Smash Colors 3D: Top 9 Alternatives

Natatandaan mo pa ba kung paano laruin ang sumikat na musical game noon na Piano Tiles? Isang laro kung saan kailangan mo lamang i-tap ang itim na tiles na siyang sunud-sunod na bumababa habang ang white tiles naman ang siyang dapat iwasan. Kung susuriin, simple lamang ang gameplay ng laro, isama mo pa na may kanta sa background nito na talagang hindi mo maiiwasang hindi sabayan. Ngunit dahil habang tumatagal ay bumibilis ang ritmo ng kanta, bumibilis din ang pagbaba ng itim na tile na kailangan mong pindutin. Sa ganitong paraan nagiging challenging ang laro. Ito ang naging dahilan bakit marami ang nahumaling dito. Masasabi talagang addictive dahil talagang hindi sasagi sa iyong isip na sumuko hanggang sa makalayo sa bawat level nito. Sa artikulong ito, hindi natin ibibida ang larong Piano Tiles. Muli lang nating gagamitin ang mga bagay na natutunan natin sa larong iyon para magamit sa larong ito na itatampok natin ngayon, ito ang Smash Colors 3D na inilabas ng developer na Badsnowball Limited. Kagaya ng Piano Tiles, muli tayong magpapakalunod sa kulay at tunog, muli nating tatalasan ang ating mga mata at magiging alisto upang manalo.

Ano ang Smash Colors 3D at paano ito laruin?

Ang Smash Colors 3D: Beat Color Circles Rhythm Game ay isang Music, Arcade at Single-player type ng video game na maaari lamang malaro sa iyong mobile devices. Sa oras na pasukin mo na ang larong ito, dadalhin ka na kaagad nito sa makulay at neon nitong mundo. Kung ilalarawan ang itsura ng laro, ang bilog na malapit sa iyong harapan ang iyong gagamitin bilang pamato. Kung nais mong palitan ang skin nito ay mayroong isang section na nakalaan para rito. Mayroong itong iba’t ibang klaseng skin at kung minsan ay makukuha ito sa pamamagitan ng panonood ng ads o hindi kaya naman ay pagbili gamit ang treasures o diamonds. Sa dulo naman makikita ang mga makukulay at kurbang linya dahilan upang mag korteng bilog ito. Maaari ring palitan ang skin nito na may iba’t ibang disenyo at haba.

Smash Colors 3D: Top 9 Alternatives

Laman ng larong ito ang mga kantang talagang hindi mo pagsasawaang pakinggan. Para kang nasa club kung pakikinggan mo ang mga ito dahil sa mabilis na beat na maririnig mo rito. Mayroong tatlong sections na nakalaan para sa mga kantang maaari mong gamitin sa iyong laro. Una ay ang Main kung saan narito ang mga kantang matagal nang napakikinggan sa loob ng laro. Bawat isa ay may kanya-kanyang level of difficulty gaya ng challenge, hard, expert at marami pang iba. Maiikli lamang ang mga kantang narito. Sunod naman ang Hot kung saan makikita ang mga kantang maaaring kalalabas lamang at masasabing nasa uso. Wala na silang pagkakaiba ng Main maliban dito. Sa My Song naman makikita ang mga kantang ikaw mismo ang naglagay. Sa laro kasing ito, may kalayaan kang mamili ng kanta mula sa iyong playlist sa phone bilang background sa iyong laro.

Simple lamang ang gameplay ng larong ito dahil kailangan mo lang namang galawin ang iyong daliri sa kahit saang direksyon, sa kanan man o sa kaliwa, para lamang tumama ang iyong bola sa mga linya. Tandaan na ang kailangan mo lamang tamaang linya ay yung katulad ng kulay na nasa iyong bola. Kung mangyaring sa ibang kulay ito tumama, awtomatikong matatapos ang laro. Maraming kantang maaaring pagpilian dito. Nakadepende sa bilis ng isang kanta ang level of difficulty ng iyong mga laban kaya isang mahusay na pagkilos na pinipili mong maigi kung aling kanta ang maaari mong gamitin sa laro para manalo.

Anu-ano ang mga maaari pang baguhin at idagdag upang mas ma-enjoy pa ng mas maraming manlalaro?

Para sa Laro Reviews, masasabing kalamangan na ng Smash Colors 3D ang pagkakaroon nito ng isang magandang graphics. Angat na angat kasi sa artstyle nito ang laro dahil kaya nitong makaakit ng manlalaro kahit ang graphics pa lamang ang tinitingnan. Bukod pa rito, mayroon din itong magandang gameplay, hindi man bago at alam mong marami ka pang makikitang laro na kaparehas nito ay masasabi mong nagawa pa rin nitong maging kakaiba sa pamamagitan ng paggamit ng mga kanta na alam nating malapit sa ating mga puso. Gayunpaman, hindi maiiwasang may mga kapintasan din ang larong ito. Narito ang ilan:

Maraming ads. Hindi na bago sa isang laro na mayroon kang ads na makikita sa loob nito. Malaki ang nagagawa ng ads dahil isa iyong daan ng mga developer upang kumita ng pera. Wala namang problema rito dahil isang paraan na rin iyon ng pagsuporta sa mga gumawa ng ganito kagandang laro. Sa totoo lang, marami ka nang larong makikita na talagang laging pinuputakte ng ads ang loob sa oras na laruin mo na. Yung tipong talagang titigilan mo na lang laruin ito dahil kaya na nitong tanggalin ang interes sa paglalaro. Bagaman sanay na, isang magandang bagay pa rin na makitang minimal lamang ang makikitang ads sa Smash Colors 3D. Maganda na kasi ang laro ngunit dahil hindi mabilang ang ads na makikita rito, bibitawan mo talaga ang larong ito.

Smash Colors 3D: Top 9 Alternatives

Hindi organisado. Kung oobserbahan mo ang playlist ng larong ito, mapapansin mong hindi nakaayos ang genre ng mga kanta o kahit ang level of difficulty ng mga ito. Dahil dito kung bakit nagiging mahirap para sa mga manlalarong pumili ng kantang nais nilang gamitin sa kanilang mga laro. Mainam sana ito kung mayroong sort button kung saan maaari nilang gamitin kung nais nilang pumili ng kanta depende sa genre o kaya naman sa level of difficulty na mayroon ang mga kantang ito.

Top 9 na Alternatibong Laro na Maaaring Subukan Bukod sa Smash Colors 3D

Ayon sa artikulong nilikha ng Top Best Alternatives, mayroong siyam na larong kaparehas ng genre at gameplay ng sa Smash Colors 3D. Narito ang mga larong maaari mong subukan bilang alternatibo sa Smash Colors 3D:

  1. https://play.google.com/store/apps/details?id=com.match3blaster.DropStackBallFall&hl=en&gl=US- Isang Arcade at Single-player video game na nilikha at nai-publish ng Tazkan Games. Sa larong ito, ikaw, bilang isang manlalaro ay magsisimula sa tuktok ng pinagpatung-patong na bilog na may dalawa lamang na kulay. Ang itim ang dapat na iwasan habang ang ibang kulay naman ang dapat mong wasakin. Bawat manlalaro ay kailangang kontrolin ang bola sa pamamagitan ng pag-press at hold dito. Upang manalo ay kailangan mo lamang wasakin ang lahat ng bilog maliban sa itim hanggang sa makarating ito sa pinakailalim.
  2. https://play.google.com/store/apps/details?id=com.twist.hit&hl=en&gl=US- Isa ring Arcade at Single-player video game na nilikha ng SayGames Ltd. Sa larong ito, ang pangunahing misyon mo ay ang iligtas ang buong kagubatan sa pamamagitan ng pagtatanim ng maraming puno rito. Upang makapagtanim, kailangan mo lamang punan ang ring na mistulang laman ng puno sa pamamagitan ng pag-hold sa screen.
  3. https://play.google.com/store/apps/details?id=com.amanotes.pamahelixtiles&hl=en&gl=US- Isa ring Arcade, Music, at Single-player video game na nilikha at nai-publish ng Amanotes Pte Ltd. Ito ay mayroong one-finger control gameplay kung saan kailangan mo lamang kontrolin ang bola patungong ibaba nang hindi tumatama sa mga trap. Habang ginagawa ang challenges na ito ay maaari kang makinig ng soundtrack na may magandang beat at melody.
  4. https://play.google.com/store/apps/details?id=com.h8games.helixjump&hl=en&gl=US – Isa ring Arcade, Action, at Single-player video game na inilabas ng Voodoo para lamang sa mga mobile device. Gaya ng Helix Crush, mayroon din itong one-finger control gameplay ngunit hindi bola ang kailangang kontrolin bagkus ang mismong platform nang sa gayon ay maibaba ang mismong bola nang hindi tumatama sa partikular na parte ng platform.
  5. https://play.google.com/store/apps/details?id=com.magjg.roundhit&hl=en&gl=US- Isa ring Arcade at Single-player video game na nilikha ng Good Job Games para lamang sa mga mobile device. Sa larong ito, bubungad sa bawat manlalaro ang isang malaking puting bilog. Trabaho nilang punuin ng pintura iyon at siguraduhing hindi tatama ang pangkulay sa itim na umiikot sa puting bilog.
  6. https://play.google.com/store/apps/details?id=com.amanotes.pamarollingtiles2&hl=en&gl=US – Isa ring Arcade, Music, at Single-player video game na nilikha at nai-publish ng Amanotes Pte Ltd sa lahat ng mobile devices. Misyon ng larong ito na paganahin ang iyong bilis at reflexes para manalo. Sa larong ito, kailangan mo lamang i-bounce ang iyong bola sa bawat maliliit na hugis. Habang nangyayari ito ay maaari kang magpatugtog ng kantang nais mo bilang background music ng iyong laro.
  7. https://play.google.com/store/apps/details?id=com.azurgames.stackball&hl=en&gl=US- Isa ring Arcade at Single-player video game na nilikha ng Casual Azur Games para sa lahat ng mobile device. Gaya ng Drop Stack Ball: Fall Helix Blast Crash 3D, kailangan mo lamang ding kontrolin ang bola hanggang sa makarating ito sa ibabang parte nang hindi tumatama sa itim na helix platform.

Smash Colors 3D: Top 9 Alternatives

  1. https://play.google.com/store/apps/details?id=com.bdj.vortexDroid&hl=en&gl=US- Isa ring Arcade at Single-player video game na nilikha at nai-publish ng parehas na gumawa ng larong Helix Jump, ang Voodoo. Sa laro namang ito, ang tanging paraan lamang upang manalo ay ang iiwas ang iyong bola mula sa ilang obstacles na maaaring sumalubong sa iyo. Pangunahing layunin mong magkaroon ng malaking distansiya sa mga ito upang makakuha ng malaking puntos.
  2. https://play.google.com/store/apps/details?id=com.ketchapp.hop&hl=en&gl=US- Isa ring Arcade, Platform, at Single-player video game na nilikha ng Ketchapp para sa lahat ng mobile devices. Sa larong ito, kailangan mo lamang kontrolin ang bola sa pamamagitan ng pag-swipe sa iyong screen, mapakaliwa man o kanan para lamang makalundag ito patungo sa mga tile. Sa oras na may malagpasan kang isang tile, maaari kang matalo.

Kung papansinin ang lahat ng laro, hindi lamang ang pagiging arcade at single-player video game ang pagkakaparehas ng mga ito sa isa’t isa kundi pati na rin ang gameplay nilang maaari lamang manalo sa pamamagitan ng isang pinag-iisipang diskarte. Kaya naman, kung mayroon pang isang laro na maaaring isama bilang alternatibo sa Smash Colors 3D, pwedeng-pwede ang https://bigwinclub.site dahil naglalaman ito ng mga larong utak ang kailangang maging puhunan. Laman ng game center na ito ang iba’t ibang klase ng laro gaya ng Pusoy, Tongits, Slot game at marami pang iba na talagang hindi ka lang mag-eenjoy laruin bagkus ay maaari ka ring kumita ng pera. Kaya naman kung nais mong makatanggap ng limpak-limpak na salapi, i-download na rin ang Big Win Club!

Konklusyon

Ang larong gaya ng Smash Colors 3D ay tunay na isa sa magagandang rekomendasyong hindi lamang dahil sa angking ganda ng graphics na mayroon ito kundi dahil mayroong itong gameplay na talagang makakatulong sa iyo upang hasain ang iyong isip sa pagbubuo ng istratehiya para lamang manalo rito. Isang nakatutuwang bagay rin na talagang may mga larong kaya kang ilapit sa mundo ng musika. Walang dudang kahuhumalingan ito ng ilan dahil mayroong espesyal na pwesto ang musika sa puso ng bawat isa. Kung nais mo itong subukan, i-download lamang ito.

Laro Reviews