramdaman din ng kalaban kung ano ang hawak mong baraha. Kung ano ang mga pinaplano mong gawin ay tiyak na iniisip din ng kalaban mo.
Sikaping unahing itapon ang mga barahang may matataas na bilang dahil mas mababa ang hawak mong baraha, mas malaki ang pagkakataon mong manalo kung dumating ang laro sa punto ng bilangan ng natitirang baraha.
Magbaba lang ng isang bahay, hangga’t maaari ay trio o quadro lang ito at hindi flushes upang hindi ito madudugtungan ng iyong kalaban. Siguraduhing tingnan munang mabuti ang baraha kada tira at isaisip kung ano ang kailangang baraha upang hindi magkamali sa pagtapon ng baraha.
Huwag magpapasindak kung may kalabang naghahamon ng “draw”. Dahil may mga manlalarong naghahamon din ng draw kapag pangit ang baraha. Alam nilang malabo silang manalo kung itutuloy ang laro kaya inuunahan na nila sa paghamon ng “draw”. Kung magsipag-fold nga naman ang mga kalaban ay siya pa rin ang mananalo kahit pangit pa ang kanyang baraha. Kung may mag-alok ng draw, tingnang maigi kung may laban ang baraha bago mag-declare ng fold o magpasyang lumaban.
Maraming maaaring maging posibilidad na mabuo sa baraha, iwasan ang sobrang pag-iisip kung alin ang dapat unahin. Basta tandaan lang na mas mababa ang matitirang baraha ay mas makakabuti para sa tsansang manalo. Huwag masyadong ma-stress sa mga dapat itira o mas mabuting ayos ng baraha. Mas mabuting i-enjoy na lang ang laro para mas makapag-isip ng tama at magkaroon ng masayang karanasan sa paglalaro.
Konklusyon
Upang gawing mas exciting at mas masaya ang larong Tong Its, karaniwang nangongolekta ng taya sa bawat manlalaro na mapapanalunan ng sinuman sa kanila na mananalo. Ang halaga ng taya at alituntunin sa pagkapanalo ay depende sa mapagkakasunduan ng mga manlalaro.
Ngayong alam mo na kung paano manalo sa Tong Its, mas magiging malakas na ang loob mo na maglaro nito. May mga bagong taktika na maaaring masubukan at magamit sa mga kalaban.
Maaaring makapaglaro ng Tong Its online sa Big Win Club. Isa itong online Casino app na maituturing na biggest real money betting Tong Its community. Maaaring makakilala at makapaglaro ng Tong Its kasama ng iba’t ibang manlalaro sa buong mundo.
Isa pang kagandahan ng paglalaro online ay maaaring makalaro ang iyong mga kapamilya o kaibigan kahit na magkakalayo kayo. Parang naglalaro lang kayo ng Tong Its at magkakasama sa bahay kahit na milya milya pa ang layo n’yo sa isa’t isa.
Laro Reviews