Farm Frenzy Premium: Time Management Game

Ang Farm Frenzy Premium: Time Management Game ay isang video game na binuo ng Melesta Games at ang bersyon ng Android ay binuo at nai-publish ng HeroCraft. Ito ay isang laro kung saan mararanasan ng manlalarong pamahalaan ang kanyang sariling sakahan. Ang mga manlalaro na mahilig sa pamamahala ng oras ay tiyak na magugustuhan ang Farm Frenzy Premium: Time Management Game. Kakailanganin nilang magtrabaho nang husto upang makamit ang higit pang mga layunin, maging iyon ay ang pagkakaroon ng mas maraming hayop o paggawa ng mas maraming mga produkto upang magkaroon ng malaking kita. Ang Farm Frenzy Premium ay mayroong 72 orihinal na antas na tiyak na magpapanatiling abala sa manlalaro. Mula sa pagkolekta ng mga itlog at paggawa ng mga produkto mula sa kalakal upang magkaroon ng malaking kita, ito’y makatutulong sa manlalaro na palawakin at i-upgrade ang mga bahagi ng sakahan. Nagtatampok ang laro ng 72 levels, limang hayop na aalagaan, siyam na produktong sakahan na ibebenta, anim na gusaling bibilhin, walang limitasyong oras ng laro, mga VIP bonus at kamangha-manghang graphics at tunog.

Layunin ng Larong Farm Frenzy Premium: Time Management Game

Ang layunin ng laro ay bigyan ng pagkakataon ang mga manlalaro na maranasan ang pagtatrabaho sa farm nang virtual. Ito ay makatutulong sa mga manlalaro na gamitin ang kanilang mga kasanayan sa pamamahala ng oras lalo na para sa mga kabataan. Ang Farm Frenzy Premium: Time Management Game ay idinisenyo para sa mga manlalaro na tuklasin ang buhay ng pagiging isang magsasaka at upang mapahusay ang mga kasanayan sa pamamahala ng oras.

Farm Frenzy Premium: Time Management Game

Paano maglaro ng Farm Frenzy Premium: Time Management Game?

Dapat alagaan ng mga manlalaro ng Farm Frenzy Premium: Time Management Game ang limang magkakaibang hayop. Gayundin,ang pakainin ang mga hayop at pagkatapos nito ay kolektahin ang mga kalakal na ginawa ng mga hayop. Ang mga nakolektang kalakal tulad ng mga itlog, gatas, karne at bulak mula sa mga hayop ay magsisilbing materyal para makagawa ng isang produkto tulad ng egg powder, cake/cupcake, bacon at keso. Pagkatapos gumawa ng mga produkto ay ibebenta ito ng manlalaro para kumita. Habang ikaw ay patuloy na naglalaro ng Farm Frenzy Premium, magagawa mong kumpletuhin ang mga gawain at magkakaroon ka ng pagkakataong mag-expand, mag-upgrade at bumili ng mga gusali o makina ng sakahan.

Paano i-Download ang Farm Frenzy Premium: Time Management Game?

Ang Farm Frenzy Premium: Time Management Game ay maaaring malarosa mga mobile at computer device. Para sa mga gumagamit ng Android, makikita ang Farm Frenzy Premium sa Play Store. Buksan lamang ang Play Store at sa search bar ay i-type ang Farm Frenzy Premium: Time Management Game., Ito ay nagkakahalaga ng $1.99 dollars. Maaari itong bayaran sa pamamagitan ng credit card, ibigay lamang ang kinakailangang impormasyon ng bank account na kailangan para mabili ito. Gayundin sa mga gumagamit ng iOS, ang Farm Frenzy Premium: Time Management Game ay maaaring i-download sa Apple store sa parehong halaga.

Maaari rin namang gamitin ang mga link na ito:

  • Download Farm Frenzy Premium on Android.
  • Download Farm Frenzy Premium on iOS.

Mga Hakbang sa Paggawa ng Account para sa Farm Frenzy Premium: Time Management Game

Ang Farm Frenzy Premium ay ng pag-sign up o pag-log in gamit ang Play Store account ng manlalaro o ang kanyang Apple ID account. Para sa mga Android device, nangangailangan ito ng 9.0 o mas mataas pang bersyon. Habang para sa mga iOS device gaya ng iPad o iPhone ay nangangailangan ito ng 8.0 o mas mataas pang bersyon. Kapag nakapagbayad na ang mga manlalaro ay kailangan lang mag-log in sa kanilang account.

Farm Frenzy Premium: Time Management Game

Tips at Tricks sa Paglaro ng Farm Frenzy Premium: Time Management Game

Ayon sa Laro Reviews, sa paglalaro ng Farm Frenzy Premium, ang mga manlalaro ay hindi maaaring umupo at maghintay. Ang buhay sa bukid ay nangangailangan ng pagsusumikap upang makamit ang mga gawain sa oras. Narito ang ilang mga tip at trick sa paglalaro ng Farm Frenzy:

  • Ang pagtatanim ng damo sa Farm Frenzy ay nangangailangan ng tubig mula sa balon. Kapag natuyo na ang balon, bumili ng tubig nang maaga upang matiyak na mayroon kang tubig sa oras na kailangan.
  • Mabilis na mamamatay ang mga hayop ng Farm Frenzy nang walang makakain na damo. Upang maiwasan ito, palaging magtanim ng ilan at iwasan ang pagdidilig ng matandang damo upang makatipid ng tubig.
  • Lilitaw ang mga oso mula sa tuktok ng screen, ikaw ay magtanim ng ilang damo sa ibabang bahagi upang panatilihing malayo ang mga hayop sa papalapit na mga oso.
  • Kapag ang mga oso ay nakulong, sila ay tatakas. Kapag nakatakas sila, hindi na kailangang ilagay ang mga ito sa isang kamalig. Sa pamamagitan nito, maiiwasan ng mga manlalaro ang pagkuha ng maraming espasyo sa kamalig.
  • Laging maglaan ng oras para mag-isip at gumawa ng order kung anong pamamaraan o gawain ang kailangan para makumpleto ang misyon. Sa ganitong paraan matutulungan ka na makamit ang layunin at ma-enjoy ang laro nang hindi nai-istress.
  • Ang pagbili ng pusa ay maaaring maging malaking tulong sa pagkolekta ng mga bagay na ginawa ng mga hayop. Sa pamamagitan nito, ikaw ay makakagawa ng iba pang mga gawain.
  • Ang pagbili ng aso ay makakatulong naman sa pagprotekta sa kabukiran. Pipigilan ng mga ito ang mga oso na lalapit sa iyong mga hayop.
  • I-upgrade lamang ang bagay na kinakailangan sa level na iyong nilalaro.
  • Upang madaling mahuli ang mga oso at makatipid ng oras, i-upgrade ang hawla sa lalong madaling panahon.
  • Mayroong ilang mga level na nangangailangan ng isang tiyak na bilang ng mga item. Kung ang manlalaro ay walang sapat na bilang ng mga item, i-replay lamang ang isang mas madaling level upang magkaroon ng kinakailangang item at pagkatapos ay bumalik sa kasalukuyang level upang makumpleto ito.

Farm Frenzy Premium: Time Management Game

Pros at Cons ng Farm Frenzy Premium: Time Management Game

Ayon sa Laro Reviews, ang Farm Frenzy Premium ay talagang isang nakakahumaling na laro. Ligtas din itong laruin ng mga mas batang manlalaro. Nakatutulong ito sa mga manlalaro na maging mas matalino pagdating sa pamamahala ng oras. Ang larong ito ay isang magandang paraan para magpalipas ng oras at magkaroon ng relaxing time dahil madali itong laruin.

Nag-aalok ang Time Management Game ng 72 antas na puno ng aksyon upang mapanatili kang abala, mula sa pangunahing pangangalap ng itlog hanggang sa kahirapan ng sabay-sabay na paggawa ng keso, mga wool na tela, at mga dessert.

Bilang karagdagan sa mga pangunahing pagpapahusay, ang pinakamatalinong manlalaro ay maaaring makakuha ng VIP extras gaya ng napakabilis na transport truck, automated water pump, at discount card para makatipid ng pera sa mga pagbili ng hayop para sa iyong farm.

Mabibighani ka sa larong ito dala ng binibigay nitong mga makikinang at matitingkad na visual, magandang musika, at mas masaya kaysa sa isang hapon sa petting zoo.

Isa sa mga isyung nakita ng mga manlalaro sa paglalaro nito ay ang pagkakaroon nito ng napakalimitadong hayop na aalagaan na nagiging sanhi ng mas matagal na paggawa ng mga demand na produkto upang makumpleto ang gawain.

Mayroong ilang mga manlalaro na nagrereklamong sila’y natigil sa isang antas at hindi nabibigyan ng pagkakataon na maglaro sa pinakamataas na antas sa kabila ng pag-upgrade ng mga gusali at lahat ng bagay. Sa tingin ng marami, ito’y isang bug na kailangang lutasin ng mga developer.

Ngunit sa pangkalahatan, ito ay isa pa ring magandang laro dahil pagkakataong binibigay na magkaroon ng isang masayang karanasan sa buhay sakahan.

Ang Pangkalahatang-ideya ng Laro

Farm Frenzy Premium: Time Management Game ay may napakagandang konsepto na maranasan upang magtrabaho sa bukid. Pagpapakain sa mga hayop at pagkolekta ng mga paninda mula sa kanila upang gumawa ng mga produktong ibebenta upang magkaroon ng mas maganda, mabilis at malawak na sakahan. Ito ay isang magandang laro na nagpapakita kung paano ang magandang lumang araw ay tulad ng pagtatrabaho sa bukid.