Ang Sprite Fantasia ay isang MMORPG na maghahatid sa iyo sa mundo ng pantasya kasama ang isang nakaka-aliw na sprite. Masusubukan mo ang maraming klase ng karakter at magsisimula sa pakikipagsapalaran sa iba’t ibang lugar doon. Makakatuklas ka ng mga bagong lokasyon na may kaakit-akit na maliliit na nilalang na kilala bilang isang sprite. Upang umusad, kailangan mong kumpletuhin ang ilang mga layunin, i-upgrade ang iyong bayani, at kahit magpalit ng iyong class. Sa umpisa ng laro, magkakaroon ka ng opsyong pumili ng isa sa apat na posibleng class. Sa Sprite Fantasia, maaari kang pumili mula sa Warrior, Archer, Mage, at Priest, na magbibigay sa iyo ng iba’t ibang mga mode ng paglalaro upang umangkop sa iyong mga interes. Higit pa rito, ang mga pagbabago sa class ay magbibigay-daan sa iyong pumili ng mga specialty para sa iyong bayani at karagdagang opsyon sa labanan.
Ano ang Layunin ng Laro?
Ang larong Sprite Fantasia – MMORPG ay walang tiyak na layunin dahil ang laro ay magbibigay sa iyo ng iba’t ibang misyon na kailangan mong tapusin at kung matagumpay mong makumpleto ang lahat ng ito, ikaw ay gagantimpalaan. Magagawa mong lumahok sa iba’t ibang aktibidad dito habang nag-e-explore ka at nagsisimula sa isang paglalakbay kasama ang iyong mga kaibigan. Maaari mong kumpletuhin ang mga gawain habang nagkakaroon din ng masayang oras kasama ang iyong Sprite.
Paano ito Laruin?
Kung gusto mong matuto tungkol sa laro, manatiling nakasubaybay sa Laro Reviews at basahin ang artikulong ito. Kapag nagsimula ka sa laro, ang unang hakbang na dapat mong gawin ay pumili ng class mula sa Warrior, Mage, Priest, o Archer. Ang bawat isa sa kanila ay may sariling hanay ng mga espesyal na kakayahan at paggalaw na maaaring maging kapaki-pakinabang sa labanan. Bukod pa rito, maaari mo ring piliin ang iyong guardian sprite na makakasama mo sa iyong epikong paglalakbay.
Maaari kang bumuo ng iba’t ibang kumbinasyon ng basic attacks at special attacks upang talunin ang mga kalaban at ibang nilalang na nakapaligid sa iyo. Maaari kang makakuha ng iba’t ibang kagamitan para sa iyong sarili at sa iyong sprite, pati na rin mga Sprite Memory Card upang ma-upgrade ang iyong mga skills. Maaari mong baguhin ang hitsura at kasuotan ng iyong karakter.
Bukod sa pagkumpleto ng mga misyon at pag-level up ng iyong karakter, ang pinaka layunin mo ay makakuha ng mas malakas na kagamitan, card, at Sprite gear para mas mapabilis ang pagtaas ng iyong Battle Points. Ang mga pag-clear sa mga stage ay magbibigay sa iyo ng rewards at bonus at habang umuusad ka sa laro ay magagawa mo ng bisitahin ang mas maraming lugar at ma-unlock ang iba pang features ng laro.
Paano I-download ang Laro?
Ang mga kinakailangan para matagumpay na ma-download ang Sprite Fantasia – MMORPG sa Android devices ay dapat Android 5.0 o mas mataas pang bersyon ang gamit. Para sa iOS users naman, makukuha ito gamit ang iPhone 6s o mas mataas na iOS sa 9.0. Ang makukuhang space ng app para sa Android ay 1.3 MB at 1.5 MB naman para sa iOS.
Maaari ring i-click an mga links sa ibaba upang mag-download:
Download Sprite Fantasia – MMORPG on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.xlegend.grandfantasia.global
Download Sprite Fantasia – MMORPG on iOS https://apps.apple.com/us/app/sprite-fantasia/id1560112625
Download Sprite Fantasia – MMORPG on PC https://www.ldplayer.net/games/sprite-fantasia-on-pc.html
Hakbang sa Paggawa ng Account sa Larong Sprite Fantasia – MMORPG
- Hanapin ang anumang app store na makikita sa inyong mga device.
- Hanapin ang bersyon ng larong Sprite Fantasia – MMORPG pagkatapos ay i-download at i-install ito.
- Buksan ang app at i-connect ito sa iyong Facebook, Twitter, o Google Play account.
- Ang data ng laro ay maiingatan o masi-save kung ili-link mo ito sa isang account.
- Maaari mo na ngayong umpisahan ang paglalaro ng Sprite Fantasia – MMORPG!
Tips at Tricks sa Paglalaro ng Sprite Fantasia – MMORPG
Huwag mag-alala, narito ang Laro Reviews upang tumulong at magbigay ng ilang tips sa iyo para mapadali ang iyong pag-level up. Dapat mong bigyan ng prayoridad ang mga misyon na ibibigay sa iyo. Importante ang pagtapos ng mga misyon dahil doon ka makakakuha ng mga rewards at items na kakailanganin mo sa laban. Mayroon ka rin pagkakataong gumawa ng mga side quest at makilahok sa iba’t ibang aktibidad na maa-unlock mo.
Nagbibigay ito ng iba’t ibang opsyon sa pag-upgrade ng mga karakter na sinisiguro na maging mahusay lalo sa pakikipaglaban ang mga hero. Maglaan ka rin ng panahon para pumunta sa Dungeon. Ang mga Dungeon na ito ay maaaring magbigay sa iyo ng ginto, mga gear, memory card, sprite card, at iba pang mga items sa pag-upgrade. Ilan lamang ito sa mga maaari mong makuha mula sa paglalaro sa Dungeon.
Related Posts:
The Battle Cats Review
Cash Frenzy™ – Casino Slots Review
Pros at Cons sa Paglalaro ng Sprite Fantasia – MMORPG
Sa larong Sprite Fantasia ay magkakaroon ka ng kalayaan na i-customize ang iyong mga karakter sa pamamagitan ng pagbili ng mga kagamitan at accessories upang ayusin ang kanilang mga hitsura. Mayroon ding itong magagandang karakter na maaari mong pagpilian. Dahil ito ay isang online game, dapat mong asahan ang maraming mga karakter sa screen na gumagalaw at umaatake na maaaring may negatibong epekto sa iyong device dahil sa graphic resolutions at animation nito. Sa kabutihang palad, mayroong ilang mga opsyon sa laro na maaari mong baguhin, tulad ng pag-off ng mga animation skills at pag-aalis ng iba pang mga features mula sa iyong screen para mas maging magaan sa iyong mga devices.
Maaari mong bigyang pansin ang maganda nitong mga audio effects sa mga dungeons o mahinahong musika sa iyong isla. Ang lahat ng makukulay na visual graphics ay angkop at kaakit-akit sa mga mata. Kapag sinubukan mong pag-aralan pa ang mga katangian nito, matutunan mong ito ay tunay na puno ng saya at nakakalibang tuklasin. Ito ay angkop din para sa lahat ng edad at isang mahusay na past-time game application. Maa-access din ito ng mga user ng Android, iOS, at PC. Bagama’t nakakatanggap ito ng maraming positibong feedback para sa mga animations nito, mga audio effects, magagandang features, at iba pa, ngunit nakakaranas pa rin ang ilang manlalaro ng mga isyu at bug na nakakaapekto sa kanilang performance sa paglalaro nito. Dapat itong ayusin at nangangailangan ng karagdagang mga updates kaugnay sa paglutas ng isyung ito.
Konklusyon
Ang larong Sprite Fantasia – MMORPG ay isang mahusay na application kung saan malilibang ka sa ganda ng mga lugar at kaaliw-aliw na mga sprite. Mawiwili ka sa mga eksena sa larong ito. Kaya subukan mo ng i-install ang larong ito at matunghayan ng sarili mong mga mata ang kahanga-hangang tuwa na hatid nito.
Laro Reviews