Mula sa mundo ng mga magician hanggang sa countryside, ang Laro Reviews ay nakapag-feature na ng mga solitaire game na may iba’t ibang tema. Sa artikulong ito, dadalhin ka ng Plarium Global Ltd sa ilalim ng dagat. Ang kanilang Undersea Solitaire Tripeaks ay isang classic solitaire game kung saan maaari mo itong laruin sa iba’t ibang level. Gayunpaman, magiging kasing ganda ba ito ng mga nakaraang laro? Alamin natin.
Kilalanin si Alfred the crab, isang nilalang sa dagat na namumuhay nang payapa sa Rocky Bottom. Dati itong magandang lugar hanggang sa sirain ito ng bagyo at tangayin ang lahat ng mga mamamayan nito. Ngayong nag-iisa na siya, naghahanap siya ng kaibigang makakatulong sa kanyang muling itayo ang kanyang bayan. Napagtanto niya na may kasama pa siya nang makilala ka niya at humingi ng tulong sa iyo. Ang pangunahing layunin ng larong ito ay ang muling buuin ang kanilang lugar sa paglalaro ng solitaire.
Magkakaroon ng mga gawain sa laro na kailangan mong kumpletuhin, at magagawa mo lamang ito sa pamamagitan ng paggastos ng mga gem. Maaari mong makuha ang mga ito sa bawat oras na maipanalo mo ang mga level. Tulad ng ibang mga solitaire game, tinutukoy ng iyong active card kung anong unit ang makukuha mo. Ito ang open card sa ibaba ng iyong screen, at maaari mo lamang i-tap ang mga card na mas mataas o mas mababa kaysa rito.
Features ng Undersea Solitaire Tripeaks
Levels – Ito ang mga stage na kailangan mong i-clear, at makakakuha ka ng mga coin at gem kapag nagtagumpay ka.
Tasks – Magtayo man ng ospital o mag-order ng fertilizer, kakailanganin mo ng mga gem upang matapos ang mga ito.
Missions – Ito ang mga hamon na dapat mong kumpletuhin para makuha ang premyo.
Chest – Nagbibigay sa iyo ng mga reward kung umabot ka sa isang partikular na level.
Boosters – Ito ang mga item na makakatulong sa iyo sa laro. Aalisin ng Obstacle Eraser ang lahat ng mga obstacle sa board. Kung gusto mong alisin ang tatlong card, gamitin ang 3-Card Clearer. Ang Easy Streak ay magbabawas ng isang card sa meter para makagawa ng streak.
Scrapbooks – Gumastos ng mga token upang makuha ang mga picture scrap, at makatatanggap ka ng mga coin para sa bawat unit. Kumpletuhin ang lahat ng ito para makuha ang mga reward na bonus. Maaari mong kolektahin ang mga token sa mga card sa bawat level.
Slot Machine – Kailangan mong gumastos ng mga ticket para paikutin ang slot. Makukuha mo ang premyo kung makakukuha ka ng tatlong magkakaparehong mga item. Kung hindi, maaari mo pa ring makuha ang mga tournament point. Ikaw ay ira-rank batay sa kung gaano karaming mga point ang iyong nakuha, at ang may mas mataas na pwesto ang ay ang may pinakamaraming premyo. Maaari mong makuha ang mga ticket sa mga card sa iba’t ibang level.
Season Pass – Isang reward system na nagbibigay ng mga premyo tuwing makakaipon ka ng sapat na medal. Maaari kang makakuha ng dalawang medals kung tatapusin mo ang level sa unang attempt at isa para sa susunod na try.
Saan pwedeng i-download ang Undersea Solitaire Tripeaks?
Pumunta sa Google Play Store gamit ang iyong smartphone kung Android user ka o sa App Store kung iOS user naman, at ilagay ang Undersea Solitaire Tripeaks sa search bar. Dahil libre ang laro, i-click at i-install ito at hintaying mai-download.
Narito ang mga link kung saan mo maaring ma-download ang laro:
Download Undersea Solitaire Tripeaks on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.plarium.solitaire
Download Undersea Solitaire Tripeaks on iOS https://apps.apple.com/il/app/undersea-solitaire-tripeaks/id1309030270
Download Undersea Solitaire Tripeaks on PC https://www.bluestacks.com/apps/card/undersea-solitaire-on-pc.html
Kung nais mong laruin ito sa PC, i-download muna ang BlueStacks emulator mula sa kanilang https://www.bluestacks.com. Kumpletuhin ang access na kinakailangan sa Google Play at mag-sign in gamit ang iyong account, at pwede mo nang i-download ang laro at maranasan ito sa PC.
Tips at Tricks sa Paglalaro
Lalong humihirap ang laro habang tumatagal, at maaari kang ma-stuck sa stage. Gayunpaman, maaari ka pa ring makausad kung susundin mo ang mga tip na ito.
Suriin ang mga card.
Bago gamitin ang mga booster o mag-draw ng mga card mula sa deck, suriin ang lahat ng mga card sa field.
Mag-ingat sa mga bomba.
Sasabog ang mga card na may mga bomba sa ibang mga solitaire game kapag hindi mo pa kinuha ang mga ito matapos ang ilang moves, ngunit hindi sa larong ito. Magkakaroon ng timer na magsisimulang mag-countdown kahit na hindi ka nagmu-move. Sasabog ang bomba pagkaraan ng ilang segundo, at ililipat ang card sa ibaba. Aalisin din nito ang mga card sa iyong deck, kaya kunin ito sa lalong madaling panahon.
Gamitin ang Joker nang maigi.
Mahal ang wildcard na ito, kaya kumuha ng card sa iyong deck kapag wala kang mahanap sa field.
Gamitin ang Obstacle Eraser.
Aalisin nito ang net at ang bomba mula sa iyong mga card. Ang pinakamagandang bagay tungkol dito ay magagamit mo ito hanggang sa katapusan ng level.
Kumpletuhin ang mga misyon.
Straightforward ang mga gawain dito. Ang misyon ay maaaring tungkol sa pagtatangkang laruin ang level ng tatlong beses, at makukuha mo ang mga reward kapag natapos mo ito. Kaya palaging tignan ito upang mabigyan ka ng ideya kung ano ang gagawin mo.
Pros at Cons ng Undersea Solitaire Tripeaks
Ang laro ay may mga cute na character at may isang simpleng kwentong maaari mong abangan. Namumukod-tangi ito sa iba pang mga solitaire game dahil sa graphics at animation nito. Natutuwa akong tingnan ang mga sea creature na lumalangoy at naglalakad sa ilalim ng tubig. Para mong pinagmamasdan ang mga isda sa loob ng aquarium. Magugustuhan mo ang larong ito kung mahilig ka sa mga marine animal at mga habitat sa ilalim ng dagat. Isa rin itong offline game, kaya maaari mo itong laruin kahit saan.
Walang mga bug o problemang natagpuan sa laro. Gayunpaman, ang paggamit ng mga gem upang makumpleto ang isang task ay isang double-edged sword. Mas madaling tapusin ang pagtatayo ng mga gusali, ngunit ang paggastos sa mga simpleng gawain lamang ay maaaring maging isang abala. Minsan, kailangan mong maglaro ng isa pang level upang makakuha ng isang gem na gagamitin upang magbukas ng isang treasure box. Kakailanganin mo ring tapusin ang maramihang mga level upang i-unlock ang ilan sa mga feature nito. Kinakailangang laruin ang mahigit tatlumpu’t dalawang games para ma-access ang Season Pass.
Konklusyon
Maaaring masayang laruin ito sa simula, ngunit magiging monotonous ang laro sa katagalan. Gayunpaman, isa pa rin itong disenteng solitaire game na may mga kaibig-ibig na karakter. Ang Undersea Solitaire Tripeaks ay katulad ng iba pang solitaire game tulad ng Solitaire Tripeaks: Farm Story ngunit may underwater theme. Inirerekomenda ito ng Laro Reviews sa mga player na naghahanap ng mga card game na may ibang atmosphere.