Five Night Survival: Bear Hunt Review

Isipin mong nagsasaya ka kasama ng iyong mga kaibigan at biglang may lumitaw na kakaiba at nakakatakot na animatronic na mascot bear. Dala ng pagtataka, nilapitan mo ito para tignan at habang naglalakad ka papunta rito, bigla itong nagtaas ng mga kamay at itinapat sa iyo ang matalim na kuko. Tungkol dito ang larong ito at kung gusto mong malaman ang higit pa, magbasa pa ng artikulong ito hatid sa iyo ng Laro Reviews.

Ang Layunin ng Laro

Ang larong ito ay hahayaan kang pumili kung gusto mong maging mamamatay na humahabol at pumatay sa lahat ng biktima nito o kung gusto mong maging impostor na susubukang tumakbo at magtago mula sa mamamatay. Ang layunin ng pumapatay ay ang hanapin at patayin ang lahat ng biktima nito bago matapos ang oras at ang panalong kondisyon para sa mga impostor ay tumakbo at magtago hanggang sa maubos ang oras.

Ang Tampok ng Laro

Ang larong ito ay may dalawang mga mode. Ang Hide, na ang pangunahing layunin ay ang magtago mula sa animatronic mascot bear na gustong pumatay at ang Seek na may layunin namang hanapin at patayin ang lahat ng mga impostor bago matapos ang oras. Ito ay isang user friendly na larong nangangahulugang ito ay madaling laruin dahil sa mga simplistic na disenyo nito at mga setting ng buttons. Ang bawat mapa at yugto ay may walang katapusang levels at ang tampok na limitasyon sa oras ng larong ito ay ginagawang mas kapanapanabik sa mga tuntunin ng gameplay. Hindi mo kailangang mag-alala kung sakaling magsawa ka sa iyong avatar dahil ang larong ito ay may mga kahon ng mga skin na naghihintay na mai-unlock mo.

Paano i-download ang Five Night Survival: Bear Hunt?

Para sa Android users, pumunta sa Google Play Store at i-click ang search icon pagkatapos ay i-click and install. Kung ang gamit mo naman ay PC, kailangan mo munang i-download ang Bluestacks emulator at i-download ang larong ito mula rito. O para sa mas madaling pag-access, i-click lamang ang link sa ibaba. Sa kasamaang palad, ang larong ito ay hindi pa available sa iOS.

Download Five Night Survival: Bear Hunt on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.unicorn.fedy.survival

Download Five Night Survival: Bear Hunt on PC https://www.bluestacks.com/

Tips at Tricks sa mga Nagsisimula

Kung nahihirapan kang mabuhay sa larong ito bilang isang impostor o hanapin ang mga biktima, huwag ka nang mag-alala dahil ang mga tip at tricks na itong ginawa ng Laro Reviews ay tiyak na magpapahusay sa iyong gameplay at garantiyang magiging master ka ng larong ito sa lalong madaling panahon.

Bilang impostor, dapat mabilis kang maghanap ng magandang taguan. Tandaan na upang manalo sa larong ito, dapat kang mabuhay hanggang sa maubos ang oras kaya magtago ka nang mas mabilis hangga’t maaari at subukang huwag gumawa ng anumang ingay dahil maririnig ka ng halimaw. Kung ikaw ay naglalaro sa isang koponan, ang pagkakaroon ng malinaw at palagiang komunikasyon ay magiging isang malaking tulong. Maaari mong akitin ang halimaw at itulak ito sa mga gilid upang magkaroon ka ng mas maraming oras upang tumakbo at magtago sa isang emergency na sitwasyon. Bukod dito, maaari mong isakripisyo ang isa sa iyong mga kasamahan sa koponan upang maakit ang halimaw at ilayo ito mula sa grupo.

Bilang halimaw, ikaw ay nasa isang disadvantage na estado dahil kailangan mong hanapin at patayin ang lahat ng impostor sa loob ng isang takdang panahon, ngunit hindi mo kailangang mag-alala dahil mayroon kang kalamangan sa mga tuntunin ng bilis at kadaliang kumilos. Ang kailangan mong gawin upang manalo ay ang gamitin ang mga kalamangang ito sa pamamagitan ng pag-roam sa mapa at pagpapatalas ng iyong pandinig at paningin. Subukang maging pamilyar sa lahat ng magagandang taguan sa paligid ng mga mapa upang mas madali mong mahanap ang iyong mga biktima.

Mga Kalamangan at Kahinaan ng Night Survival: Bear Hunt

Narito ang ilan sa mga bagay na maaaring magbigay sa iyo ng mga dahilan o para hindi laruin ang larong ito.

Para sa mga kalamangan nito, ang konsepto ng laro ay makabago na siyang naghihiwalay rito mula sa iba pang mga kaswal na laro. Ang inspirasyon ng konsepto nito ay isang halo ng ilang sikat na laro tulad ng Five Nights at Freddy’s na may hide and seek gameplay. Ang mga tampok na limitasyon sa oras ay ginagawang mas mapanghamon ang larong ito at ang walang katapusang levels nito ay nakakatulong sa manlalarong magkaroon ng mas maraming oras upang maglaro sa iba’t ibang level. Dahil dito, ang Five Night Survival: Bear Hunt ay isang nakakapanabik na larong may mabilis na oras. Napakaganda ng graphics na may nakakatakot na vibes na katugma ng nakakapanginig na audio output nito na tiyak na sisindak sa iyo hanggang sa humiga ka sa iyong kama. Maganda at makinis ang function ng buttons nito kaya asahan ang isang magandang karanasang walang lag at pagkaantala kapag gumagalaw ang iyong avatar. Iba’t ibang skins o costumes ang mapagpipilian kaya sigurado akong hindi ka magsasawa sa larong ito.

Ngayon, para sa mga kahinaan nito, isang pangunahing isyung nakita ng Laro Reviews ay ang masyadong maraming mga patalastas na lumalabas sa isang random na sitwasyon. Gayundin, ang pag-iipon ng barya ay masyadong mabagal, kailangan mo talagang maglaro ng sobra o gumastos ng masyadong maraming totoong pera at oras upang makaipon ng sapat na mga barya para makabili ng ilang mga costume.

Konklusyon

Ang larong ito ay may star rating na 4.3 at top seven din ito sa mga free in action game sa Google Play Store. Marami sa mga manlalaro ang nakikita ang larong ito bilang isang rip off o murang bersyon ng Among U, Five Nights at Freddy’s at Poppy Playtime, ngunit sa katotohanan, ang larong ito ay pinaghalong lahi ng mga nasabing laro. Talagang nakakatuwang laruin ang isang uri ng larong may elemento ng iyong mga paboritong laro kaya hindi masama ang pagiging katulad ng ganitong uri. Ang mga isyung matatagpuan sa larong ito ay medyo mapapamahalaan tulad ng mga random na pop up ad. Maaari mong i-off ang iyong wifi o mobile data kapag nasa laro ka. Sa pangkalahatan, sulit na subukan ang larong ito. Talagang nagbigay ito sa sa atin ng makabagong larong kikiliti sa iyong imahinasyon. Huwag lang masyadong ma-attach rito dahil baka magkaroon ka ng bangungot at alam kong hindi mo gugustuhin iyon.