Call of Magic: Kill & Capture Review

Ang Call of Magic ay isang laro ng diskarte kung saan kakailanganin mong magtipon ng iba’t ibang heroes na may layuning gamitin ang kanilang mga pag-atake upang talunin ang masasamang pwersa. Ang mahiwagang mundong ito ay nasadlak sa kaguluhan at magiging desisyon mo ang pagtalo sa Dark Legion.

Ang Call of Magic: Kill & Capture

Sa Call of Magic, makikita mo ang apat na magkakaibang paksyon kung saan ang sandaang heroes na maaari mong i-unlock ay isinama. Ang mga karakter na ito ay may iba’t ibang kakayahan at kapangyarihang magbibigay-daan sa iyong mag-alok ng paglaban sa mga pag-atake ng kaaway. Bilang karagdagan, sa buong mga pagtatagpo sa laro, kailangan mong pagbutihin ang mga kondisyon ng iyong base camp upang magtayo ng mga kuta na nagpapahintulot sa iyo at iyong mga kasamahang manirahan nang may mga garantiya.

Ang isa pang nakatutuwang aspeto ng Call of Magic: Kill & Capture ay ang pakikipag sanib-pwersa sa iyong mga kaibigan. Sa totoong oras, magkakaroon ka ng opsyon na pagsamahin ang mga pwersa ng iyong mga hero at ng iba pang nauugnay na mga manlalaro upang talunin ang bawat kalaban. Sa kabilang banda, sa panahon ng mga laban, mapipili mo rin ang mga karakter na gusto mong atakihin sa bawat turn.

Ang Call of Magic ay may maraming karakter at isang malawak na mundong maaari mong kontrolin habang pinapalawak mo rin ang iyong base. Sa pag-unlock ng mga bagong hero at pagpapahusay pa sa mga lakas na mayroon ka na, tutuklasin natin ang mahika ng kaharian upang subukang ibalik ang kapayapaan sa trono.

Pangunahing Tampok

Maaari mong ayusin ang mga ruta ng pagmamartsa at estado ng iyong mga troop anumang oras na gusto mo. Maaari mo ring baguhin ang mga taktika nang naaayon kung kinakailangan. Harangin, salakayin, akitin ang mga kaaway at talunin silang lahat. Nasa iyo na ang lahat kung paano papatakbuhin ang laro.

Dito ay maaari mo ring ayusin at i-update ang lahat ng mga gusali nang malaya upang palakasin ang depensa ng iyong kastilyo. Maaari ka ring lumipat sa anumang iba pang mga estado sa labas ng kastilyo. Maaari ka ring pumili ng isang mas mahusay na lokasyon o kahit isang mas mahusay na server.

Samantala, mayroong mahigit sa 100 mga hero na may iba’t ibang talento ang magsisilbi sa iyo. Ang kapangyarihan din ng iba’t ibang uri ng unit ay perpektong nasuri. Paghaluin at pagtugmain lang ang iba’t ibang heroes at units para makagawa ng maganda at malakas na kumbinasyon.

Sa larong ito, napakaraming mga gusali, sundalo at kasanayan ang dapat i-upgrade. Hindi mo na kailangang mag-alala. Magpahinga at iwanan silang lahat sa sistema. Patuloy kang lalakas kahit habang ikaw ay natutulog pa.

Panghuli ay ang mga malalaking halaga ng mga regalo at benepisyong ipinamamahagi sa buong araw. Magiging abala ka sa pag-claim ng mga reward simula sa pag-log in, pagwawagi sa mga laban, pag-level up, pagtulong sa mga kaalyado, pag ligtas ng mga kaibigan o pagbagsak ng mga kaaway.

Ang Gameplay

Ang gameplay ng laro ay isang halo ng kolektor ng hero at RTS. Sa simula ng kampanya, ang manlalaro ay binibigyan ng isang parte ng lugar para sa paninirahan at ito ay napalilibutan ng mga pader. Ang isang medyo malaking bilang ng mga gusali ay maaaring simulan sa pag-construct, maaari ka na ring mag-summon ng mga hero, magsagawa ng pananaliksik, bumuo ng mga yunit, at iba pa.

Sa pagkalap ng isang hukbo, maaari ka nang magsimula sa pakikipagsapalaran sa nakapaligid na mundo. Sa daan, makatatagpo ka ng mga palakaibigang NPC, mga masasamang tao, at makahahanap rin ng ilang kayamanan. Ang lahat ng mga hero ay maaaring mag-level up din at ito ay nakadepende sa karanasan. Sa simula ng laro mayroong isang bayani na magagamit. Sa kurso ng pagbuo ng naaangkop na mga gusali, ang bilang ng mga hero ay maaaring tumaas. Ang bayani ay maaari ding samahan ng mga nilikhang mga yunit.

Call of Magic: I-download na ang Call of Magic

Ang tagumpay ng pwersa ng ekspedisyon ay maliit lamang, ngunit ang mga paksyon ng madilim na pwersa ay muling pinaliliyab ang apoy ng digmaan. Pangunahan ang mga hero, maging handa, palawakin ang mga teritoryo, buuin ang iyong mga alyansa, at palayasin ang madilim na pwersa. Gusto mo bang lupigin at pamunuan ang lahat ng lahi? I-download ang laro ngayon gamit ang mga link na inihanda ng Laro Reviews sa ibaba.

Download Call of Magic: Kill & Capture on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.more.thirdcom.gp

Download Call of Magic: Kill & Capture on iOS https://apps.apple.com/us/app/call-of-magic/id1453954560

Download Call of Magic: Kill & Capture on PC https://www.gameloop.com/ph/game/strategy/call-of-magic-kill-capture-on-pc

Tips para Lalong Gumaling sa Strategy Game

Ang maliit na lihim tungkol sa mga RTS ay ang mga ito ay nakabatay sa ekonomiya. Kunin mo ang mga resource mula sa mapa at i-convert ang mga ito sa isang hukbo. Pagkatapos ay gamitin mo ang iyong hukbo upang pigilan ang mga kalabang sisira sa iyong mga pinagkukunan at tatalo sa iyong hukbo.

lsa sa mga bottleneck para sa karamihan ng mga bagong manlalaro ay ang hakbang sa pagitan ng mga mapagkukunan at mga yunit. Kung magkakaroon ka ng masamang ekonomiya, hindi ito makatutulong sa iyo, maliban kung mabilis mong maisasalin ito sa mga yunit ng militar. Napakakaunting ng mga RTS lang din ang hindi nakikinabang sa pagkakaroon ng maraming barracks, pabrika, atbp.

Related Posts:

Chess Rush Review

Plague of Z Review

Ang isa sa mga pinakamahuhusay na paraan upang matuto ng mga taktika sa laro ay ang maging nasa dulo o pagpapanalo rito. Hindi kaaya-aya kung sanay ka sa pilosopiyang nakatuon sa panalo ng single-player gaming. Ngunit kailangan mong mag-isip, hindi lang tungkol sa pagkakapanalo at pagkatalo, ngunit tungkol sa pagkatuto upang mas maging pamilyar ka na sa laro, makabisado ang pasikut-sikot dito, at alam na rin ang mga posibleng mangyari kung gagawa ng isang hakbang.

Call of Magic: Ang Pros at Cons ng Laro

Ang graphics at tunog ay mahusay ang pagkakagawa pati na rin ng interface nito. Magugustuhan mo rin ang mga hero, lahat ng packs na inaalok dito, maraming kaganapan kaya laging may paraan para kumita ng mga mapagkukunan at mga bagay na kailangan mo upang maging mas malakas. Ipapaalala rin nito sa iyo ang Rise of Kingdoms at Rise of Empire na pinagsama-sama, ngunit napakakakaiba pa rin sa sarili nitong paraan.

Samantala, gumawa sila ng isang update sa laro kung saan ay binago ang lahat tungkol dito. Ni-reset nila ang lahat at ibinalik lang nila ang mga item batay sa mga antas ng kapangyarihan na makukuha mo lang kahit hindi ka kailanman aktibong naglalaro sa mga event at umuupo lang sa pagbuo ng troops sa loob ng ilang buwan. Dahil dito ay nawalan ng gana ang ibang manlalaro dahil ito ay naging mas matamlay para sa kanila. Pagdating naman sa kanilang support department ay hindi ka makakaasang malulutas ang iyong issue dahil hindi nila ito masyadong binibigyan ng panahon.

Konklusyon

Para sa Laro Reviews, kung gusto mo ng ilang bagong madiskarteng pakikipagsapalaran, maaari mong subukan ang larong ito upang malaman kung ito ang sagot sa iyong pagkauhaw sa pagbuo ng mga alyansa at pagwawagi sa mga laban.

Laro Reviews