Dota Underlords Review

Kung ikaw ay isa sa milyun-milyong tagahanga ng Dota series sa buong mundo, tiyak na matutuwa ka sa isang ito. Ang featured game na ito ay nagbibigay ng kaparehong saya at aliw na dala ng Moba, ngunit mas pinasimple ang gameplay. Hindi katulad ng karaniwang 5v5 na Dota at Dota 2, ang Dota Underlords ay isang stand-alone, autobattler game na inilunsad ng Valve Corporation noong Hunyo 20, 2019.

Ang layunin ng mga manlalaro ay maging pinakamakapangyarihang pinuno ng White Spire. Upang makamit ito, kailangan nilang mag-rank up mula sa pagiging Upstart hanggang sa sila ay maging isang Big Boss. Dapat nilang pagsikapang ipanalo ang bawat match-up game laban sa pitong iba pa.

Paano I-download ang Laro?

Upang makasali sa mga labanan sa mundo ng White Spire, kailangang tiyakin na ang iyong gaming device ay may sapat na storage space. Kinakailangan ng mahigit-kumulang 1.5GB para ang game app ay gumana nang maayos. Pagkatapos mong i-install ang app mula sa Play Store o sa App Store, may mga karagdagang game contents pa na kailangang i-download.

Ang app ay maaaring laruin sa iOS at Android mobile devices. Maaari mo ring ma-enjoy ito gamit ang desktop o laptop sa pamamagitan ng pag-log in sa official website ng Steam. Pwede mo ring i-install ng app sa iyong computer gamit ang isang android emulator. Maaari mong gamitin ang mga sumusunod na link mula sa Laro Reviews upang direktang mai-download ang app sa iyong gaming device:

Download Dota Underlords on iOS https://apps.apple.com/us/app/dota-underlords/id1465996312

Download Dota Underlords on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.valvesoftware.underlords

Download Dota Underlords on PC https://underlords.com/download/androidarm32

Dota Underlords – Ultimate Guide para sa mga Manlalaro

Upang ma-save at maibalik ang iyong game progress sa Dota Underlords, kailangan mong mag-sign sa laro gamit ang iyong Steam account. Kung sakaling wala ka pa nito, maaari kang mag-sign up para sa isang account sa opisyal na website ng Steam.

Ang layunin sa larong ito ay maging isang Overlord ng White Sphere. Ang matinding pakikibakang ito ay nagsimula pakatapos mamatay ang mahusay at pinakamakapangyarihang Overlord na si Momma Eeb. Kailangan mong makagawa ng isang malakas na hukbo ng heroes, kabilang ang isang Underlord, upang labanan ang creeps at hukbo ng mga kalaban.

Bagama’t ang gameplay ng Dota Underlords ay mas simple at hindi gaanong kumplikado kung ikukumpara sa Dota, hindi ito madali. Kailangan mo talagang pagtuunan ng pansin ang tutorial sa simula ng laro na tungkol sa game mechanics at controls. Ang labanan ay magaganap sa chess board arena. Kailangan mong ipwesto ang iyong mga hero sa kalahating bahagi ng board at harapin sa iyong kaaway.

Upang mas mapalakas ang iyong hukbo, may apat na Underlords kang mapagpipilian at ito ay sina Anessix, Jull, Eno at Hobgen. Ang bawat isa sa kanila ay may iba’t ibang kapangyarihan at kasanayan. Kailangan mong piliin ang Underlord na sa palagay mo ay makakatulong at makapagpapalakas ng iyong hukbo.

Kung mahilig ka sa Dota, tiyak na pamilyar ka sa mga hero na tampok sa larong ito. Ang mga ito ay nakagrupo batay sa dalawang kategorya: Rarity at Alliance.

  • Rarity

Ang mga bayani ay nakagrupo sa limang tier, batay sa kanilang rarity. Ang mga hero na nabibilang sa mataas na tier ay mas malakas at kakaunti lang. Ang Tier 5 heroes ay tinatawag din na “aces” at kabilang dito sina Lich, Axe, Medusa, Sand King at iba pa.

  • Alliance

Ang isa pang kategorya ng mga hero ay batay sa kanilang alliance at ito ay may kaugnayan sa synergies. Ang synergies ay mga special power-ups na maaaring ma-trigger kapalit ng mga partikular na kondisyon. Sa tulong ng mga ito, magiging mas malakas ang iyong hukbo o kaya ay mapapahina ang iyong kalaban. Mayroong 23 hero alliances sa laro at ito ay ang mga sumusunod: Assassin, Blood Bound, Dead Eye, Demon, Demon Hunter, Dragon, Druid, Elusive, Heartless, Human Hunter, Inventor, Knight, Mage, Primordial, Savage, Scaled, Scrappy, Shaman, Troll, Warlock, Warrior, Brawny.

Tandaan na ang mga hero ay maaaring magkaroon ng higit sa isang synergy at maaari mong matukoy ito sa kulay at simbolo na sa ibaba ng kanilang icon.

Related Posts:

Civilization War (ROE) Review

Call of War- WW2 Strategy Game Review

Ang bawat regular match-up game ay binubuo ng walong manlalaro. Sila ay maghaharap-harap sa bawat round upang makakuha ng gold coins at XP. Ang gold coins ay maaaring gamiting pambili ng heroes o ng karagdagang XP, (1XP = 1 gold coin). Sa kabilang banda, ang XP naman ay ginagamit upang i-level up ang character ng manlalaro. Habang tumataas ang iyong character level, nadaragdagan din ang bilang ng mga hero na maaari mong ilagay sa board.

Ang bagong bili na hero ay magsisimula sa Rank 1. Kailangan mong pagsamahin ang tatlong magkaparehong Rank 1 heroes upang gawin itong Rank 2. Para naman makabuo ng Rank 3 hero, kailangan mong pagsamahin ang tatlong Rank 2 heroes.

Pros at Cons ng Dota Underlords

Ang Dota Underlords ay maaaring laruin ng offline o online. Sa offline mode, pwede itong laruin bilang solo player at labanan ang mga AI-controlled na kaaway. Ito ay magandang paraan upang mapabuti ng mga manlalaro ang kanilang diskarte at kasanayan. Sa pamamagitan din nito, maaari mong ma-enjoy ang laro kahit saan at kahit kailan. Ang graphics, animations at special effects na ginamit sa laro ay de-kalidad at nakamamangha. Ang simple ngunit nakahuhumaling na gameplay nito ay isa sa mga dahilan kung bakit marami ang tumatangkilik dito.

Sa kabilang banda, may ilang kahinaan din ang larong ito. Maraming manlalaro ang nadidismaya dahil sa madalas na lags, bugs at crashes lalo na sa kalagitnaan ng match-up. Gayundin, kailangan talagang gumamit ng high-end device upang gumana ng maayos ang game app. Ang buttons at icons ng laro ay medyo may kaliitan, may mga pagkakataon ding hindi ito gumagana. Nakakairita din minsan ang mabagal at mahabang matchmaking process ng laro.

Konklusyon

Ang Magic Chess ng Bang Bang ay halos may kaparehong gameplay at game mechanics sa Dota: Underlords. Subalit, hindi katulad ng Magic Chess na isang featured game lamang sa Mobile Legends, ito ay isang independent auto chess game app.

Kung nais mong magpahinga mula sa magulo at maaksyong mundo ng RPGs, inirerekomenda ng Laro Reviews na subukan mo ang larong ito. Mas naka-focus kasi ang gameplay nito sa pagbuo ng tamang diskarte at hindi sa aktwal na PvP na labanan. Kung ikaw naman ay isang manlalarong mahilig sa Dota, hindi mo ito dapat palampasin dahil bibigyan ka nito ng kakaibang gaming experience na hango sa paborito mong laro.

Laro Reviews