Mahilig ka bang maglaro ng card games? Maaaring Tranca Online – Jogo de Cartas ang hinahanap mo! Maglaro online laban sa daan-daang iba pang mga manlalaro at dominahin ang deck upang manalo sa laban! Ilagay ang iyong pinakamahusay na card melds at gamitin ito upang matalo ang kalaban. Walang sawang laruin itong free-to-play na laro kasama ang iyong mga kaibigan, pamilya, o kahit isang grupo ng mga robot. Maaari mo itong laruin kahit kailan at saan mo gusto. Maglibang sa nakaka-enganyo at nakakaaliw na online card game na ito.
Ano ang layunin ng laro?
Ang layunin ng laro ay ang magakaroon ang manlalaro ng may pinakamataas na puntos o tricks mula sa iba pang manlalaro. Manalo laban sa iba pang mga manlalaro sa pamamagitan ng pagkakaroon ng mas maraming puntos kaysa sa kanila. Ganoon lamang kadali manalo sa larong ito at wala ka nang ibang dapat gawin pa. Tiyak na magugustuhan mo ang paglalaro nito at may magandang entertainment value ito para sa mga manlalaro. Maaari kang makipaglaban sa mga manlalarong mula sa iba’t ibang sulok ng mundo. Tara at subukan na natin ito! Magsaya at maglibang sa paglalaro ng nakakaaliw na mga feature nito.
Paano laruin ang Tranca Online – Jogo de Cartas?
Upang simulan ang laban, kailangan mo lamang maging pamilyar sa mga keyword ng larong ito.
Meld – Tatlo o higit pang mga card ay isang straight mula sa parehong suit o isang grupo ng mga card na may parehong halaga. Halimbawa, ang 4,5, at 6 ng Clubs, ang 9 ng Clubs, 9 ng Diamonds, at 9 ng Spades, at ang 10, Jack, at Queen. Sumusunod ang Aces sa Kings. Hindi bababa sa tatlong baraha ang kinakailangan upang i-meld, ngunit maaari kang gumamit ng higit pa nang sabay-sabay at magdagdag ng mga karagdagang card sa laban.
Wildcards – Ang numerong 2 na card ay ginagamit bilang mga wildcard, at magagamit ang mga ito upang palitan ang anumang card. Halimbawa, Queen of Diamonds, Ace of Diamonds, 2 at 7.
Black Three (Lock) – Ang card na ito ay hindi maaaring gamitin sa isang meld. Kung ang isang card ay itinapon, ito ay nagla-lock sa discard pile at pinipigilan ang susunod na manlalaro mula sa pagbunot ng bagong card.
Red Three – Dapat ilagay nang mag-isa sa deck at katumbas ito ng 100 puntos kung ang manlalaro o pares ay may kahit isang canasta o -100 kung wala.
Knock Out – Kapag nagamit na ang lahat ng card sa kamay.
Extra Pile – Dalawang piles ng 11 cards na maaaring makuha sa unang pagkakataong mana-knock out ang isang manlalaro. Sa isang heads-up game, ang bawat manlalaro, na na-knockout, ay maaaring bumunot ng isa sa mga pile na ito. Ang unang manlalaro sa koponang na-knockout sa larong duos ay makakatanggap ng karagdagang pile.
Mayroong dalawang uri ng knockout – direct at indirect. Ang direct ay kapag ang manlalaro ay naubos ang kanyang baraha nang hindi nagtatapon ng anumang mga card. Makakakuha siya ng extra pile at patuloy na maglalaro nang hindi na bumubunot pa. Ang indirect na paraan ay kapag ang mga huling card ay mula sa mga kamay ng manlalaro at ito ang huling itatapon. Matatanggap ang karagdagang pile, ngunit magagamit lamang ito sa susunod na round.
Canasta – Ang isang straight mula sa parehong suit o isang uri ng mga card na may parehong halaga ay nagsasama ng pito o higit pang mga card. May dalawang uri ito – “Natural” (walang wildcard) at “Mixed” (na may wildcard).
Paano i-download ang laro?
Ang mga kinakailangan para matagumpay na mai-download ang Tranca Online – Jogo de Cartas sa Android devices ay dapat Android 4.0 o mas mataas pang bersyon ang gamit. Para sa iOS users naman, makukuha ito gamit ang iPhone 6s o mas mataas na iOS sa 12.2. Ang makukuhang space ng app para sa Android ay nag-iiba depende sa device at 72.7MB naman para sa iOS.
Maaari ring i-click ang mga link sa ibaba upang mag-download:
Download Tranca Online – Jogo de Cartas on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=air.br.com.tranca.mobile
Download Tranca Online – Jogo de Cartas on iOS https://apps.apple.com/br/app/tranca-jogo-de-cartas/id622640291
Download Tranca Online – Jogo de Cartas on PC https://pt.ldplayer.net/games/tranca-online-jogo-de-cartas-on-pc.html
Hakbang sa Paggawa ng Account sa Tranca Online – Jogo de Cartas
- Hanapin ang anumang App Store na makikita sa inyong mga device.
- Hanapin ang bersyon ng larong Tranca Online – Jogo de Cartas pagkatapos ay i-download at i-install ito.
- Buksan ang app at i-connect ito sa iyong Facebook o Google Play account.
- Ang data ng laro ay maiingatan o masi-save kung ili-link mo ito sa isang account.
- Maaari mo na ngayong umpisahan ang paglalaro ng Tranca Online – Jogo de Cartas!
Tips at Tricks sa Paglalaro ng Tranca Online – Jogo de Cartas
Kapag naglalaro ng Tranca Online – Jogo de Cartas ay hinding-hindi mo mahuhulaan dahil hindi mo alam kung aling set ng mga baraha ang matatanggap mo pagkatapos maibigay ang mga ito sa lahat ng manlalaro. Ito ay binubuo ng apat na kalahok (kabilang ka). Una ay dapat mong ayusin ang iyong mga card sa oras na matanggap mo ang mga ito. Suriin ang mga card na maaaring pagsamahin at itapon ang iba kung hindi mo gusto ang mga ito.
Dapat kang maglaro nang regular upang maging pamilyar sa mga kumbinasyon, panuntunan, at terminolohiya ng laro. Sa karamihan ng mga laro ng card, kailangan mo lang maging pamilyar sa rules ng laro at mga kumbinasyong maaari mong mabuo. Sa ganoong paraan mo lamang magagawang manalo sa larong ito. Huwag ding kalimutang magsaya habang naglalaro ng Tranca Online – Jogo de Cartas.
Pros at Cons ng Tranca Online – Jogo de Cartas
Ang Tranca Online – Jogo de Cartas game ay isang mahusay na kasiyahan at tutulungan kang mag-relax habang naglalaro ka. Maaari mong laruin ito kahit kailan at saan mo gusto. Kailangan mo lamang magkaroon ng isang matatag na koneksyon sa internet upang lubusang ma-enjoy ang larong ito. Ito rin ay nakakaaliw at interactive, habang nakikipagkumpetensya ka sa daan-daang mga manlalarong mula sa buong mundo. Maaari mo ring ibahagi ang iyong saya sa iyong pamilya at mga kaibigan. Kung nababagot ka sa paglalaro laban sa mga aktwal na manlalaro, maaari kang lumipat sa paglalaro laban sa isang grupo ng mga robot o AI na manlalaro. Ito ay isang mahusay na paraan upang pinuhin at maperpekto ang iyong mga kakayahan sa paglalaro ng mga baraha.
Walang mawawala sa iyo dahil hindi ka tumataya gamit ang totoong pera. Mayroon kang ganap na kalayaang gawin ang anumang gusto mo. Maaari mong i-customize ang level ng mga hamon at tuklasin ang maraming features at modes ng laro. Sa kabuuan, nagbibigay ito ng maraming libangan para sa mga manlalaro. Nagbibigay din ito ng Game Rules, na maaari mong basahin bago maglaro upang maging pamilyar sa rules, scoring, description, at mga tuntuning makakaharap mo sa panahon ng laban.
Ang downside ng larong ito ay marami itong advertisement na lumalabas sa gitna ng laro. Ito ay nakakainis na aspeto ng laro. Talagang nadismaya ang Laro Reviews sa maraming ads. Higit pa rito, maaari ka lamang maglaro kung mayroon kang koneksyon sa internet. Kung ikaw ay nasa isang lugar na mahina ang signal tiyak na hindi ka makakapaglaro nang maayos. Pagdating sa visual graphics, ito ay karaniwang setup para sa mga ganitong klase ng laro, kaya huwag umasa ng anumang espesyal pagdating dito. Ito ay sapat na upang maglaro ng mga baraha mula sa iyong mga mobile phone.
Konklusyon
Sa pangkalahatan, lubos na inirerekomenda ng Laro Reviews ang larong Tranca Online – Jogo de Cartas dahil nagbibigay ito ng napakaraming features upang tuklasin at masiyahan. Ito ay isang online na laro kung saan maaari mong gugulin ang iyong oras at maglaro laban sa iba pang mga tunay na manlalarong mula sa buong mundo. Maaari mong subukan ito at i-download nang libre mula sa iyong kaukulang App Store!