Blast Fever – Tap to Crush Review

Nasasabik ka bang paputukin ang mga cube at lumikha ng malaking pagsabog? Kung gayon, halika na at simulan na natin ito. Masiglang i-tap ang mga cube at maghanda na upang gumamit ng mga booster para magpakawala ng isang malakas na mahika. Magagawa mong magkaroon ng isang kapanapanabik at masayang pakikipagsapalaran dito kasama ang mga kaibig-ibig na mga oso at iba pang mga nilalang. Kaya, ano pa ang hinihintay mo? Tingnan natin kung hanggang saan ang iyong makakaya!

Ano ang layunin ng laro?

Ang layunin ng laro ay simple lamang: kumpletuhin o i-clear ang bawat level sa pamamagitan ng pagpapasabog sa lahat ng mga colored cube na dapat sirain. Sa itaas ng screen, makikita mo ang bilang ng mga cube at ang kulay na dapat mong pasabugin. Ang kailangan mo lang gawin ay mag-tap, at iyon lamang. Maaari mo ng maalis ang mga ito. May mga booster na makakatulong sa iyong makamit ang layunin dito, at kung paano mo sila gagamitin ay nasa iyo. Sa sandaling makumpleto mo ang isang level, ito ay may hatid na sorpresa sa iyo, ang nakamamangha at magagandang fireworks upang batiin ka sa iyong tagumpay. Kaya subukan ito ngayon at manalo!

Paano ito laruin?

Kapag matagumpay mong na-download at na-install ang app sa iyong smartphone, direktang dadalhin ka nito sa pangunahing feature. Walang mga partikular na aspeto ng laro na dapat mong matutunan nang maaga. Ito ay talagang simple upang maunawaan, at kahit na walang tutorial, magagawa mong makabisado ang lahat ng wala sa oras o pagkatapos ng ilang mga pagsubok. Ang pangunahing layunin ng laro ay i-crash ang lahat ng colored cube na dapat sirain. Sa itaas ng screen, makikita mo ang iyong layunin o ang bilang ng mga colored cube na dapat alisin.

Pagkatapos nito, maaari mo ng simulan ang pagpapasabog sa mga cube upang makamit ang iyong layunin o lumikha ng isang booster. Maaari kang lumikha ng booster mula sa pagsira sa mga nakagrupong cube na makikita mo sa screen. Maaari kang gumawa ng booster kapag nag-tap ka ng limang parehong kulay na cube na magkakatabi. Maaari mo ring ikonekta ang dalawang booster na magkatabi para lumikha ng malakas na pagsabog. Sa ganoong paraan, madali mong matatapos ang level. Maliban doon, maaari mong i-tap ang dalawa o higit pang parehong kulay na mga cube para pasabugin. Ang bawat cube ay bilang at mayroon ka lamang limitadong bilang ng galaw.

Paano i-download ang laro?

Ang mga kinakailangan para matagumpay na ma-download ang Blast Fever – Tap to Crush sa Android devices ay dapat Android 4.1 o mas mataas pang bersyon ang gamit. Ito ay wala pang bersyon para sa mga iOS users.

Maaari ring i-click ang mga link sa ibaba upang mag-download:

Download Blast Fever – Tap to Crush on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.tapmatch.blastfever.free

Download Blast Fever – Tap to Crush on PC https://www.fibonair.com/en/games/download-36493-blast-fever-tap-to-crush/pc

Hakbang sa Paggawa ng Account sa Blast Fever – Tap to Crush

  1. Hanapin ang anumang app store na makikita sa inyong mga device.
  2. Hanapin ang bersyon ng larong Blast Fever – Tap to Crush. Pagkatapos ay i-download at i-install ito.
  3. Buksan ang app at direktang dadalhin ka nito sa laro. Hindi na kailangang i-link ang laro sa anumang mga account. Sa oras na inalis na ito sa mga device, hindi na masi-save ang progress ng laro.
  4. Maaari mo na ngayong umpisahan ang paglalaro ng Blast Fever – Tap to Crush !

Tips at Tricks sa Paglalaro ng Blast Fever – Tap to Crush

Narito ang ilang tip na inihanda ng Laro Reviews para sa iyo na gustong mag-level up nang mabilis. Para sa amin, mahirap isipin na hindi mo makukumpleto ang isang level dahil ito ay napakasimple at madali lamang. Gayunpaman, nagsama pa rin kami ng ilang tip na tutulong sa iyo sa gitna ng paglalaro.

  1. Unahin ang lahat ng mga cube na dapat sirain upang makumpleto ang level.
  2. Pagsamahin ang lahat ng posibleng mga booster na magkatabi upang lumikha ng malakas na pagsabog.
  3. Wasakin ang lahat ng nakagrupong cube para makagawa ang mga ito ng isang espesyal na booster.
  4. Magsaya lamang sa buong laro at huwag i-stress ang sarili upang hindi mabagot sa paglalaro.

Pros at Cons sa Paglalaro ng Blast Fever – Tap to Crush

Ang larong Blast Fever – Tap to Crush ay naghahatid ng isang toneladang kasiyahan na mabilis kang maa-addict. Ito rin ay naglalaman ng intuitive na gameplay, simple ngunit kaakit-akit na mga feature, at higit sa isang libong level upang laruin at magsaya. Hinding-hindi mo pagsisisihan na subukan ang isang ito dahil sa magandang karanasan na maaari mong makuha dito. Walang mga limitasyon sa edad at lahat ng edad ay maaaring maglaro. Kahit na ikaw ay matanda na, ginagarantiya namin na makakatulong ito sa iyo na magpalipas ng oras o maibsan ang pagkabagot. Ito ay posibleng magpasaya sa iyong araw at maaaring mag-angat ng iyong kalooban.

Totoo na ang paggawa ng isang bagay na nagpapasigla sa iyong isip ay ang tanging paraan upang maalis ang pagod at stress. Kaya nagpapasalamat kami na nahanap namin ang larong ito. Nagbibigay ito ng gameplay na mauunawaan ng kahit sinong manlalaro at naaangkop para sa lahat. Kahit na walang tutorial, maaari mong malaman ang mga bagay dahil ang lahat ay napakasimpleng unawain at walang kumplikado at advanced na mga kontrol na dapat ipag-alala. Ito ay simpleng pag-tap at pag-swipe lamang. Simple lang di ba?

Higit pa rito, ang laro ay hindi pa rin perpekto. Alam naman natin na ang lahat ng mga laro ay may mga kahinaan, at isa sa mga pinakakaraniwang problema ay ang mga advertisement. Asahan ang mga advertisement na lalabas sa iyong screen na magpapagalit sa iyo. Ayon pa sa Laro Reviews, ang laro ay masyadong simple, at walang mga bagong update na dapat kasabikan. Siyempre, natutuwa kami kung gaano kadaling matutunan ang laro, ngunit palagi kaming naghahanap ng mas mapanghamong mga level na maglalagay sa aming mga kasanayan sa pagsubok sa halip na para lamang sa kasiyahan. Para bang maaari mong kumpletuhin ang bawat level sa pamamagitan lamang ng ilang mga galaw. Umaasa kami na ang mga developer ay makakalikha ng bago na makapagpapataas sa kasiyahan ng paglalaro nito.

Konklusyon

Kahit walang mga bagong update o feature sa laro hanggang ngayon, gusto pa rin naming irekomenda ito. Samakatuwid, kung naghahanap ka ng isang laro na magpapanatiling abala sa iyong isip, ito ay para sa iyo.