My City: Hospital Review

Sa My City: Hospital ay maaari mong gampanan ang anumang karakter na gusto mo, tulad ng isang doktor, surgeon, nars, o sanggol. Ito ay isang nakakaintriga at nakakaengzganyong healthcare simulation game na angkop para sa lahat ng edad. Mabilis mong matututunan ang lahat ng katangian ng laro dahil sa simple at madaling gameplay nito. Ang pokus ng laro ay paggamot sa mga pasyente at sa mga nasugatan, may sakit, o magpaanak ng isang buntis. Ang laro ay nakakaaliw laruin at may maraming bagay na maaari mong matuklasan. Mag-explore sa larangan ng medisina at hanapin ang hidden lab!

Ano ang Layunin ng Laro?

Ang My City: Hospital ay isang patuloy na proseso lamang sa paglalaro. Walang sadyang layunin sa larong ito; alagaan at pagalingin lamang ang mga pasyente sa isang medikal na pasilidad o ospital. Ang kailangan mo lang gawin ay bumisita sa mga pasyente at tuklasin ang iba pang features ng laro. Maaari mong gawin ang anumang bagay na nauugnay sa medisina rito, tulad ng pagsasagawa ng mga operasyon o pagpapaanak sa isang buntis, o maaari kang pumili ng iyong sariling karakter. Walang mga paghihigpit sa laro o layunin na dapat tapusin. Mayroon ding isang hidden lab na dapat mong hanapin. Maaari kang gumawa ng mga eksperimento doon. Kapag binuksan at nilaro mo ang app, marami ka pang matututuhan at malalaman sa iba pang feature nito.

Paano Ito Laruin?

Ang mga gameplay ng laro ay simple lamang at hindi na kailangang dumaan sa tutorial dahil matututo ka habang nilalaro mo ang mga tampok nito. Ang Laro Reviews ay magbibigay-linaw tungkol sa core ng laro at kung ano ang matutuklasan mo dito. Ito ay talagang napakadali at lahat ng mga aktibidad dito ay nauugnay sa medisina at pangkalusugan. Magsasagawa ka ng operasyon, tutulong sa isang doktor sa panahon ng operasyon, gagamutin ang mga pasyente, bibisitahin ang mga pasyente sa mga ward, at kahit na magpaanak sa isang buntis!

Mayroon itong walong lokasyon na nangangahulugang marami pang lugar na maaari mong puntahan. Lahat ng bagay na makikita mo doon ay gumagana kapag sinubukan mong i-tap ang mga ito. Mayroon ding mga bagong karakter, tulad ng isang doktor, surgeon, medikal na propesyonal, buntis na ina, nars, tatay, mga kapatid, at isang bagong silang na sanggol.

Panoorin ang bagong sanggol ng nanay, at kumuha o magbigay din ng masusing pagsusuri ng kalusugan sa opisina ng doktor. Ang iyong bagong panganak na sanggol ay nangangailangan ng iyong alaga: maaari mo itong bihisan, laruin, at suriin ang kalusugan. Ang mga paraan upang laruin ang game na ito ay walang limitasyon. Nasa My City: Hospital na ang lahat! Ito ay makakatulong din sa mga bata na manlalaro para magkaroon sila ng ideya kaugnay sa medikal na usapin.

Paano I-download ang Laro?

Ang mga kinakailangan para matagumpay na ma-download ang My City: Hospital sa Android devices ay dapat Android 4.4 o mas mataas pang bersyon ang gamit. Para sa iOS users naman, makukuha ito gamit ang iPhone 6s o mas mataas na iOS sa 10.0. Ang makukuhang space ng app para sa Android ay 64 MB at 494.6 MB naman para sa iOS.

Maaari ring i-click ang mga link sa ibaba upang magkapag-download:

  • Download My City: Hospital on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=mycity.hospital
  • Download My City: Hospital on iOS https://apps.apple.com/us/app/my-city-hospital/id1557449172
  • Download My City: Hospital on PC https://appsonwindows.com/apk/10357273/

Hakbang sa Paggawa ng Account sa My City: Hospital

  1. Hanapin ang anumang app store na makikita sa inyong mga device.
  2. Hanapin ang bersyon ng larong My City: Hospital. Pagkatapos ay i-download at i-install ito.
  3. Buksan ang app at direktang dadalhin ka nito sa laro. Hindi na kailangang i-link ang laro sa anumang mga account. Sa oras na inalis na ito sa mga device, hindi na masi-save ang progress ng laro.
  4. Maaari mo na ngayong umpisahan ang paglalaro ng My City: Hospital!

Tips at Tricks sa Paglalaro ng My City: Hospital

Gaya ng naunang nabanggit, ito ay walang limitasyon at patuloy lamang ang proseso ng laro. Siniyasat ng Laro Reviews ang lahat ng mga senaryo na maaari mong mahanap dito. Kailangan mo lamang maging aktibo sa bawat istasyon o lugar, tulungan ang mga indibidwal o pasyente sa kanilang mga problema sa kalusugan, at kahit na magsagawa ng operasyon kung kinakailangan. Kailangan mong alagaan ang mga bagong silang na sanggol. Bihisan sila, hugasan, at makipaglaro sa kanila.

Mayroong iba’t ibang mga aktibidad dito. Ang mga gawain ay paulit-ulit lamang at lahat ng bagay na makikita mo dito ay gumagana at maaari mong gamitin o galawin. Ang pag-aalaga ng mga pasyente ay hindi isang simpleng trabaho sa totoong buhay, ngunit dito ka sasabak sa isang medical simulation at malalaman mo kung paano gamutin ang mga pasyente bilang isang virtual na doktor.

Related Posts:

Townscaper Review

Real Drift Car Racing Review

Pros at Cons sa Paglalaro ng My City: Hospital

Ang laro ay nagbibigay ng tuwa at isang magandang karanasan at impormasyon tungkol sa medikal na usapin lalo na para sa mga bata. Makakakuha sila ng pangunahing kaalaman tungkol sa impormasyon sa kalusugan habang umuusad sila sa laro. Maaari silang bumisita sa mga lugar tulad ng mga ward ng pasyente, emergency room, at iba pa. Ito ay walang limitasyon, na nangangahulugan na walang hangganan sa kung gaano katagal mo ito maaaring laruin. Kailangan mo lamang na gumanap ng maayos sa bawat istasyon o lugar, tulungan ang mga pasyente sa kanilang mga problema sa kalusugan, magsagawa ng operasyon kung kinakailangan o magbigay ng pangangalaga para sa mga bagong silang na sanggol.

Nagtatampok ito ng walong lokasyon, na maaaring bisitahin at nagbibigay ng higit na kasiyahan para sa mga batang manlalaro nito! Kasama sa mga bagong karakter ang isang doktor, surgeon, espesyalista sa pangangalagang pangkalusugan, isang buntis , nars, isang ama, mga kapatid, at isang bagong silang na sanggol. Hanapin ang nakatagong hidden lab kung saan maaari kang magsagawa ng mga eksperimento na nakakadagdag sa aliw ng laro.

Ang My City: Hospital ay walang tutorial para maituro nang maayos ang basics sa paglalaro. Gayunpaman, ang kakulangan ng tutorial mode ay hindi isang problema sa larong ito dahil sa simple at madaling gameplay nito. Ang My City: Hospital ay walang anumang komplikadong mekaniks o features, kaya kahit na walang tutorial ay magagawa mong matutunan kaagad ito sa kaunting oras na paglalaro nito. Ang laro ay angkop din para sa lahat ng edad at available sa lahat ng Android, iOS, at PC user. Ito ay maaaring laruin sa smartphones para madala at malaro kahit kailan at saan mo gusto. Maaari mo rin itong laruin offline.

Konklusyon

Ang My City: Hospital ay nakakapukaw ng interes ng mga manlalaro at nagbibigay ng basic, hindi komplikado, ngunit sobrang nakakaaliw na karanasan sa larangan ng medisina. Ang gameplay ay napakadaling matutunan, lalo na para sa mga taong may kaunting background ng kaalaman sa ganitong uri ng propesyon. Maganda rin itong simulation app para sa mga bata na nais maging doktor o nars sa hinaharap.

Laro Reviews