Grand War: Rome Strategy Games Review

Kung isa ka sa masugid na tagahanga ng mga larong may medieval era na konsepto, malamang ay magugustuhan mo itong laro. Kaya mo bang sakupin ang base ng kalaban at palawakin ang iyong teritoryo? Kung sa tingin mo ay mayroon kang kakayahang pamunuan ang isang hukbo at maging isang magaling na mananakop, sukatin ang iyong galing at husay dito sa laro. Halika at kilalanin natin itong laro dito sa artikulong ginawa ng Laro Reviews.

Mga Tampok ng Laro

Ang Grand War: Rome Strategy Games ay isang offline na larong ginawa ng Joynow Studio. Ito ay isang strategy game na may medieval era na konsepto. Ang pangunahing layunin ng laro ay talunin at sakupin ang base ng kalaban at palawakin ang sariling teritoryo. Ang gameplay nito ay turn-based, ibig sabihin ay magsasalitan sa paggalaw at pag-atake ang magkalabang panig. Upang laruin ito, kailangan mong i-click ang mga unit (sundalo) papunta sa lugar kung saan mo sila gustong pumunta. May limit lamang ang layo ng pwedeng puntahan ng iyong unit. Upang umatake, kailangang lumapit ng unit sa kalaban at i-click ang unit nito.

Ngayon ay talakayin naman natin ang mga pangunahing tampok na maaari mong makita sa laro.

General – Ang mga General ay mahalaga upang mapalakas ang mga unit. Mayroong itong iba’t ibang uri at maaari ring i-upgrade. Maaari kang makakuha ng General sa pamamagitan ng pagpasa ng mga quest o pagbili ng mga ito gamit ang gold coins.

Troops – Dito ay makikita mo ang iyong kasalukuyang units. Mayroong apat na uri ng troops. Ito ay ang foot soldier, cavalry, archers, at siege units. Ang mga unit ay upgradable at maaaring bilhin gamit ang gold coins.

Legion – Ito ang kabuuang kumbinayon ng iyong troops at commander. Mayroong tatlong legions at ang bawat isa ay maaaring magkaroon ng tatlong commanders. Samakatuwid, ito ay isang battalion formation.

Kung sa tingin mo ay kulang o hindi nakakaaliw itong mga tampok, huwag kang mag-alala dahil maaari pa itong madagdagan sa mga susunod na updates o kapag mayroong mga special events.

Paano i-download ang Grand War: Rome Strategy Games?

Dahil ito ay offline, hindi mo na kailangang gumawa ng login account o mag-bind ng Facebook o Gmail account. Upang i-download ito sa Android, buksan ang iyong Google Play Store app at i-type sa search bar ang pangalan nitong laro, pagkatapos ay i-click ang Install button. Parehong proseso lamang para sa iOS ngunit sa halip na Google Play Store, maaari mo itong i-download mula sa App Store. Para naman sa PC, pumunta sa http://gameloop.com at i-type sa search bar ang pangalan nitong laro at i-click ang Download. Para sa mas mabilis na pag-access, maaaring i-click ang mga link sa ibaba.

Download Grand War: Rome Strategy Games on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.rome.caesar.war.strategy.conqueror.games

Download Grand War: Rome Strategy Games on iOS https://apps.apple.com/us/app/grand-war-rome-strategy-games/id1593989305

Download Grand War: Rome Strategy Games on PC https://www.gameloop.com/game/strategy/com.rome.caesar.war.strategy.conqueror.games

Tips at Tricks para sa mga Baguhan

Ngayon ay ibabahagi ng Laro Reviews ang kaalamang tiyak na makakatulong sa iyo upang mapaunlad ang strategy mo. Dahil turn-based ang gameplay ng laro, kailangang accurate at calculated ang iyong bawat galaw. Katulad ng chess, kailangang ang lahat ng galaw na iyong gagawin ay may katuturan.

Strategy – sa larong ito, lahat ng aspeto at katangian ng terrain ay nakakaapekto sa stats ng unit. Halimbawa, kapag ang archer ay tumira sa ibabaw ng burol o sa mataas na bahagi ng anyong lupa, tumataas ang damage output nito. Kapag ang mga unit ay nasa kagubatan, hindi ito makikita sa mapa. Kailangan mong gamitin ang mga katangiang ito para sa iyong kalamangan. Halimbawa, kung nais mong sorpresahin ang pwersa ng kalaban, mainam na mag-setup ng ambush sa gubat upang hindi makita ng kalaban ang iyong mga unit.

Formation – mainam na pag-aralan ito dahil napakalaki ng maitutulong nito upang maipanalo mo ang bawat laban. Halimbawa, mas nagiging mahina ang mga unit na napapalibutan ng unit ng kalaban. Mainam na i-set ang iyong units sa isang planking position (ito rin ang formation na ginamit ni Julius Caesar at ng roma upang manakop). Para gawin ito, hatiin sa tatlong grupo ang iyong units at i-position ito nang pahalang sa kalaban. Dapat ay mayroon kang unit sa harap, kaliwa, at kanang bahagi. Samakatuwid, dapat naka-posisyon ang iyong unit sa hugis na “U”.

Kalamangan at Kahinaan

Sa usaping strategy game, mas matimbang ang gameplay kung ikukumpara sa graphics. Ibig sabihin, kahit gaano kaganda ang graphics nito kung hindi naman maganda ang gameplay ay maaaring hindi pa rin ito tatangkilikin ng mga manlalaro. Sa larong ito, asahan ang isang realistic na gameplay dahil halos lahat ng aspeto ng digmaan ay makikita sa larong ito tulad ng kalamangan sa terrain at formation ng troops. Ang mga nabanggit ay nakakaapekto sa resulta ng digmaan sa totoong buhay. Halimbawa, ang Roman Empire ay naging matagumpay sa mga digmaang nilahukan nito dahil sa mahusay na pagpapatupad ng formation ng mga sundalo nito. Samakatuwid, bagama’t hindi gaanong maganda ang graphics at animation nito, mahuhumaling ka naman sa realistic na strategy at tactics gameplay ng laro. Maaari mo rin itong laruin kahit saan dahil ito ay offline, kaya napakagandang laro nito lalo na kapag wala kang internet connection.

Sa kabila ng mga magagandang katangian nito ay mayroon ding kapintasan itong laro. Isa na dito ang napakabagal na resource gathering. Halos lahat ng units at commander pati na ang pag-upgrade sa mga ito ay kailangang bilhin gamit ang gold at ang tanging paraan upang makakuha ng gold ay kapag naipasa mo ang isang stage ngunit kung uulitin mo ang stage na naipasa na, hindi ka makatatanggap ng gold coin. Dahil dito, napakahirap makakuha ng gold at napakahirap i-upgrade ng mga commander at troops.

Samakatuwid, hindi gaanong balanse ang kabuuang gameplay ng laro dahil kung mabagal ang iyong development ng mga troops at commander, malaki ang tyansang mai-stuck ka sa mga level na hindi pa abot ng iyong power point.

Konklusyon

Sa kabuuan, itong laro ay nakakuha ng star rating na 4.4 sa Google Play Store at 4.8 naman sa App Store. Maganda itong laruin dahil sa kumplikadong strategy gameplay nito, ngunit matatagalan ka sa pag-a-upgrade ng iyong mga troop at commander dahil sa bagal ng resource gathering. Mas magiging mainam ang laro kung palalakihin ng mga developer ang gold reward nito. Ngunit kung ang nais mo lang ay isang nakakaaliw na laro, tiyak na para sa iyo ito, kaya i-download na ang Grand War: Rome Strategy Games ngayon!