Drive Ahead! – Fun Car Battles Review

Masayang maglaro ng karera ng mga sasakyan lalo na kapag kasama mo ang iyong mga kaibigan. Mas nakakapanabik ang bawat tagpo at hamong naghihintay sa inyo. Kaya kung naghahanap ka ng magandang car racing at stunt driving game sa Google Play Store, subukan ang isang ito. Sigurado akong magugustuhan mo ang nilikha ng Dodreams Ltd., ang Drive Ahead! – Fun Car Battles. Opisyal itong inilabas noong Oktubre 2015 at patuloy na nilalaro hanggang ngayon.

Ang Drive Ahead! – Fun Car Battles ay isang racing at stunt driving game na may multiplayer at single-player mode. Ang layunin ng mga car racing game ay sukatin ang kakayahan ng mga manlalaro kung sino ang unang makakarating sa finish line. Itinatala rin ang bilis ng oras na iyong nilakbay at ibigay ang pwestong nararapat para sa iyo.

Subalit ibahin mo ang larong ito. Dahil hindi ito tungkol sa karaniwang karera ng mga sasakyan. Hindi ito pabilisan o paunahan sa finish line kundi ito ay patatagan. Ang larong ito ay labanan ng lakas at tibay ng mga sasakyan laban sa ibang manlalaro. Ang bawat manlalaro ay magbabanggaan ng kanilang napiling sasakyan hanggang mawasak nang tuluyan ang kanilang kalaban.

Features ng Drive Ahead! – Fun Car Battles

HD Graphics – Ang Drive Ahead! – Fun Car Battles ay may mahusay at malinaw na disenyo ng graphics. Ang istilong ginamit sa larong ito ay mayroong pixel art. Makikita ito sa itsura ng mga sasakyan at animation na inilapat sa laro.

Game modes – Mayroon tatlong game modes ang Drive Ahead! – Fun Car Battles, ang Battle Arena, Events, at Arcade. Pumili ng nais mong laruing at ipanalo ang bawat laban. Kung nais mo namang maglaro kasama ang iyong kaibigan, piliin lang ang arcade mode.

Shop – Maaari kang bumili ng mga item, coins, gems, at iba pang mga kagamitang magagamit mo sa laro. Pumili lamang ng iyong nais at siguraduhing may sapat na pera upang makuha ang mga item.

Maraming sasakyan – Mahigit sa 300 magagandang klase ng mga sasakyan ang pwede mong pagpilian sa larong ito. Ang ilan sa maaari mong makuha at magamit na sasakyan ay ang Horse, Tentabot, Rift Spider, Doombomer, Snowball Tank, Muscle Car, Jelly Shock, Void Hopper, Void Engine at marami pang iba.

Saan pwedeng i-download ang Drive Ahead! – Fun Car Battles?

Kung nais makuha ang larong ito, narito ang mga link ng laro. I-click lamang ang mga link sa ibaba para i-download ang laro depende sa ginagamit na device:

Download Drive Ahead! – Fun Car Battles on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.dodreams.driveahead Download Drive Ahead! – Fun Car Battles on iOS https://apps.apple.com/us/app/drive-ahead/id964436963 Download Drive Ahead! – Fun Car Battles on PC https://www.gameloop.com/ph/game/racing/drive-ahead-fun-car-battles-on-pc

Para ma-download ang laro, kailangan mo ng data o internet connection para makuha ito. Pagkatapos, i-click lamang ang link, pindutin ang Install button at hintayin umabot sa 100% ang pagda-download. Kapag tapos na ito, maaari mo nang buksan at laruin ang Drive Ahead! – Fun Car Battles.

Tips at Tricks kung Nais Laruin ang Drive Ahead! – Fun Car Battles

Para sa mga bago at nagnanais na laruin ang Drive Ahead! – Fun Car Battles, narito ang ilang tips mula sa Laro Reviews na siguradong makakatulong sa iyo.

Kung ikaw ay bagong manlalaro, mayroong gabay para sa iyo tungkol sa mga dapat mong gawin sa laro. Sumang-ayon sa pamantayan na ipinahahayag ng laro upang maiwasan ang paglabag sa mga tuntunin. Sundan lamang ang itinuturo at basahin ang sinasabi sa direksyon. Ito ay para mas mabilis mong maunawaan ang daloy ng laro at maging pamilyar ka rito. Kapag nalagpasan mo na ang tutorial stage, magkakaroon ka na ng ideya kung paano ito laruin.

Sa umpisa ng laro, magkakaroon ka na agad ng libreng sasakyan na magagamit mo sa laban. Ang unang sasakyan ay tinatawag na Antique Formula. Ito ang iyong gagamitin sa tutorial stage. Basahing mabuti ang isinasaad sa direksyon upang matutunan mo kung paano kontrolin ang iyong sasakyan. Hindi rin naman masyadong mahirap ang pagkontrol nito dahil kailangan mo lang papuntahin sa direksyonng kanan o kaliwa at balansehin ang iyong sasakyan. Iwasan mo rin ang mga balakid sa laro upang hindi kaagad mawala ang iyong buhay sa laro. Dapat mo ring mabangga o matamaan ang iyong kalaban para matalo sila.

Gumamit ng iba’t ibang estratehiya o pamamamaraang makatutulong sa iyong paglalaro. Magpokus at bantayang mabuti ang atake ng kalaban upang makadepensa. Hintayin ang tamang oras ng pagsalakay bago atakihin ang kaaaway. Nakasalalay sa istilo ng iyong paglalaro ang iyong pagkapanalo sa bawat laban. Ibigay lahat ng iyong makakaya at talunin ang iyong mga kalaban.

Pros at Cons ng Drive Ahead! – Fun Car Battles

Ang Drive Ahead! – Fun Car Battles ay nakalalamang sa ibang car racing games pagdating sa konsepto ng laro. Ang larong ito ay kakaiba kumpara sa alam nating larong karera ng mga sasakyan. Kaya nakahihikayat ito sa mga manlalarong nais ng bagong ideya tungkol sa car racing games.

Mahusay rin ang pagkakagawa ng disenyo ng graphics at visual effects. Ginamitan ito ng pixel art kaya nagmukang video game sa mga arcade machine ang laro. Maganda rin ang background music at sound effects na ginamit. Hindi rin kumplikado ang mechanics ng laro kaya naman madali itong matututunan ng kahit na sino. Maaari rin itong laruin ng mga batang edad tatlo pataas. Wala itong anumang masamang nilalaman na makakaapekto sa isipan ng bawat indibidwal.

Dagdag pa rito, ang Drive Ahead! – Fun Car Battles ay nakatanggap rin ng iba’t ibang reviews sa Google Play Store. Ayon sa mga komento, inilarawan nila ang larong ito na klasik. Tinawag ito ng isang manlalarong isa sa mga magagandang mobile game na kanyang nalaro. Subalit hindi nagustuhan ng ibang manlalaro ang bago nitong update. Nagkaroon na rin daw ito ng maraming microtransactions o pagbili ng mga in-app na produkto. Nakakaabala rin daw ang dami ng ads na lumalabas habang naglalaro.

Samantala, nagbigay naman ng pahayag ang Dodreams Ltd. na developer ng laro. Ipinaabot nila ang kanilang paumanhin sa mga aberyang nararanasan ng mga manlalaro. Nagpasalamat sila sa mga nagkomento at tinanggap ang suhestiyon upang mas mapabuti ang kanilang laro.

Sa Drive Ahead! – Fun Car Battles, maaari ka ring bumili ng mga in-app na produkto gamit ang tunay na pera. Ang mga item na ito ay nagkakahalaga ng ₱3 hanggang ₱4,990 kada item. Subalit pwede mo naman i-disable ang feature na ito at i-off sa iyong setting ang in-app na pagbili kung ayaw mong gumastos.

Gayunpaman, maaari mo pa ring malaro ang Drive Ahead! – Fun Car Battles kahit hindi ka gumamit ng tunay na pera. Mayroong itong mga item na makukuha mo sa pamamagitan ng paglalaro at pagkapanalo sa mga laban.

Konklusyon

Para sa Laro Reviews, masaya itong laruin dahil sa kapana-panabik na mga hamong naghihintay sa iyo. Ngayon, mayroon itong 4.1/5 star rating sa Google Play Store, at umabot na sa mahigit 50 milyong downloads. Kaya kung gusto mong masubukan ang kanilang bagong update at malaman ang iba pang impormasyon tungkol dito, i-download mo na sa iyong device ang Drive Ahead! – Fun Car Battles!