Ang pinakabagong Tongits offline na manghihikayat sa mga manlalarong adik sa pagto- https://bigwinclub.site/tongits/ ay narito na! Ma-excite sa tatlong room feature ng larong ito. Walang mobile internet data? Walang koneksyon sa Wi-Fi? Walang problema mahal kong kaibigan, dahil ito ay ginawa para laruin offline! Ang mga rason na nabanggit ay hindi na magiging hadlang sa iyong paglalaro.
Ang Laro Reviews ay nabighani sa kasiyahang ibinibigay nito sa mga manlalaro at ng napakahusay na gameplay, Nagbibigay ito ng kawili-wiling karanasan at environment sa paglalaro. Hindi rin ito nangangailangan ng totoong pera para tumaya. Tunay na mag-eenjoy at matutuwa ka sa kahanga-hangang card game app na ito. Ihanda mo na ang lahat ng alas mo sa paglalaro at talunin ang iyong mga kalaban!
Ano ang layunin ng laro?
Ang mga pangunahing layunin ng Tongits Offline ay magbigay ng magandang virtual game experience para sa mga mahihilig sa Tongits at tulungang i-improve ang iyong kakayahan. Dahil walang aktwal na transaksyon ng pera hindi mo kailangang mag-alala tungkol sa pagtaya o pagkatalo ng malaki.
Ang isa pang layunin ng laro ay maubos ang lahat ng mga card na nasa iyong kamay. Maaaring manalo sa pamamagitan ng Tongits o mababang score ng mga unmatched card na mayroon ka. Kapag paubos na ang baraha sa bunutan dapat mong iwasan ang pagiging Burn o makakuha ng pinakamalaking score.
Paano laruin?
Ang mga manlalaro ay mayroong tatlong pagpipilian: Beginner, Hitpot, at Extra Hitpot.
Tandaan: Ang iyong pangunahing layunin ay magkaroon ng pinakamababang puntos ng mga unmatched card o ang mag-Tongits!
Beginner – Sa feature na ito, pipiliin mo ang halaga ng iyong taya bago magsimula ang laro. Ito ay bubuuin ng tatlong manlalaro at mayroong 52 baraha sa deck. Ang isang manlalaro ay makakatanggap ng 13 set ng mga baraha, habang ang iba pang dalawang manlalaro ay makakakuha ng 12-card set bawat isa. May kakayahan kang mag-dump, drop, fight, fold, at magsapaw.
Dump – I-tap ang icon na ito kung gusto mong magbaba o magtapon ng isang baraha sa mesa.
Drop – Kung gusto mong i-drop ang iyong mga tinatagong buo o set ng baraha o kunin ang tinapon na baraha ng kalaban para gumawa ng set o buo.
Fight – Ito ay may panuntunang nagsasaad na dapat kang mag-drop ng isang buong set ng baraha bago mo ma-activate ito. Maaari mong hamunin ang lahat ng mga manlalaro kapag nakapagbaba ka na ng isang buo sa drop area. May pagpipilian silang lumaban (Fight) o itiklop (Fold) ang kanilang mga baraha. Ang mananalo ay kung sinuman man ang may pinakamababang score ng mga unmatched card.
Sapaw – Maaari kang magdagdag ng card sa buo ng iyong mga kalaban kung ito ay posible para mabawasan mo ang iyong mga unmatched card.
Hitpot – Ang mga patakaran ay pareho rin sa mga nakasaad sa itaas, ito ay naiiba lamang dahil dito ay may Hitpot Jackpot na tinatawag. Bukod sa iyong taya, kakailanganin mong maglaan ng pera sa hitpot. Sa feature na ito ay dobleng taya ang magaganap. Upang maging karapat-dapat para sa jackpot, kailangan mong manalo ng dalawang magkasunod na laro. Ang jackpot ay lumalaki hangga’t walang nananalo ng dalawang magkasunod na laro.
Extra Hitpot – Ang feature na ito ay katulad din ng mekaniks para sa hitpot, ngunit kailangan ay mayroon kang savings na hindi bababa sa 10,000,000 coins para ma-unlock ang feature ito. Mas malaki ang tayaan dito kumpara sa Hitpot.
Paano i-download ang laro?
Ang mga kinakailangan para matagumpay na ma-download ang Tongits Offline sa Android devices ay dapat Android 4.1 o mas mataas pang bersyon ang gamit at ang makukuhang space ng app para sa Android ay 66 MB. Ito ay wala pang bersyon para sa iOS users.
- Download Tongits Offline on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.emagssob.tongits
- Download Tongits Offline on PC https://www.memuplay.com/how-to-play-com.emagssob.tongits-on-pc.html
Hakbang sa paggawa ng account sa larong Tongits Offline
- Hanapin ang anumang app store na makikita sa inyong mga device.
- Hanapin ang bersyon ng larong Tongits Offline, i-download at i-install ito.
- Buksan ang app at i-connect ito sa iyong Google play account.
- Ang data ng laro ay maiingatan o masi-save kung ili-link mo ito sa isang account.
- Maaari mo na ngayong umpisahan ang paglalaro ng Tongits Offline!
Tips at tricks sa paglalaro ng Tongits Offline
Ang mga diskarteng ito ay maaaring gamitin sa tatlong feature ng laro dahil pare-pareho lamang ang mekaniks kung paano ito laruin.
Pindutin ang “auto-meld” o ayusin ang baraha – Tandaan na palaging i-auto-meld o ayusin ang iyong mga baraha. Pagbukud-bukurin ang mga unmatched card at ihiwalay ito mula sa iyong mga meld card upang mas malinis at maaliwalas sa paningin. Mas maganda kung ito ay naka-organize.
Ihiwalay ang mga matataas na halaga ng baraha na walang kapareho – Ang isang paraan upang manalo sa laro ay ang pagkakaroon ng pinakamababang score ng unmatched cards, sa Fight man o sa kapag natapos ang laro nang walang nag-Tongits. Kapag maaga mong naibaba ang mga barahang matataas ang score na walang kapareho ay epektibo mong binabawasan ang iyong mga card, ito rin ang pinakamahusay na diskarte para magawa ang Tongits. Maaari mo ring gawin ang “sapaw,” kung saan maaari kang magdagdag ng baraha sa melds na nailapag o nagawa.
Gamitin ang “Fight” kapag sa tingin mo ay mababa ang score ng iyong baraha – Sa kasong ito, magtiwala sa iyong intuition. Talas ng pakiramdam at pag-oobserba sa mga barahang naipakita na ang puhunan para manalo sa “Fight”. Gagamitin mo ang deduction technique para malaman kung ano ang mga barahang possibleng natira sa iyong mga kalaban. Mas lalakas ang loob mong humamon kapag alam mong malaki ang tyansang na sa iyo ang pinakamababang bilang ng mga baraha. Sigurado ang Laro Reviews na mas epektibong technique ito at malaki ang pagkakataong manalo dahil ang laro ay matatapos ng mas maaga at ang ibang mga manlalaro ay hindi na magkakaroon pa ng tyansang makapagpababa ng kanilang mga score.
Related Posts:
Real Bike Racing Review
Money Run 3D Review
Pros at cons sa paglalaro ng Tongits Offline
Ang laro ay may napakagandang gameplay kaya maraming mga manlalaro ang nagbigay ng mga positibong komento patungkol dito. Sinasabing isa itong mobile game na napakadaling gamitin para sa mga mahihilig maglaro ng Tongits at mas marami ang nakapaglalaro dahil isa itong offline app. Kapag nilaro mo ito ay hindi mo na kailangang kumonekta sa internet. Ang laro ay walang limitasyon pagdating sa oras kaya malayang makapaglalaro ang sinuman ng walang nagmamadali. Makakakuha rin ng mga daily reward na makakatulong sa iyong maka-ipon sa laro at tumaya ng higit pa. Ang mekaniks ng laro ay hindi mahirap para sa mga manlalaro na alam ang basic ng Tongits. Ang laro ay may kaunting rules lamang kaya kahit ang baguhan sa Tongits ay unti-unting matututo at mauunawaan ang mekaniks. Para manalo, ang kailangan mo lang gawin ay alinman sa fight, drop, dump, fold, auto meld, pumusta, at sumapaw sa buong laro habang ginagamit ang iyong mala-ekspertong diskarte sa pagto-Tongits.
Ang pangunahing negatibong reaksyon patungkol sa laro ay ang huwad na mga kalaban dahil A.I. lamang o kompyuter ang kasama mo sa laro. Dahil naaayon sa historical data ang resulta ng AI player, hindi mo maaasahang tulad ng sa tao ang magiging galaw at diskarte ng iyong kalaro. Wala ring online battle option kung saan maaari kang mag-imbita at makipaglaro sa iyong mga kaibigan. Masyadong maraming mga advertisement ang ipinapakita sa laro lalo na sa simula at katapusan nito. Mayroon ding isyu o bug na naranasan ang karamihan sa mga manlalaro kapag nilalaro na ito. Ang icon ng Fight kung minsan ay hindi mo ito magamit o hindi gumagana kahit na mayroon ng isang meld card na nailapag. Ang mga problemang ito na binanggit ng mga user ay dapat matugunan upang ang mga manlalaro ay patuloy na masiyahan sa app na ito.
Konklusyon
Tila sablay ang hamong hatid ng pakikipaglaro sa AI o isang computer lamang. Ang lahat ay nakaayon sa program na ginawa para sa app at parang isang ikot lang ang nangyayari. Maaari itong mas pagandahin pa upang makapagbigay ng higit na kasiyahan para sa mga manlalaro.
Laro Reviews