Ang Sky Clash: Lords of Clans 3D ay unang inilabas taong 2017. Ito ay isang strategy game mula sa IceStone, isa sa mga kilalang game developer at publisher sa buong mundo. Sa loob ng halos siyam na taon, ang kumpanyang ito ay nakapaglunsad na ng 148 game apps at ang karamihan sa mga ito ay mainit na tinanggap ng mga manlalaro sa buong mundo.
Ang mga manlalaro rito ay gaganap bilang isang admiral at ang kanilang pangunahing layunin ay pamahalaan ang pagpapaunlad at pagpapalawak ng base. Ito ay magagawa sa pamamagitan ng pagdepensa sa sariling teritoryo at pagsakop sa mga lupain ng kalaban. Bukod dito, kailangan din nilang ipagtanggol ang mga mamamayan laban sa mga mananakop at naglipanang mga halimaw. Kung nais mong subukan ito, mas kilalanin pa ito sa tulong ng Laro Reviews.
Paano I-download ang Laro?
Ang larong ito ay maaaring laruin gamit ang mga Android at iOS device. Kung gusto mong laruin ito gamit ang laptop o desktop, i-download lamang ang app sa iyong computer at gumamit ng isang lehitimong emulator upang gumana ito ng maayos. Kung nais mong subukan ito kaagad, maaari mong i-click ang mga link sa ibaba upang ito ay mai-download:
Download Sky Clash: Lords of Clans 3D on iOS https://apps.apple.com/us/app/sky-clash-lords-of-clans-3d/id1170052487
Download Sky Clash: Lords of Clans 3D on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.absolutist.skyclash&hl=en&gl=US
Download Sky Clash: Lords of Clans 3D on PC https://pcmac.download/app/1170052487/sky-clash-lords-of-clans-3d
Sky Clash: Lords of Clans – Gabay para sa mga Manlalaro
Isa sa mga layunin ng Laro Reviews ay makapagbigay ng sapat na kaalaman tungkol sa itinatampok nitong mga laro at makapagbahagi ng tips at tricks upang matulungan ang mga manlalarong makapag-level up nang mabilis. Bago ka magsimulang maglaro, kailangan mo munang gumawa ng sariling game account. Madali at mabilis lang namang makapag-sign up sa larong ito, i-click lang ang log-in button sa kaliwang itaas na sulok ng gaming screen. Pwede mong i-connect ang iyong Facebook account o kaya ay mag-sign up gamit ang iyong email address. Pagkatapos mong magawa ito, makakapaglaro ka na ng Sky Clash: Lords of Clans 3D at masisiguro mong masi-save ang iyong game data.
Related Posts:
Dota Underlords Review
Civilization War (ROE) Review
Dadalhin ka ng laro sa isang mundong puno ng labanan at agawan ng teritoryo. Bukod sa mga kalaban, ang isa pang banta sa larong ito na dapat mong bantayan ay ang mga robot na tinatawag na Zorgs. Susubukan din kasi nilang salakayin ang iyong base.
Narito ang ilang mga estratehiya na maaari mong gamitin upang matalo ang mga kalaban at maging mahusay na pinuno sa iyong nasasakupan:
- Ipagtanggol ang iyong base mula sa mga kalaban sa pamamagitan ng madiskarteng pagsi-setup ng iyong artillery. Ang mga kaaway ay maaaring maglunsad ng pag-atake mula sa iba’t ibang direksyon kaya nararapat lamang na palibutan ang iyong base ng mga kanyon at iba pang mga armas. Tandaan na ang iyong base ay lumulutang sa kalangitan at nahahati ito sa iba’t ibang mga seksyon. Gamitin mo ang posisyong ito sa iyong kalamangan sa pamamagitan ng paglalagay ng mga armas sa tamang lugar.
- Ang in-game shop ay matatagpuan sa ibabang bahagi iyong gaming screen. May iba’t ibang mga armas at sasakyang panghimpapawid kang mabibili rito ngunit, kailangan mo munang mag-level up bago mai-unlock ang iba sa mga ito. Bilhin lamang ang mga abot-kayang items. Sa sandaling makaipon ka na ng sapat na resources, pwede mo na itong i-upgrade o palitan ng mas malalakas na kagamitan.
- Ibalanse ang iyong offensive at defensive measures. Karamihan sa mga baguhang manlalaro ay nagka-focus sa pagbili ng maraming armas. Bukod sa pagpapalakas ng base dapat mo ring bigyang-pansin ang pagpapalakas ng iyong hukbo. Magpatayo ng mga imprastraktura at i-upgrade ang mga ito ng regular upang makaipon ng mas maraming resources.
- Palakasin ang iyong hukbo sa pamamagitan ng pagpaparami ng iyong mga sundalo. Ang pagkakaroon ng napakalaking hukbo ay isang malaking kalamangan sa larong ito. Maaari mong gamitin ang mga ito upang umatake sa mga kaaway at manakop ng kalapit na mga lupain. Bukod dito, magiging mas malakas pa ang depensa ng iyong base. Huwag ding kaligtaang i-upgrade ang iyong Military Factory.
- Atakihin ang Zorgs upang makakuha ng karagdagang resources. Hindi mo kailangang hintayin kung kailan susugod ang mga robots na ito bago mo sila labanan. Maaari kang maglunsad ng atake laban sa kanila sa labas ng iyong base. I-click lamang ang map icon sa iyong gaming screen upang makapaglakbay sa mga isla. I-clear ang fog at magpadala ang mga hukbo para sirain ang planta ng mga Zorg.
- Palawakin ang iyong teritoryo sa pamamagitan ng pagsakop ng lupain ng iba. Maaari mo ring pataasin ang iyong rank sa pamamagitan ng pagsakop sa base ng kaawa
Hindi mo rin dapat palampasin ang paglalaro sa Journey Mode para mas makapag-enjoy at makakuha ng karagdagang rewards. Pwede ka ring makipaglaban sa mga halimaw, manghuli ng mga pirata at maglakbay sa malawak na PvE map. Kung kinakailangan, pwede kang maghanap ng mga minahan ng resources at sumali sa iba’t ibang quests.
Pros at Cons ng Sky Clash: Lords of Clans 3D
Sa pangkalahatan, ang larong ito ay nakatanggap ng magandang feedback mula sa mga manlalaro. Marami ang nagsasabing ito ay patas sa lahat sapagkat hindi sila napipilitang gumamit ng in-app purchases dahil maraming paraan para makahanap ng resources tulad ng panonood ng ads. Hindi rin madaling nauubos ang mga energy at napakadali lamang makakuha ng gems. Nakakamangha at nakakaaliw din ang 3D graphics at animations na ginamit dito.
Sa kabilang banda, marami pa ring aspeto na dapat ayusin at pagbutihin sa larong ito. Ang isa sa mga pangunahing inirereklamo ng mga manlalaro ay ang madalas na pag-atake ng mga kalaban. Halos nagiging imposible kasi para sa mga bagong manlalaro na bumuo ng kanilang base dahil madalas silang inaatake ng mga manlalarong may mas mataas na level. Nariyan din ang mga nakakairitang bugs at service errors na nakakaistorbo sa laro. Bukod pa sa mga ito, wala ring background sounds ang laro at tila napakatagal mag-upgrade ng resources dito.
Konklusyon
Ang Sky Clash: Ang Lords of Clans 3D ay may mataas na average rating, 4.8 stars mula sa mahigit sa 1,000 reviews sa App Store. Samantala, ito ay may 4.3-star rating naman sa Play Store mula sa mahigit 70,000 reviews. Kahit na magkaiba ang nakuha nitong ratings sa dalawang platforms, masasabi pa ring mataas ang mga ito at nagpapatunay lamang na ang Sky Clash ay isang de-kalidad na laro na dapat mong subukan at hindi dapat palampasin.
Laro Reviews