Ano ang Beat Slash: Blade & Saber Song?
Ang Beat Slash: Blade & Saber Song ay isang kapanapanabik na musical mobile game na magbibigay-daan sa mga manlalaro nito na mag-slash kasabay ng beat! Ang laro ay inilabas ng LinhVan Game noong Nobyembre 6, 2020. Nagtatampok ang laro ng genre ng Electronic Dance Music (EDM) sa playlist ng musika nito. Ang layunin ng larong ito ay i-slash ang lahat ng makukulay na neon block kasama ang beat ng kanta gamit ang iyong neon Saber habang iniiwasan ang lahat ng bomba sa proseso. Bukod sa EDM genre, nagtatampok din ang laro ng iba pang upbeat hitsongs mula sa lahat ng genre. Maaari mong i-download ang larong ito dito:
Download Beat Slash: Blade & Saber Song on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.music.blade.beat.force
Kabuuan ng Larong Beat Slash: Blade & Saber Song
Ang gameplay ng Beat Slash: Blade & Saber Song ay napakadaling sundin. Ang iyong unang kanta, ay isang EDM na bersyon ng “In the end” ng Linkin Park, ang iyong magiging practice song. Gumagamit ang laro ng mga pop-up text window upang gabayan ang mga manlalaro sa paglalaro. Ang tanging bagay na dapat mong gawin sa laro ay ang mag-swipe at kontrolin ang iyong cool na neon lightsaber upang hiwain ang mga papasok na makukulay na block habang sumasabay sa beat ng mga upbeat na kantang, “In The End” – halimbawa, habang iniiwasan ang lahat ng pulang bomba sa course.
Ang laro ay nangangailangan ng isang matatag na koneksyon sa internet upang i-download ang mga kanta bago mo mapatugtog ang mga ito. Maaari ka lang maglaro offline kapag na-download mo na ang kanta na gusto mong i-play. May progress map na matatagpuan sa itaas ng iyong screen. Hihinto ang kanta kapag naabot mo ang huling star sa ‘progress map’. Ang laro ay magbibigay sa iyo ng pagkakataong mag-slash ng libreng gold coins sa dulo ng round kung maabot mo ang huling star. Ang pag-abot sa huling bituin ng dalawang beses para sa parehong kanta ay magbibigay-daan para mai-play ang kantang iyon sa endless mode! Sa kabilang banda, ang kanta ay titigil kung napalampas mo ang isang bloke o kapag naghiwa ka ng bomba.
Tips at Tricks sa larong Beat Slash: Blade & Saber Song
Sa madaling salita, ang larong ito ay medyo nakakalito para sa napakabilis na mga kanta. Gayunman, may puwang pa rin para paghusayin ang pagsunod sa ritmo kahit na matapos mong hiwain ang lahat sa isang partikular na kanta. Samakatuwid, dapat mong subukan ang tips at tricks na ito kapag naglalaro ng Beat Slash: Blade & Saber Song:
- Gumamit ng headphones
Ito ay isang musikal na laro kung saan kailangan mo ng wastong koordinasyon ng tainga at kamay. Iyon ang dahilan kung bakit lubos na inirerekomenda na gumamit ng headphones o iba pang katulad na mga accessory upang mas mapaganda ang iyong karanasan sa paglalaro! Mami-miss mo ang dalawang bagay kapag nilaro mo ito nang hindi nakikinig sa musika. Una, mami-miss mo ang cool na rendition ng EDM version ng partikular na kanta. Paano ka mapapasayaw sa dance floor kung hindi mo feel ang tugtog? Pangalawa, mas madaling i-timing ang iyong slash kapag nakikinig ka sa kanta dahil ang mga bloke ay dapat na i-slash nang eksakto sa beat ng kanta. Samakatuwid, mas malayo ang mararating mo kapag gagamitin mo ang iyong headphone habang naglalaro nito.
- Huwag titigil sa pagsubok
Kahit na nakapagpatugtog ka ng isang partikular na kanta ng isang milyong beses, mayroon pa ring antas ng modulasyon na ibinibigay ng kantang iyon, kaya ang pag-uulit nito para lamang maabot ang mas matataas na score ay medyo mahirap ngunit kapana-panabik din naman. Maaaring mangyari rin ito kapag patuloy kang nawawala sa ilang mga punto lalo na para sa mabilis na beat na kanta. Kailangan mong patuloy na subukan hanggang sa mag-sync ka sa tamang bilis at timing ng pag-slash sa mga bloke. Ang iyong katawan ay magpapatuloy at mapapabuti kung patuloy mong gagawin ang parehong bagay nang maraming beses.
- Loosen up
Mahirap talagang makipagsabayan kapag nagpatugtog ka ng napakabilis na kanta. Gayunpaman, hindi ka dapat magpadala sa intensity ng tunog. Sa halip, dapat kang manatiling kalmado. I-play ang kanta ng ilang beses hanggang makuha mo ang iyong ritmo. Magluwag sa pamamagitan ng pag-eenjoy lamang sa laro sa halip na mag-alala na baka may makaligtaan ka.
Pros at Cons ng Larong Beat Slash: Blade & Saber Song
Bilang isang musical mobile game, isang magandang salik para sa larong ito ang pagsasama-sama ng Beat Slash: Blade & Saber Song ng mga kanta na maglalagay sa iyo sa groove. Ang EDM genre nito ay talagang gigising sa beat na nakasalalay sa iyong katawan. Bukod pa rito, ang larong ito ay may kakaibang gameplay na nagbibigay-daan sa iyong i-slash ang mga bloke tulad ng isang Jedi warrior, habang ang iba pang music games ay gumagamit pa ng iba’t ibang bagay na pang-tap. Ang laro ay angkop sa lahat ng edad dahil sa madaling sundin ang gameplay. Kailangan mo lang mag-swipe kasabay ng beat!
Related Posts:
Solar Smash Review
Winagain
Ang isa pang cool na bagay tungkol sa larong ito ay maaari kang magpalit ng mga armas. Kailangan mo lang manood ng ads para makakuha ng libreng armas! Kasama sa mga armas ang pulang sable, palakol, dagger, espada at iba pang maalamat na mga sandata na maaari mong i-unlock sa pamamagitan lamang ng panonood ng mga patalastas. May isang cool na update para sa larong ito sa ilalim ng Beat Slash 2 kung saan maaari mong gamitin ang iyong mga lightsaber! Sa kabila ng iba’t ibang mga armas na maaari mong gamitin, ang mga likhang sining at mga visual ng laro ay katamtaman lamang. Mas mapapabuti ng mga developer ang salik na ito.
Bukod dito, ang laro ay walang pagkakaibang level of difficulty. Ang mga developer ay maaaring magdagdag ng opsyon o mode para piliin ng mga manlalaro ang kahirapan ng kanta na kanilang pinapatugtog. Ang pagdaragdag ng antas ng kahirapan ay magpapataas ng posibilidad na maglaro ng maraming beses habang ang mga manlalaro na naghahanap ng mas malalaking hamon sa ganitong uri ng laro. Ang pagdaragdag ng higit pang rewards para sa pagkumpleto ng mahihirap na kanta at ang pagdaragdag ng “Achievement Board” ay mga salik na dapat ding tingnan ng mga developer.
Panghuli, ang laro ay puno ng nakakainis na mga ad. Oo, maaari kang mag-unlock ng mga armas o magpatuloy kung nabigo ka kapag nanonood ka ng ads ngunit ang isang popping ad ay nakakayamot paminsan-minsan. Ni hindi ka makakapaglaro offline dahil kailangan mong mag-download ng kanta bago mo ito mapatugtog. Gayunpaman, ito ay isang mahusay na musikal game at ang mga developer ay dapat na makinabangan sa kita mula sa mga ad upang mapabuti at ma-update ang larong ito. Sa ganitong paraan, mas masisiyahan pang lalo ang mga manlalaro.
Konklusyon
Ang challenge sa paglalaro ng Beat Slash: Blade & Saber Song ay literal itong makapigil-hininga! Para bang sabay-sabay mong ginagawa ang papel ng isang Jedi warrior, isang dancer in the groove, at isang musical artist! Ang patuloy na dumaraming hamon habang sumusulong ka ay magpapanatili ng iyong pagkauhaw at pananabik sa larong ito. Ang larong ito ay talagang isang mahusay na rekomendasyon para sa mga mahilig sa aksyon at musika!
Laro Reviews