Anti-stress – Relaxation Toys – Ang stress ay isang pangkalahatang pakiramdam. Ito ay isang likas na bahagi ng buhay. Ang pag-aaral na tumugon sa stress gamit ang likas na pamamaraan ay isang kasanayan na makakabuti para sa iyo at sa iyong pamumuhay.
Ang pangmatagalang pag-iwas at pamamahala ng stress ay maaaring makapagpababa ng panganib o tyansa ng pagkakasakit sa puso, labis na katabaan, mataas na presyon ng dugo, at depresyon. Ang pagpaplano nang maaga ay maaaring makatulong sa iyo na maiwasan o mabawasan ang stress. Dapat alamin ang mga bagay na unang tatapusin kapag tambak ang mga gawain. Bukod dito, ang paghahanap ng isang bagay o gawain na makakatulong sa iyo para ma-destress ay dapat ring tuklasin.
Ang Anti-stress – Relaxation Toys ay palagi kong nilalaro pagkatapos ng trabaho. Bukod sa nakakatulong ito para hindi madala ang mga problema sa bahay, nalilibang din ako habang nasa byahe – pauwi man ng bahay o papasok pa lang sa opisina. Tiyak dadami ang baon mong happy hormones, kaya pagdating sa trabaho ay siguradong may focus at sabak agad!
I-enjoy ang iba’t ibang laro kapag kailangan mo ng relaxation, diversion, o panandaliang distraction: makinig sa bamboo chime, maglaro ng wooden boxes, marahang i-swipe ang iyong daliri sa tubig, magpipindot ng buttona, gumuhit gamit ang chalk, at marami pang iba!
May hinihintay ka ba at kailangan mong magpalipas ng oras?
Subukan mo ang Newton’s cradle sa Anti-stress app!
Mayroon ka bang sama ng loob sa isang tao?
Mag-relax sa ilang rounds ng nakaka-hook na mga laro!
Kailangan mo ba ng pahinga sa iyong pag-aaral?
Buksan ang Anti-stress app at mamili ng trip mong stress buster mula sa iba’t ibang laro!
Kaunting oras lang ang puhunan para ma-relax at magsaya habang nagpapahinga. Marami pang mga pakulo para sa magkakaibang personalidad ang nandito, tulad ng anti-stress bamboo bell at finger scale. May kasama pang maruruming bintanang dapat linisin para sa mga taong naglulubag ang loob kapag nakikita ang resulta ng kanilang pinaghirapang gawain. Para lalo mong maintindihan ang epekto ng mga nabanggit dito, i-download na ang app gamit ang sumusunod:
- Download Anti-stress – Relaxation Toys on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.JindoBlu.Antistress&hl=en&gl=US
- Download Anti-stress – Relaxation Toys on iOS https://apps.apple.com/us/app/antistress-relaxing-games/id1207565651
- Download Anti-stress – Relaxation Toys on PC https://www.memuplay.com/how-to-play-com.JindoBlu.Antistress-on-pc.html
Ano ang mga benepisyo ng Anti-stress – Relaxation Toys?
Ang Anti-stress relaxation toys ay isang kamangha-manghang app kung saan pinagsasama-sama ang dose-dosenang mga virtual na bagay at aktibidad upang matulungan kang magrelaks.
Kapag nasimulan mo nang laruin ang Anti-stress app, makikita mo ang isang shelf na puno ng iba’t ibang bagay na inilagay doon upang tulungan kang saglit na maihinto anuman ang nagiging sanhi ng iyong pagkapagod, mabawasan ang pag-aalala o makalimutan muna ang nagdudulot sa iyo ng pagkabalisa. Katulad ng iba pang teknik para mabawasan ang pagka-stress, walang ibang layunin ang app na ito kung hindi hayaan kang mag-tap hanggang sa makaramdam ka ng kapayapaan. Walang pressure para makatapos ng level o kaya ay makakuha ng mga gantimpala.
Ang mga Anti-stress relaxation toys na kinabibilangan ng makatotohanang animation at magagandang tunog ay nagbibigay-daan sa mga user na ipahinga ang kanilang utak sa pamamagitan ng pagsasagawa ng mga aktibidad na chill lang kahit nangangailangan ng response. Nalilibang ka at nalilipat ang iyong atensyon sa bagay na kasalukuyang ginagawa. Ang ilang gawain ay simple at nakatutuwa, tulad ng paghihiwa ng carrot. Hiwain ang sandamakmak na carrots sa iyong screen, gamit ang isang matalim na kutsilyo. Mayroon ding mga wooden blocks na dapat isalansan, mga buttons na pipindut-pindutin, slime na papasunurin, pagguhit sa buhangin, pagsusulat at pagbura sa chalkboard, isang mesa na puno ng cards na dapat ayusin, mukha na aahitin, at ang nakakaadik na pagpisa ng bubble wrap! Sa madaling salita, ito ay isang koleksyon ng mga produkto at aktibidad na talagang papawi sa stress ninuman.
Ang Anti-stress relaxation toys ay talagang kapaki-pakinabang na tool upang makapagpahupa ng tensyon habang nagsasagawa ng ilang routine at nakakapagpakalmang mga gawain.
Ang larong ito ay talagang wagi, dahil nakakatulong na makapag-destress
Ang pagpisil-pisil sa stress ball ay isa sa mga pinakasimple at subok ng paraan ng pagdi-destress kapag nasa opisina o trabaho. Sa katunayan, malaki ang ambag nito sa kalusugan. Ang stress ay nagdudulot ng imbalance sa pangangatawan kaya dapat itong i-release. Ayon sa isang eksperto: “Ang pagpisil (sa isang stress ball) ay nagpapalabas ng bad energy, kaya ang paulit-ulit na paggawa nito ay magpapasigla sa isang tao at uutusan ang katawan na kumalma at makapagpahinga.” Hindi lang ‘yan. Ang pagpisil sa isang stress ball ay makakabuti rin para sa mga may karamdaman gaya ng arthritis dahil mapapabuti nito ang lagay ng mga kalamnan sa pulso at mga kamay.
Related Posts:
Empire and Puzzles: Match-3 RPG Review
Zombie Tsunami Review
Ang mga puzzle destressors naman ay hinihikayat ang isip makahinga tulad ng nangyayari sa sculpting, na tumutulong na mapayapa ang utak, mailabas ang mga sanhi ng pagkabalisa at mapagtuunan ng atensyon ang kasalukuyang ginagawa.
Bilang panghuli, ang paghawak ng fidget toys ay pumapawi rin ng pagkabalisa at stress. Bukod sa maraming matutunan, pinagbubuti pa nito ang pagsasanay at ehersisyo para sa mga kamay at kalamnan, koordinasyon ng paningin at motor skills.
Anti-stress – Relaxation Toys – Tumpak ang pakinabang ng app at mga features nito
Ang app na ito ay mayroong iba’t ibang minigames na nakakatanggal ng stress. Angat ito sa iba pang apps dahil kakaunti o halos walang mga patalastas na madalas ay sagabal sa paglalaro. Ang bawat laro rito ay may kaakit-akit ding graphics at sound effects. Kung ikukumpara sa iba pang mga larong anti-stress din, ang tunog nito ay makatotohanan at magkakaugnay!
Ang isa pang maganda sa app ay ina-update ang software nito kada dalawang linggo!
Lubos kong iminumungkahi ang app na ito para sa mga taong nabibilang sa anumang edad na naghahanap ng paraan para makapagpahinga at matigil ang pagkabalisa!
Ang app na ito ay talagang nakapapawi ng pagod, lalo na para sa mga taong nahihirapan sa labis at panaka-nakang pag-antak ng emosyon at mabibigat na suliranin. Ilang araw ko pa lang nagamit ang app na ito, ngunit nakagawa na ito ng malaking epekto sa aking sarili at nakakaya kong magawan ng paraan para maging magaan ang pagtanggap ko sa anumang problema. Kung biktima ka ng pagkabalisa o kasalukuyang may pinagdadaanang nakaka-stress, ang app na ito ay isang mahusay na paraan upang mapawi ang tensyon at makapahinga.
Ilang bagay na kailangang tugunan ng mga developer.
Isa lang ang reklamo ko: ang mga bagong icon sa laro ay tila kapareho na ng nasa ibang app sa unang tingin. Hindi ako sigurado kung bakit binago ang mga icons, ngunit tila sumasalungat ito sa disenyo ng app. Nagbibigay ito ng impresyon na ang app ay pipitsugin at buggy (na hindi naman totoo) at magiging makulay (hindi makikita sa laro). Dahil nagtatrabaho ako bilang isang graphic designer, ang mga kakulangang ito ay sadyang kapansin-pansin para sa akin. Nagdudulot din ito ng stress.
Laro Reviews