Kingdom Clash – Battle Sim Review

Kingdom Clash – Battle Sim – Tipunin ang iyong mga mandirigma at maghanda upang ipamalas ang iyong iba’t ibang mga kasanayan sa isang labanan! Makipaglaban sa anumang istilo na gusto mo, ipadala ang iyong mga mandirigma sa matinding digmaan at manalo sa bawat labanan. Kumuha ng malalakas na mandirigma upang matulungan kang makamit ang tagumpay. Gumawa ng diskarte depende sa mga kakayahan ng iyong mga mandirigma, ang katangian ng iyong mga makakalaban, at ang mga posibleng kondisyon ng labanan. Ikaw lamang ang makakatalo sa mga kalaban at magpapalaya sa iyong kaharian. Sa war simulator game na ito, utusan ang iyong hukbo sa mga mapanganib na pugad ng kalaban at huwag hayaang matalo ang iyong hukbo sa labanan!

Ano ang layunin ng laro?

Ang pangunahing layunin ng larong Kingdom Clash – Battle Sim ay upang patayin o talunin ang lahat ng mga kalaban sa arena. Hangga’t may natitirang mandirigma sa kalaban, hindi matatapos ang laban. Upang makamit ang tagumpay at mabawi ang kalayaang nawala dahil sa labanan, dapat mong patayin silang lahat. Pagsama-samahin at pagbutihin ang iyong mga mandirigma upang talunin ang iyong mga kalaban at bumuo ng isang diskarte para sila ay tuluyan mo ng matalo. Ang bawat bayani ay may natatanging hanay ng mga espesyal na kakayahan na dapat mong matutunan upang epektibong magamit sa labanan. Good luck sa iyong epikong pakikipagsapalaran, hangga’t hindi ka sumusuko, may pag-asa pa!

Paano ito laruin?

Ang laro ay sadyang madali at simple lamang. Hindi kinakailangang dumaan sa isang tutorial kung maaari mong matutunan ito ng mag-isa; maaari mong laktawan ito. Pagkatapos na matagumpay na mai-download ang laro, ipapadala ka nito kaagad direkta sa digmaan, kung saan ilalagay mo ang iyong mga bayani upang lumaban. Ang sistema ng labanan ay may tatlong bahagi: Barracks, Recruit, at Merging Troops.

I-click lamang ang icon na “Barracks” at ipapadala ka sa isang field kung saan maaari mong tingnan ang mga level at position ng iyong mga mandirigma. Maaari mong i-merge ang mga ito doon, ngunit ang mga magkakatulad na grupo lamang na may parehong ranggo ang maaaring pagsamahin upang i-upgrade. Maaari kang mag-recruit o magdagdag ng higit pang mga mandirigma sa arena bago magsimula ang sagupaan, o ipatawag sila sa gitna nito kung ang iyong mga mandirigma ay unti-unti nang natatalo ng mga kalaban. Kapag naging mahirap ang mga bagay dito, mas mabuting tumawag ng reinforcement.

Bukod dito, mayroon itong mga quests at chests upang makakuha ng mga bagong bayani at rewards. Mayroong dalawang uri ng chests: wood chests at gold chests. Pareho itong nagbibigay sa iyo ng mga gantimpala. Kapag nakumpleto mo na ang bawat level, bibigyan ka ng mga gem at coin. Maaari mong paramihin ang iyong mga reward sa pamamagitan ng panonood ng mga advertisement. Sa pamamagitan ng pag-level up, maaari kang makakuha ng access sa mga karagdagang elemento ng mapa gaya ng Arena Shop, Boss, Wheel of Fortune, Headhunt, at Glory Road.

Paano i-download ang laro?

Ang mga kinakailangan para matagumpay na ma-download ang Kingdom Clash – Battle Sim sa Android devices ay dapat Android 5.0 o mas mataas pang bersyon ang gamit at ang makukuhang space ng app para sa Android ay 144 MB. Ito ay wala pang bersyon para sa mga iOS users.

Maaari ring i-click ang mga link sa ibaba upang mag-download:

Download Kingdom Clash – Battle Sim on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=azurgames.idle.war

Download Kingdom Clash – Battle Sim on PC https://www.mumuglobal.com/en/games/strategy/kingdom-clash-battle-sim-on-pc.html

Hakbang sa paggawa ng account sa larong Kingdom Clash – Battle Sim

  1. Hanapin ang anumang App Store na makikita sa inyong mga device.
  2. Hanapin ang bersyon ng larong Kingdom Clash – Battle Sim pagkatapos ay i-download at i-install ito.
  3. Buksan ang app at i-connect ito sa iyong Facebook o Google Play account.
  4. Ang data ng laro ay maiingatan o masi-save kung ili-link mo ito sa isang account.
  5. Maaari mo na ngayong umpisahan ang paglalaro ng Kingdom Clash – Battle Sim!

Tips at tricks sa paglalaro ng Kingdom Clash – Battle Sim

Nahihirapan ka bang talunin ang iyong mga kalaban? Narito ang Laro Reviews upang tumulong at magbigay ng ilang ideya at diskarte na maaari mong sundin. Tulad ng naunang nasabi, ang sistema ng pakikipaglaban ay binubuo ng tatlong bahagi, at maaari ka lamang mag-level up sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng magkatulad na mga sundalo. Makikita mo ang iyong mga mandirigma sa kuwartel, kailangan mo munang i-merge ang mga ito bago sila isabak sa digmaan. Sa oras ng labanan, hindi ka na maaaring mag-merge. Kapag naging mahirap ang sitwasyon, maaari kang kumuha ng mga mandirigma sa pamamagitan ng pagpindot sa “Warrior” sa ibaba ng screen. Ito ay mainam na gamitin kapag ang iyong mga mandirigma ay natatalo na ng kalaban. Maaari kang mag-recruit ng mandirigma, na magbibigay-daan sa iyong mag-merge ng higit pang mga grupo ng mandirigma.

Related Posts:

Defense Legend 4: Sci-Fi TD Review

METAL SLUG ATTACK Review

Pros at cons sa paglalaro ng Kingdom Clash – Battle Sim

Kung naghahanap ka ng isang war game, ang Kingdom Clash – Battle Sim ay isang magandang laro na maaari mong subukan. Naglalaman ito ng mga simpleng mekaniks ng paglalaro at isang sistema ng pakikipaglaban, ngunit walang alinlangan na magbibigay ito sa iyo ng magandang libangan. Matututuhan mo ang sining ng digmaan, makipag-away sa ibang mga kaharian, paggawa ng perpektong diskarte sa labanan, at makilahok sa iba’t ibang aktibidad. Kabilang dito ang mga maalamat na bayani sa iyong maliit na hukbo upang tulungan kang talunin ang mga kalaban ng mabilis! Ang bawat karakter ay may kanya-kanyang hanay ng mga natatanging kakayahan at kapangyarihan na maaaring magbago sa takbo ng labanan sa isang iglap.

Talakayin natin ang visual graphics ng laro. Maaaring wala itong mataas na kalidad na mga visual, ngunit sapat na ito upang mapukaw ang atensyon ng mga manlalaro. Marami itong isyu sa disenyo, at hindi masyadong dynamic ang paligid. Basic lang pero kaakit-akit sa mata. Ang mga karakter ay mahusay na idinisenyo at mukhang nakakaakit sa maliit na screen. Ang sound effects ay hindi masyadong nakakairita pakinggan. Ang mga hiyawan ng mga karakter at ang mga tunog ng kanilang mga armas ay nakakadagdag sa emosyon ng laro. Ito ay hindi masyadong malakas na makakasira ng iyong pandinig.

Ang laro ay mada-download lamang ng mga gumagamit ng Android at PC sa kanilang mga available App Store. Sa kasamaang palad, ang bersyon nito para sa iOS ay hindi pa available. Ito ay angkop para sa mga matatanda at ito ay isang kahanga-hangang app para sa pang-alis ng stress at pagkabagot. Dahil ang laro ay naglalaman ng kaunting karahasan, ang mga bata ay dapat na ginagabayan ng kanilang mga magulang. Sa pangkalahatan, ito ay isang kamangha-manghang laro na maaaring maging mas mahusay pa sa hinaharap. Ang mga developer ay dapat gumawa ng ilang mga pagbabago upang ang mga manlalaro ay hindi mabagot sa paglalaro nito.

Konklusyon

Para sa mga huling impression sa laro, ang Laro Reviews ay nabighani sa simpleng fighting system nito at ang mahusay na karanasan sa paglalaro na inihahatid nito sa mga manlalaro. Ang mga developer ay dapat magdagdag ng ilang pampagana o feature upang gawin itong mas mapanghamon at nakakaaliw na laro.

Laro Reviews