King of Defense 2 – Huwag sumuko at umpisahan na ang pakikipaglaban! Dumating na ang sandali upang maghanda ng isang madiskarteng labanan kontra sa mga iba’t ibang klase ng halimaw. Haharap ka sa marami pang pagsubok sa hinaharap, ngunit huwag mag-alala, ang iyong mga mandirigma ay makakasama mo at handang sumabak sa digmaan anumang oras. Ipunin ang lahat ng iyong mahuhusay na mandirigma at bayani, bigyan sila ng makapangyarihang mga gear, at ilabas ang mga nakamamatay na bagay na maaaring makapinsala sa iyong mga kalaban. Isang epikong paglalakbay na tiyak na magpapasaya at magpapamangha sa iyo sa iba’t ibang aspetong matutuklasan mo rito. Good luck sa iyong kakaibang pakikipagsapalaran at magsikap para makamit ang tagumpay!
Ano ang Layunin ng Laro?
Ang larong King of Defense 2: Epic TD ay nagtatampok ng iba’t ibang kawili-wiling lugar upang siyasatin at ito may tatlong level ng kahirapan. Binubuo ito ng iba’t ibang kondisyon para makumpleto ang bawat level ng laro at kung matagumpay mong matapos ang lahat ng ito ay makakatanggap ka ng mga reward. Kailangan mo lang unahin ang pag-iisip ng mga paraan para talunin ang iyong mga kalaban. Maaari mong palakasin ang damage, critical, range, at speed ng iyong mga bayani, o bumuo ng isang epektibong posisyon ng mga mandirigma upang ganap na talunin ang mga kalaban. Mayroong ilang bagay na matutuklasan dito at habang umuusad ka ay magagawa mong ma-unlock ang iba pang feature at level ng laro. Magsisimula ang iyong pakikipagsapalaran sa oras na isabak mo ang iyong mga bayani at hukbo sa digmaan. Kaya simulan na ang pagpapalakas sa iyong hukbo para sa matinding labanan!
Paano ito Laruin?
Ang laro ay napakasimpleng matutunan at laruin. Kung ikaw ay isang baguhang manlalaro hindi mo na kailangang mag-alala dahil mayroon itong maikling tutorial at pagkatapos ipaliwanag ang lahat ng mahahalagang impormasyon na kailangan mong malaman, maaari mo na itong umpisahan laruin nang mag-isa. Kung gusto mong matuto nang higit pa tungkol sa mga feature ng laro, magpatuloy lamang sa pagbabasa ng artikulong ito na inihanda ng Laro Reviews.
Sa sandaling buksan mo ang app, dadalhin ka nito kaagad sa Dream Kingdom. Ito ang simula ng iyong epikong pakikipagsapalaran kasama ang iyong mga bayani at mandirigma. Pagkatapos ang kailangan mo lang gawin ay pamunuan ang iyong hukbo at bumuo ng isang depensa upang labanan ang mga kalaban na halimaw. Manggagaling ang mga kalaban mula sa iba’t ibang direksyon, kaya dapat mong iposisyon ang mga tore at ihanda ang iyong mga pwersa sa pag-atake. Habang nagtatayo ng mga tore ay maaari mong ilipat ang iyong mga bayani at mandirigma kahit saan sa mapa. Maaari kang magtayo ng hanggang dalawang tore sa parehong lugar at palakasin ang mga ito. Kung gusto mo, maaari mong ibenta o i-upgrade ang mga ito ayon sa iyong diskarte.
Sa una, bibigyan ka ng sapat na pera upang makapagpatayo ng ilang mga tore. Ang iyong mga bayani at mandirigma ay magiging backup force mo na makakatulong sa iyo sa pakikipaglaban sa mga halimaw. Maaari mong pahusayin ang mga kakayahan at katangian tulad ng damage, critical, range, at speed nito. Ang “bungo” na simbolo ay nagpapahiwatig na ang isang wave ng mga kalaban ang papalapit sa direksyon na iyon. Kapag mahirap na ang mga sitwasyon, maaari mo nang gamitin ang espesyal na atake. Mayroon itong cooldown sa oras na ginamit mo ito, kaya gamitin ito nang matalino. Ang bawat level ay nahahati sa tatlong kahirapan: Normal, Hell, at Nightmare. Nag-aalok ang bawat isa ng natatanging hanay ng mga quest at reward. Maaaring bigyan ka ng mga espesyal na bagay, hiyas, o kristal.
Paano I-download ang Laro?
Ang mga kinakailangan para matagumpay na ma-download ang King of Defense 2: Epic TD sa Android devices ay dapat Android 5.0 o mas mataas pang bersyon ang gamit. Para sa iOS users naman, makukuha ito gamit ang iPhone 6s o mas mataas na iOS sa 11.0. Ang makukuhang space ng app para sa Android ay 107 MB at 309.6 MB naman para sa iOS.
Maaari ring i-click ang mga link sa ibaba upang mag-download:
Download King of Defense 2: Epic TD on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.Gcenter.KingofDefense2.epic.towerdefense
Download King of Defense 2: Epic TD on iOS https://apps.apple.com/bg/app/king-of-defense-2-epic-td/id1605945236
Download King of Defense 2: Epic TD on PC https://www.ldplayer.net/games/king-of-defense-2-epic-tower-defense-on-pc.html
Hakbang sa paggawa ng account sa larong King of Defense 2: Epic TD
- Hanapin ang anumang App Store na makikita sa inyong mga device.
- Hanapin ang bersyon ng larong King of Defense 2: Epic TD pagkatapos ay i-download at i-install ito.
- Buksan ang app at i-connect ito sa iyong Cloud account.
- Ang data ng laro ay maiingatan o masi-save kung ili-link mo ito sa isang account.
- Maaari mo na ngayong umpisahan ang paglalaro ng King of Defense 2: Epic TD!
Tips at Tricks sa Paglalaro ng King of Defense 2: Epic TD
Narito ang ilang ideya at diskarte upang manalo sa laro. Alam nating lahat na ang iyong pangunahing layunin dito ay kumpletuhin ang lahat ng mga level upang makakuha ng maraming reward. Dapat kang maging alerto kung ilan na ang tuluyang nakapasok sayong base. May simbolo ng puso sa itaas ng screen na kumakatawan sa iyong buhay. Mayroon lamang limitasyon sa bilang ng mga kalaban na maaaring makalusot sa iyong base. Sa ganoong sitwasyon, dapat kang gumawa ng bagong diskarte kung hindi na epektibo ang kasalukuyang posisyon ng iyong mga tower at mandirigma. Kung mayroon kang sapat na pera, maaari kang magtayo ng dalawang tore sa parehong lugar at i-upgrade ang mga ito. Iwasan ang pagbebenta ng mga ito dahil ito ay nagdudulot lamang ng pag-aaksaya ng pera.
Ang iyong mga backup force ay ang iyong mga bayani at grupo nito na maaari mong ilagay saanman sa mapa. I-upgrade ang lahat ng katangian at kasanayan nito, o bigyan ito ng matitibay na gear. Kapag mahirap na ang level ay maaari mong gamitin ang espesyal na atake. Habang tumatagal ang laban, ang bilang ng mga kalaban at ang kanilang mga kapangyarihan ay lalong nagiging marami at malakas. Kaya kung mayroon kang pagkakataon na pahusayin ang iyong hukbo kaagad, gawin na ito upang maagapan ang pagkatalo sa labanan.
Related Posts:
March of Empires: War of Lords Review
Ancient Planet Tower Defense Offline Review
Pros at Cons sa Paglalaro ng King of Defense 2: Epic TD
Tiyak na mamamangha ka sa hatid nitong nakakalibang na mga feature pati na rin sa nakakaaliw nitong gameplay performance. Napakadali lamang nitong laruin at maaaring i-skip mo na lamang ang tutorial para makapag-umpisa ka na agad maglaro. Naglalaman ito ng iba’t ibang mundo na maaari mong siyasatin at tuklasin. Mayroon itong tatlong mapanghamong levels: Normal, Hell, at Nightmare. Ang bawat isa ay mayroong iba’t ibang set ng rewards na maaari mong matanggap oras na masunod mo ang mga kondisyon sa pagkukumpleto ng mga misyon. Marami ka ring mapagpipilian na heroes na maaari mong gamitin at ito ang magsisilbing backup mo sa pakikipaglaban. Kailangan mo lamang i-upgrade ang kanilang damage, critical, range, at speed upang mas lalo pa silang lumakas.
Isa sa kakaibang gameplay nito ay maaari kang maglagay ng dalawang tower sa iisang spot or lugar na available sa mapa. Sa ganoong paraan ay mapapatibay mo ang iyong puwersa at magiging matatag ang iyong depensa at opensa sa labanan. Ito ay isang advantage na tiyak na kabibiliban mo. Maaari mo rin ito i-upgrade o ibenta sa gitna ng labanan kung sakaling magbago ang iyong diskarte sa paglalaro. Pagdating naman sa visual graphics, simple at malinaw nilang naidisenyo ang bawat karakter kabilang na ang mga tower at ang mga kakaibang nilalang na kalaban ay nakakamangha rin ang pagkakagawa. Sapat na ang mga ito upang mapaganda ang karanasan ng mga manlalaro sa paglalaro nito. Ito ay natural ng makikita sa mga strategy game ngunit ang isang ito ay nakakabilib ang mga feature na hatid sa mga manlalaro.
Ang sound effects ay sapat na upang magbigay aliw at intense sa laro. Hindi ito nakakairita o kaya naman ay nakakasira ng pandinig. Magandang bagay din na maaari mong mai-save ang progress mo sa laro sa pamamagitan ng pag-link nito sa iyong Cloud account. Available din ito sa lahat ng Android, iOS, at PC user kaya mas maraming manlalaro ang matutuwa rito.
Konklusyon
Sa huling pagbibigay komento sa larong ito, ang Laro Reviews ay nagagalak sa magagandang features na hatid nito sa mga manlalaro. Maganda rin itong libangan at tiyak na ikakatuwa ng maraming manlalaro. Marami kang madidiskubre at siguradong ito ay iyong kahuhumalingan.
Laro Reviews