Talking Tom Hero Dash Review

Nagustuhan ng maraming manlalaro ang Talking Tom Cat, isang virtual pet game kung saan inaalagaan mo ang isang gray tabby na pusa. Ito ay isang big hit dahil nakaipon ito ng mahigit 12 bilyong downloads ngayong 2020. Ang developer nito ay nag-publish ng iba’t ibang nagsasalitang anthropomorphic pet. Matapos nito ay ginawa nila ang franchise na pinangalanang Talking Tom & Friends. Ang larong Talking Tom Hero Dash ay isang endless running game ng Outfit7 Limited kung saan ay ginawa nilang mga superhero ang limang karakter mula sa franchise.

Ang lungsod ay sinasalakay ng Rakoonz. Nagdadala sila ng kaguluhan sa lahat ng dako. Ang mga raccoon ay nagkakalat sa lugar at sinisira ang mga gusali. Dinakip ng kanilang pinuno ang mga kaibigan ni Talking Tom at kumpiyansa siyang walang makakapigil sa kanila. Pero ang hindi nila alam ay superhero pala siya, pati na ang mga kaibigan niya. Ang iyong misyon ay talunin ang mga masasamang tao at ibalik ang kapayapaan sa lungsod.

Matapos ma-download ang laro, tatanungin nito kung kailan ka ipinanganak. Dahil sa mga in-app purchase, kailangang ibigay ang detalye ng iyong edad. Magsisimula ang laro sa pag-transform ni Talking Tom bilang isang superhero. Dahil tatakbo mag-isa ang iyong character, kailangan mo lamang iwasan ang mga obstacle sa daan. I-swipe ang screen pakaliwa kung gusto mong ilipat pakaliwa o pakanan, para mapunta ito sa kanang bahagi. Para mapatalon sila, i-swipe ang screen pataas, at i-swipe naman ito pababa para sila ay pagulungin.

Features ng Talking Tom Hero Dash

Superheroes – Kilalanin ang limang matatapang na mga superhero sa laro. Si Tom ay isang malakas na pinuno na gumagamit ng kanyang lakas sa labanan. Si Angela ay may superspeed na hindi mahuhuli ng masasamang tao; siya rin ang love interest ni Tom. Si Hank ang lucky guy na tumutulong sa iba gamit ang kanyang Infinite Backpack na naglalaman ng walang katapusang mga supply. Si Ben ang pinakamatalino na lumulutas ng kahit anong problema gamit ang kanyang galing sa pag-iisip. At si Ginger ang hero-in-training na tumutulong sa kanyang mga kaibigan gamit ang hoverboard.

Mga Raccoon – Para saan ang mga superhero kung walang masasamang tao? Ang Rakoonz ay isang gang ng mga kaibig-ibig at malilikot na raccoon na nakakagambala sa pagkakaisa sa lungsod.

Mga City– Naging magulo ang lugar dahil sa mga raccoon na nagtatapon ng kanilang mga basura at nagdudulot ng kaguluhan sa lahat ng dako. Maaari kang gumamit ng mga coin at gem upang palayasin sila at ayusin ang mga nasira. Lalabanan mo ang boss sa tuwing mare-revive mo ang mga lungsod, at magiging malaya ang mga nabihag na mga kaibigan.

Chests – Mayroong Regular, Super, at Ultra. Maaari kang makatanggap ng mga barya, hiyas, piraso ng outfit ng character, o mga booster. Ang mas mahalagang mga chest ay naglalaman ng espesyal na mga gantimpala. Maaari mong makuha ang mga ito kapag nakatalo ka ng sapat na bilang ng mga raccoon. Ngunit kailangan mong maghintay ng ilang oras bago mo buksan ang mga ito.

Saan Pwedeng I-download ang Talking Tom Hero Dash?

Pumunta sa Google Play gamit ang iyong smartphone kung Android user ka o sa App Store kung Apple user naman, at ilagay ang Talking Tom Hero Dash sa search bar. Dahil libre ang laro, i-click at i-install lamang ito at hintaying ma-download ang laro.

Download Talking Tom Hero Dash on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.outfit7.herodash

Download Talking Tom Hero Dash on iOS https://apps.apple.com/us/app/talking-tom-hero-dash-run-game/id1434807653

Download Talking Tom Hero Dash on PC https://www.memuplay.com/how-to-play-com.outfit7.herodash-on-pc.html

Kung nais mong laruin ito sa PC, i-download muna ang MEmu emulator mula sa https://www.memuplay.com nito. Kumpletuhin ang access na kinakailangan sa Google Play at mag-sign in gamit ang iyong account, at pwede mo ng i-download ang laro at magamit ito sa PC.

Tips at Tricks sa Paglalaro

Kahit na ang gameplay ay halos tungkol sa endless run, maaari pa ring makaligtaan ng mga manlalaro ang maliliit na detalye upang makausad. Kaya gagabayan ka ng Laro Reviews sa laro para ma-enjoy mo ito nang husto.

Related Posts:

Spider Stickman Fighting – Supreme Warriors Review

Craft Skyland World City Review

Hindi na kailangang mag-alala kung ikaw ay isang free-to-play player at gusto mong dagdagan ang iyong mga resource. Ang laro ay may mga special event kung saan kailangan mong tapusin ang isang mission upang makatanggap ng reward kapag nagtagumpay dito. Magiging available lamang ang mga special event kapag nailigtas mo si Angela, at maaari mong malaro ang mga ito kapag na-click mo ang icon ng globo sa kaliwang bahagi ng Home. Palaging suriin ang Score Madness sa tuwing makakakuha ka ng mga puntos para makuha mo ang mga libreng reward.

Magandang tingnan ang dulo ng tinutungong landas habang tumatakbo. Sa diskarteng ito, maaari kang maging handa at maiwasan ang mga obstacle. Ngunit mahihirapan ka kapag bumilis ang iyong pagtakbo. Hindi masamang sumulyap sa kanila ngunit ilaan ang iyong atensyon malapit sa iyong character. Maaari ka ring makakuha ng mga Super Chest sa bawat 50 na raccoons, kaya laging hulihin ang mga ito sa bawat run.

Pros at Cons ng Talking Tom Hero Dash

Mapupukaw ng mga kaibig-ibig na mga character ang puso ng mga manlalaro. Mayroon din itong simpleng gameplay at mga cute na art style na magugustuhan at ma-eenjoy ng mga batang manlalaro. Nakatutuwang malaman na ang bawat superhero ay may iba’t ibang character. Ang kanilang mga animation at boses ay tumutugma sa kanilang mga personalidad, at nagdagdag ito ng lalim na kawili-wiling laro. Ang Talking Tom Hero Dash ay hindi maramot sa pagbibigay ng mga premyo dahil makukuha mo ang mahahalagang resources sa Hero Pass. Ang kailangan mo lang gawin ay manood ng mga ad. Ang mga libreng reward sa Score Madness ay magagamit din, at mahihikayat kang maglaro nang higit pa dahil ang score ay aabot hanggang sa 150 na puntos. Nagbibigay din ito ng Super Chest kapag nakakuha ka ng 50 na mga raccoon, at ang mga booster ay nagdaragdag din ng saya sa laro. Kung naiinip ka na sa regular gameplay, maaari kang maglaro sa Special Events. Kailangan mong tapusin ang isang misyon sa iyong pagtakbo, at makakatanggap ka ng premyo. Ang aking paboritong quest ay tungkol sa paghuli sa 15 na malalaking raccoon dahil sinisira nila ang mga obstacle sa harap mo kapag natamaan mo sila.

Kahit na ang laro ay may iba’t ibang outfits, ang mga ito ay para lamang magingdekorasyon. Magiging mas masaya lamang ang laro kung ang mga developer ay magdagdag ng mga skill sa iba’t ibang outfits. Iminumungkahi rin ng Laro Reviews ang pagdaragdag ng higit pang mga world na dapat i-unlock para mapanatiling masaya ang mga beteranong manlalaro.

Konklusyon

Ang Talking Tom Hero Dash ay maikukumpara sa iba pang mga mobile game gaya ng Temple Run at Subway Surfers. Mayroon itong endless running gameplay kung saan nangongolekta ka ng mga barya. Ngunit sa halip na tumakas mula sa isang tao o isang bagay, hinahabol mo ang masamang tao, at maaari kang gumamit ng mga booster upang magdagdag ng kasiyahan sa laro. Hindi ka magsasawa sa paglalaro nito dahil mayroon kang iba’t ibang layunin tulad ng pagpapanumbalik ng kaayusan sa lungsod at pagliligtas sa iyong mga kaibigan. Kaya kung fan ka ng Talking Tom & Friends franchise, i-download na ang libreng laro!

Laro Reviews