Royal Archero VS BOSS Review

Nagbalik ang ating magiting na mandirigma upang iligtas ang ating lupain mula sa pagsalakay ng mga nakakatakot na nilalang at hayop. Dadalhin ka ng larong Royal Archero VS BOSS sa isang kamangha-manghang labanang pinaliligiran ng mga halimaw at tao. Ikaw ang magiging huling pag-asa ng planeta na siyang haharap at makikipaglaban mula sa mga halimaw upang bawiin ang kalayaang minsan nang kinuha ng mga ito. Ang trono ay inihanda na para sa iyo para pamunuan ulit ang mundo. Protektahan ang ating planeta at palakasin ang iyong mga kakayahan bilang paghahanda para sa matinding digmaan laban sa mga kalaban.

Ano ang layunin ng laro?

Ang pangunahing layunin ng laro ay i-clear lamang ang level sa pamamagitan ng pag-aalis ng lahat ng mga halimaw at mga boss dito. Kung magagawa mong kumpletuhin ang bawat yugto, makakakuha ka ng mga gantimpala, armas, at bagay na maaaring magamit upang mapabuti ang iyong mga katangian. Huwag mag-aksaya ng oras! Gumawa ng plano bago pumasok sa laban. Itutok ang iyong rifle at mga baril nang tumpak sa bungo ng kalaban at itakda ang iyong mga kasanayan sa pagsubok sa archery sa pamamagitan ng pagbaril sa kanila nang direkta sa kanilang mga katawan. Mabuhay at lumaban hanggang sa dulo!

Paano ito laruin?

Kapag matagumpay mong nai-install at nai-download ito mula sa iyong smartphone device, dadalhin ka nito nang diretso sa larangan ng digmaan nang walang karagdagang tutorial o mga tagubilin para sa iyong laro. Kakailanganin mong alamin ang lahat sa iyong sarili upang maunawaan ang mga tampok ng laro at gameplay mechanics. Bibigyan ka ng isang karakter na hero na gagamitin sa larangan ng digmaan sa simula. Nilagyan na ito ng sandata na awtomatikong binabaril ang mga kalaban sa dinaraanan nito. Maaari mo itong malayang ilipat sa pamamagitan ng pag-drag sa karakter saan man sa larangan ng digmaan.

Ang larangan ng digmaan ay katulad ng isang silid na puno ng mga kalaban, at sa iyong pagpunta, sa huli ay makakaharap mo ang ilang uri ng mga boss na dapat mong talunin upang makatanggap ng iba’t ibang mga gantimpala. Sa kabuuan ng iyong paglalakbay, makakakalap ka ng mga espesyal na item na magpapalaki sa iyong kakayahan o magpapalago ng iyong kalusugan sa gitna ng isang labanan. Minsan ay makakatagpo ka ng mga taong mag-aalok sa iyo ng mga masuwerteng spin para makakuha ng mga reward o booster para pagbutihin ang iyong mga kasanayan. Gayundin, sa bawat level aydapat kang pumili ng gantimpalang gagamitin sa pakikipaglaban. Habang nakikipaglaban dito, ito rin ay siyang paggawa ng isang desisyon. Dapat kang magpasya kung aling item ang pinakamabisang gamitin.

Dito, ang enerhiya ang magsisilbing iyong battle pass. Kung naubusan ka ng enerhiya, hindi ka makasasali sa isang labanan. Dapat mong hintayin itong mag-recharge nang sapat bago sumali sa isa pang labanan. Ang mga espesyal na armas, item, booster, coin, at jewels ay kabilang sa mga reward. Ang mga ito ay maaaring makuha sa pamamagitan ng pagsali sa Lucky Spins, pagsasagawa ng Daily Quests, at pagpatay sa mga kalaban. Maaari mo ring pagbutihin ang iyong mga kakayahan at armas. Dahil ito ay isang offline na laro, maaari mo itong dalhin at laruin kahit kailan at saan mo man gusto.

Paano i-download ang Laro?

Ang mga kinakailangan para matagumpay na mai-download ang Royal Archero VS BOSS sa Android devices ay dapat Android 4.4 o mas mataas pang bersyon ang gamit at ang makukuhang space ng app para sa Android ay 114 MB. Ito ay wala pang bersyon para sa mga iOS user.

Maaari ring i-click ang mga link sa ibaba upang magkapag-download:

Download Royal Archero VS BOSS on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.ltonline.asbg

Download Royal Archero VS BOSS on PC https://hightechforpc.com/royal-archero-vs-boss-for-pc-windows-mac-download/

Hakbang sa Paggawa ng Account sa Royal Archero VS BOSS

  1. Hanapin ang anumang app store na makikita sa inyong mga device.
  2. Hanapin ang bersyon ng larong Royal Archero VS BOSS. Pagkatapos ay i-download at i-install ito.
  3. Buksan ang app at direktang dadalhin ka nito sa laro. Hindi na kailangang i-link ang laro sa anumang mga account. Sa oras na inalis na ito sa mga device, hindi na masi-save ang progress ng laro.
  4. Maaari mo na ngayong umpisahan ang paglalaro ng Royal Archero VS BOSS!

Tips at Tricks sa Paglalaro ng Royal Archero VS BOSS

Madali lamang laruin ang Royal Archero VS BOSS ngunit habang ikaw ay umuusad sa laro, ito ay nagiging mahirap. Kaya narito ang Laro Reviews na magbibigay ng ilang diskarte sa paglalaro nito. Ang larong ito ay may kaunting twist, ikaw ay mamimili ng dalawang lagusan o pintuan kung saan ka makikipaglaban at kapag natalo mo ang mga kalaban sa level na iyon, ikaw ay bibigyan ng rewards, boosters, o armas. Mahalaga na lagi kang nakatuon sa pagpapalakas ng damage ng iyong armas na hawak o sa level ng iyong buhay.

Related Posts:

Infinitode 2 – Infinite Tower Defense Review

King God Castle Review

Kung sa tingin mo ay hindi na kakayanin ng buhay mo ang susunod na laban ay mas mainam na mag-heal ka muna o piliin mo ang booster kung saan dadagdagan ang iyong buhay. Sa ganoong paraan ay madudugtungan ang iyong buhay. Mahalaga ring ang mga reward na naiipon mo ay ilaan mo sa pag-a-upgrade ng iyong attributes o mga armas upang mas maging accurate ang tira o malakas ang damage impact nito sa mga kalaban. Mayroon din itong Daily quests kung saan maaari kang makakuha ng mga karagdagang reward kapag ito ay iyong nakumpleto.

Pros at Cons ng Royal Archero VS BOSS

Ang Laro Reviews ay napabilib sa pinasimpleng gameplay ng larong ito. Wala rin itong mga kontrol na dapat mong kabisaduhin dahil kusa itong umaatake sa mga kalaban. Ang lugar ng labanan ay paiba-iba at naglalaman ito ng iba’t ibang set ng mga halimaw at mga boss na iyong kakalabanin. Tiyak na malilibang at maaaliw ka sa mga hatid nitong feature para sa mga manlalarong kagaya mo. Ang twist na idinagdag ng laro ay ang kakayahan ng mga manlalarong pumili kung anong gusto nilang reward na matatanggap sa bawat level. Maaaring ito ay isang booster na pampalakas ng damage o kakayahan, booster na makakadagdag ng buhay, o kaya nama’y equipment na maaaring gamitin sa labanan. Nasa tamang pagdedesisyon mo nakasalalay ang ikabubuti ng iyong paglalaro.

Iba’t ibang klase ng kalaban ang iyong makakaharap at habang umuusad ka ay nagiging mas mahirap ang pakikipaglaban mo sa kanila. Talagang mahahamon ka sa paglalaro nito kahit na madali at simple lamang itong laruin. Mae-engganyo ka sa features nito, may mga Daily Quest na maaari mong kumpletuhin, Lucky Spin, Lucky treasure at marami pang iba. Ang visual graphics ng laro ay simple lamang at hindi komplikado ang pagkakaayos ng mga feature. Malinaw ang mga karakter at maayos na gumagalaw sa labanan. Gayundin ang sound effects nito na maayos na nailapat sa laro. Hindi maingay at walang masyadong nakaka-intense na ingay.

Umani ito ng napakaraming positibong komento mula sa mga manlalaro. Simple lamang ngunit nakuha nito ang interes ng mga manlalaro mula sa iba’t ibang sulok ng mundo. Kaya tangkilikin ang hatid nitong saya at tuwa. Ibahagi sa iyong mga kaibigan at maglaro habang nagrerelaks!

Konklusyon

Dadalhin ka ng laro sa isang kakaibang labanang puno ng mga halimaw. Dahil sa pinasimpleng sistema ng pakikipaglaban, tiyak na masisiyahan ka sa isang ito. Hindi rin ito nangangailangan ng maraming efforts mula sa mga manlalaro dahil sinusubukan nitong magbigay sa mga manlalaro ng isang kaaya-ayang karanasan habang tinatangkilik nila ang mga feature ng laro.

Laro Reviews