Maraming mga paraan upang maglaro ng mga baraha. Maaari mong laruin ang mga ito bilang isang board game tulad ng Uno. Minsan naman ay nagtataya ang mga naglalaro ng poker. Sa ibang pagkakataon, sila ang iyong mga nilalarong unit na lumalaban sa iyong kalaban sa mga dueling card game. Ngunit sa Random Card Defense ng CookApps, aatakehin nila ang mga halimaw upang mabuhay nang mas matagal kaysa sa kanilang mga kalaban.
Ito ay katulad ng iba pang mga card collecting game kung saan kailangan mong mangolekta ng mga card at lumikha ng isang deck. Maaari kang magkaroon ng hanggang limang slots sa mismong laro. Ang mga BP ay ginagamit upang mag-deploy ng mga card sa iyong board at mas tataas ang halaga nila kung gagamitin mo ang mga ito. May sinusundang daanan ang mga halimaw papunta sa iyong crystal. Dadaan sila sa gilid ng board at aatakehin sila ng mga card batay sa kanilang mga kakayahan. Dalawa ang gameplay ng larong ito. Ngunit ang iyong layunin ay matiyak na hindi makarating sa dulo ang mga halimaw. Gamit ang iyong mga card, gumawa ng strategy upang pigilan ang kanilang mga paggalaw o patayin sila bago sila makarating sa iyong crystal at mawalan ka ng life points.
Bago magsimula ang laro, bubuo ito ng random na boss, random formation ng tile, at random na bonus. Kapag nagsimula ito, magkakaroon ka lamang ng sapat na BP. Upang i-summon ang mga card, i-click ang dilaw na button na may icon ng thunder. Ipinapakita ng mga numero kung gaano karaming BP ang kakailanganin mo para makapag-deploy ng mga card. Sa kaliwa nito ay makikita kung ilang BP ang mayroon ka. Ang larawan sa iyong kanan ay nagpapakita ng hero na tutulong sa iyo sa labanan at sa itaas ng mga ito ay ang pindutan para sa paggamit ng mga emote sa laro.
Features ng Random Card Defense
Party – Sa halip na makipaglaban sa isa’t isa, kailangan mong makipagtulungan sa ibang player. Kapag nanalo sa laro, gagantimpalaan ang mga manlalaro ng mga coin at gem. Maaari kang makipaglaro sa iyong kaibigan sa pamamagitan ng pagsali o paglikha ng isang room, ngunit magkakaroon ka lamang ng hanggang limang pagsubok.
Battle – Ang casual na laro kung saan kailangan mong lumaban sa isa pang manlalaro. Makakakuha ka ng mga reward, tulad ng mga trophy, kapag tumagal ka kaysa sa iyong kalaban.
Mga Hero – Ito ang mas malaki at mas malakas na mga unit. Gumagamit ang mga hero ng active skill sa laro, ngunit magkakaroon ito ng cooldown kapag na-activate na.
Mga Card – Ito ang mga collectible unit na idine-deploy mo sa iyong board, at bawat isa sa kanila ay may iba’t ibang skill . Mayroong apat na rarities ang mga card. Ang mga ito ay common, rare, unique, at legendary.
Shop – Ang lugar kung saan makakabili ka ng gold, mga gem, mga VIP privilege, at mga bundle gamit ang iyong totoong pera. Maaari kang bumili ng Silver, Golden, Diamond, at Legendary Chest gamit ang mga gem. Mayroon din silang mga daily deal na nagre-refresh araw-araw.
Saan Pwedeng I-download ang Random Card Defense?
Pumunta sa Google Play gamit ang iyong smartphone kung Android user ka o sa App Store kung iOS user ka naman, at ilagay ang Random Card Defense sa search bar. Dahil libre ang laro, i-click at i-install ito at hintaying mai-download.
Narito ang mga link kung saan mo maaaring ma-download ang laro:
Download Random Card Defense on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.cookapps.randomcarddefence
Download Random Card Defense on iOS https://apps.apple.com/us/app/random-card-defense/id1533628641
Download Random Card Defense on PC https://www.ldplayer.net/games/random-card-defense-battle-arena-on-pc.html
Kung nais mong laruin ito sa PC, i-download muna ang LDPlayer emulator mula sa kanilang https://www.ldplayer.net. Kumpletuhin ang access na kinakailangan sa Google Play at mag-sign in gamit ang iyong account, at pwede mo nang i-download ang laro at maranasan ito sa PC.
Tips at Tricks sa Paglalaro
Mayroong ilang mga paraan upang maging mas mahusay sa larong ito. Ang pinakamadali ay gamit ang pera, dahil sa mga VIP privilege at mas mahusay na mga card. Ang ibang paraan ay nangangailangan ng mahabang hakbang na gagawin, ngunit sulit ang iyong oras. Kaya sundin ang general tips ng Laro Reviews na makakatulong sa iyo.
To merge or not to merge
Ang pagpuno sa iyong board gamit ang iyong mga card ay isang magandang strategy. Maaari mong samantalahin ang bilang ng mga umaatake sa iyong koponan. Kakailanganin mo lang silang i-level up para magkaroon ng makapangyarihang team. Ngunit kung minsan, lumalakas ang mga halimaw at makakaligtas sila sa mga pag-atake. Pagsamahin ang iyong mga card kung mayroon kang sapat na BP. Ang kanilang pag-atake ay maaaring maglabas ng mas maraming pinsala kaysa sa mga may isang dot.
Mag-invest sa tamang deck
Ito ang pinakakaraniwan ngunit pinakaepektibong diskarte. Hindi ka palaging magkakaroon ng sapat na gold at iba pang resource sa late game, kaya dapat mong piliin ang iyong deck. At kapag nagawa mo na, maaari mo na ngayong gastusin ang mga ito para palakasin ang iyong mga card.
Related Posts:
Mobile Royale MMORPG – Build a Strategy for Battle Review
Stick War 3 Review
Mga bonus tile
Bago magsimula ang laro, makikita mo ang mga tile sa iyong board na bumubuo ng pattern. Huwag balewalain ang mga ito dahil maaari silang magbigay ng karagdagang bonus sa card kung ilalagay mo sila sa kanilang lugar. Hindi mo makokontrol ang lokasyon ng mga card kapag isa-summon ang mga ito. Ngunit maaari mong baguhin ang mga nasa glowing tile kung papalitan mo ang mga ito ng mga card na may parehong bilang ng mga dot.
Daily Quests
Palaging suriin at kumpletuhin ang mga ito araw-araw. Makakakuha ka ng mga gantimpala tulad ng gold at mga gem kapag natapos mo ang mga ito.
Advertisements
Maaaring nakakasawang panoorin ang mga ito, ngunit pinaparami nila ang iyong mga reward pagkatapos ng laro. Minsan nire-refresh pa nila ang mga daily offer sa shop. Nasa sa iyo kung gusto mong makakuha ng dagdag na premyo o kung sapat na ang mga reward na nakukuha mo.
Pros at Cons ng Random Card Defense
Dahil sa mga simpleng kontrol nito, mauunawaan mo kung paano ito laruin sa una. Nakapaglaro na ako ng parehong mga strategy game dati, kaya natutunan ko na ang mga mechanic at gameplay nito. Ang Party ay isang refreshing mode dahil kinakailangan mong makipagtulungan sa iba pang mga player. Ang ibang laro ay may feature na co-op kung saan kailangan mong talunin ang iba pang mga player kasama ang iyong teammate, ngunit mayroon itong isa pang twist sa laro dahil iisa lamang ang kalaban na dapat ninyong talunin. Ang Random Card Defense ay mapagbigay sa kanilang mga manlalaro. Makakakuha ka ng mga reward sa Trophy Progress kapag nakakuha ka ng sapat na puntos. Bukod sa mga daily gift, maaari ka ring makatanggap ng mga parangal kapag natapos mo ang iyong mga quest. Hindi rin mahirap makakuha ng mga magagandang card. Mayroon akong nakuhang dalawang legendary sa aking unang laro.
Kahit na maganda ang laro, maaari pa rin itong maging repetitive sa katagalan. Mayroon lamang itong dalawang mode ng laro na Battle at Party. Pareho silang masayang laruin, ngunit maaaring magsawa ang mga manlalaro sa parehong laro kapag tumagal. Mas makabubuti kung magdaragdag sila ng mga bagong mode ng gameplay sa susunod nilang update.
Konklusyon
Ang Random Card Defense ay may pagkakatulad sa “Random Dice: Wars”. Kung nalaro mo na ito, mapapansin mo ang magkatulad na gameplay. Ang parehong mga laro ay may isang board na pupunan mo ng iyong mga unit at pagsasamahin ang mga may parehong dot. Hindi inirerekomenda ng Laro Reviews ang larong ito para sa mga naghahanap ng rouge-like card game dahil ito ibang uri ng strategy ang gamit para sa naturang laro.
Laro Reviews