Collector Solitaire Review

Si Claudia ay naglalakbay sa mundo upang subaybayan at kolektahin ang buong natatanging artifact. Matutulungan mo ba siyang mabawi ang lahat ng mga item at palamuti ng kanyang apartment? Narito ang artikulong ginawa ng Laro Reviews.

Mga Tampok ng Laro

Ang Collector Solitaire ay napakadaling laruin. Ang mode ng laro ay katulad ng iyong paboritong lumang solitaire, ngunit may ibang twist sa gameplay. Habang sinisimulan mo ang laro, may makikita kang ilang cards na naka-layer sa itaas at sa ibaba ay makikita mo rin ang iyong hand card at ang deck. Upang laruin ang mga ito, kailangan mong itugma ang mga nasa itaas na cards sa mga ibabang cards. Magkakaroon rin ng mga nakataob na cards at para mabuksan ito, dapat mong itugma muna ang card na nakasalansan dito. Upang makagawa ng isang tugma, ang card sa itaas ay dapat na nasa parehong pagkakasunud-sunod ng card sa ibaba. Halimbawa, kung ang iyong hand card ay numero 5, kailangan mong maghanap ng card na may numero 6 o numero 4 upang makagawa ng isang tugma. Maaari mo ring ulitin ang parehong dalawang bilang ng mga card. Halimbawa, number 5 ang hand card mo at marami ring number 5 at 6 na card sa taas, pwede mong i-click ang card 6 at pagkatapos ay i-click ang 5 pagkatapos ay i-click muli ang 6. Para sa isang sitwasyon na mayroon kang King na card, maaari mong itugma ito sa A o sa Queen. Kung wala kang anumang mga katugmang card, maaari kang bumunot ng isang card mula sa deck hanggang sa makita mo ang card na kailangan mo, ngunit mag-ingat dahil limitado ang iyong deck at kung mabubunot mo ang lahat ng iyong cards sa deck at mayroon pa ring mga hindi katugmang card sa itaas, maaari kang matalo sa laro.

Kung nahihirapan kang tapusin ang ilang levels, maaari kang gumastos ng pera para gumamit ng ilang perks. Halimbawa, maaari mong gamitin ang joker card upang itugma sa anumang card, anuman ang numero nito at maaari mo ring ulitin ang ilang mga galaw. Upang ibuod, ang kailangan mo lang gawin sa larong ito ay hanapin ang pababa o pataas na numero ng iyong hand card.

Paano i-download ang Collector Solitaire

Hindi mo kailangan ng anumang account para sa larong ito, ang kailangan mo lang gawin ay i-download ito at i-install. Para sa mga gumagamit ng Android, buksan ang iyong Google Play Store pagkatapos ay i-click ang search icon at i-type ang pangalan ng larong ito. Pagkatapos nito, i-click ang install. Kung gumagamit ka ng PC, dapat mong i-download muna ang Bluestacks emulator pagkatapos ay hanapin at i-install ang laro rito. Para sa mas madaling pag-access, maaari mo lamang i-click ang link sa ibaba. Sa kasamaang palad, hindi available ang larong ito sa iOS.

Download Collector Solitaire on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.orchidgames.solitairegame3

Download Collector Solitaire on PC https://www.bluestacks.com/

Tips at Tricks para sa Beginners

Tulad ng sinabi ko, ang larong ito ay kasing dali lang ng paghiwa ng cake. Hindi mo kailangan ng magarbong diskarte at taktika para laruin ito. Ngunit kung nahihirapan kang makapasa sa ilang level, narito ang ilang mga tip at tricks na ginawa ng Laro Reviews upang matulungan kang manalo rito.

Tandaan ang pattern – A, 1, 2, 3, 4, 5, 6, 7, 8, 9, 10, J, Q, at K. Ito ang mga pangunahing numero ng mga card. Ang pataas na pattern ay mula sa A hanggang K at pabalik sa A. Palaging humanap ng mga pattern na may pinakamaraming tugma. Halimbawa, kung ang iyong hand card ay 5, kailangan mo ang 6 o 4 ngunit kung makikita mo sa itaas na mga card na mayroong 6, 7, 8, at 9 na mga card, dapat mong itugma ito dahil ito ang pinakamahusay na kumbinasyong iyong maaaring magawa. Maaari ka ring gumawa ng pataas na kumbinasyon pagkatapos ay bumalik sa pababang kumbinasyon kung maaari.

Subukang huwag sirain ang chain – Kung makagagawa ka ng anim na tuluy-tuloy na pagtugma, maaari kang makatanggap ng kaunting pera at isa pang card na makakatulong sa iyong palawigin ang laro.

Huwag gumamit ng masyadong maraming perks – Kung maaari, huwag gumamit ng perks kung hindi mo naman talaga kailangan dahil malaki ang gastos sa paggamit ng mga ito. Kung maubusan ka ng pondo, maaaring hindi mo na magamit ang perks kapag talagang kailangan mo na.

Mga Kalamangan at Kahinaan

Ang larong ito ay talagang kahanga-hanga. Personal kong gusto ang bagong gameplay na napakabalanse, hindi masyadong mahirap o masyadong madali. Ang ganda rin ng graphics na nasa 2D na talagang nagpaparamdam sa iyo ng mga lumang solitaire na dati mong nilalaro. Ang gameplay ay makabago at hindi masyadong nakakainip na laruin. Gayundin ang konsepto ng larong ito ay ginagawa itong kakaiba, tulad ng linya ng kwentong ginagawa kang tulad ng isang manlalakbay at ang pagkolekta ng mga item ay talagang mahusay. Maaari kang matuto ng ilang paglalarawang nauugnay sa mga item o artifact kapag nakolekta mo ang mga ito. Parang history class, pero mas masaya. Nakakatuwa din ang paraan ng larong nakakalito, ang laro ay minsan nakapahalang ang mga card upang hindi mo madaling makita ang mga kumbinasyon na napaka-challenging. Talagang pinapagana ng larong ito ang iyong utak dahil hindi ka mananalo sa isang level kung hindi ka magsisikap sa paglutas ng bawat puzzle.

Ang hindi ko gusto sa larong ito ay ang mamahaling perks. Aabutin ka nang higit sa isang araw para lamang para makagamit ng isang perk. Sa kabilang banda, habang umuunlad ka sa laro, tumataas din ang halaga ng perks na ginagawang mas walang silbi ang mga ito dahil hindi mo ito kayang bayaran sa ilang levels. Ang laro ay may reward system na nagbibigay sa iyo ng pera sa bawat partikular na oras, ngunit hindi ito sapat. Kung aasa ka sa reward system na ito, aabutin ka ng mga ilang araw para lang magkaroon ng sapat na pera para makabili ng perks.

Konklusyon

Ang larong ito ay nasa Beta stage, nangangahulugan itong wala pa itong rating, ngunit para sa Laro Reviews, ang larong ito ay talagang kahanga-hanga. Ito ay isang bagong uri ng palaisipang tiyak na hahamon sa iyong kritikal na kasanayan sa pag-iisip. Kaya kung gusto mo ng bagong larong solitaire na may uri ng larong puzzle, i-download na ang Collector Solitaire ngayon!