Shadowverse CCG Review

Ang mahabang paghihintay ay nagtatapos na! Dadalhin ka ng Shadowverse CCG game sa isang mapanghamong labanan kontra sa iba’t ibang manlalaro mula sa buong mundo. Maghandang mabighani sa isang interactive na fictional card game na may napakahusay na anime-inspired na mga karakter! Subukan ang iyong talino sa pamamagitan ng pagbuo ng diskarte at paggamit ng iyong mga natatagong galing upang madaig ang iyong kalaban. Ikaw ay nakatuon lamang sa pag-knockout sa target at iuwi ang tagumpay kasama ang iyong mga paboritong karakter! Tangkilikin at ganap na maranasan ang husay ng larong Shadowverse CCG at makikita mo ang iyong sarili na lubos na nalilibang sa bawat round ng laro!

Ano ang layunin ng laro?

Bukod sa pagsasaya, ang mga manlalaro ay dapat magsikap na matalo ang kanilang kalaban upang manalo. Lubos na pinapayuhan ka ng Laro Reviews na magplano nang maayos sa bawat tira na iyong gagawin. Suriin ang mga card at itapon ang anumang mga spell card, hero, o iba pang card na pinaniniwalaan mong magdadala sa iyo sa tagumpay. Maaari mong simulan ang iyong kamangha-manghang pakikipagsapalaran at makatagpo ng maraming karakter na tiyak na magugustuhan mo. Maraming posibilidad ang maaaring mangyari rito. Ito ay tunggalian ng isip pati na rin ang pagpapakita ng mga kamangha-manghang kasanayan!

Shadowverse CCG Review

Paano laruin ang laro?

Ang isang manlalaro ay pipiliin ng random upang maunang tumira at ang parehong mga manlalaro ay kukuha ng tatlong card bilang panimula. Ang mga manlalaro ay maaaring pumili ng anumang card mula sa deck at palitan ang mga ito ng iba pang mga card na mula sa deck. Agad kang bubunot ng isang card sa simula kapag oras mo ng tumira. Ang pangalawang manlalaro ay tatanggap ng dalawang card sa unang turn nito. Mayroon kang isang “play point” dahil ito ang iyong unang pagkakataon. Gamitin ito para mag-deploy ng 1-point card, gaya ng Vanguard. Maliban kung mayroon silang kakayahan na Storm, ang followers ay hindi maaaring umatake.

Pagkakataon mo ng tumira ulit. Maaari ka na ngayong pumili ng isang 2-play point card o dalawang 1-play point card dahil makakakuha ka ng isa pang play point sa round na ito. Ang iyong followers ay handa na ngayong umatake. Ang followers ay may kakayahang salakayin ang alinman sa kalaban na pinuno o ang isa sa followers nito. Sa tuwing sinasaktan ng isang follower ang isa pa, pareho silang apektado. Kung ang hit ng kalabang follower ay lumampas sa proteksyon ng iyong follower, ang iyong follower ay mawawala at magiging isang anino. Maaari kang maglaro sa anumang kombinasyon na gusto mo.

Sa ika-5 round, nangangahulugang maaari ka ng mag-evolve ng isang follower. I-tap muna ito, pagkatapos ay may pop-up na lalabas. Ang mga nag-evolve na follower ay mas pinalakas ang istatistika o nakakuha ng mga bagong kasanayan. Kapag nag-evolve ang isang follower, nakakakuha ito ng kakayahang labanan ang mga follower ng kalaban sa parehong sandali na nilikha ito. Kung mauna ka, maaari kang bumuo ng dalawang follower sa isang laban. Maaari kang bumuo ng tatlong follower kung pumangalawa ka. Magsagawa ng masusing diskarte. Ito lamang ang mga pangunahing kaalaman na dapat mong matutunan. Kaya’t magpatuloy at simulan na ang iyong mahiwagang pakikipagsapalaran kasama ang iyong mga follower!

Paano i-download ang laro?

Shadowverse CCG Review

Ang mga kinakailangan para matagumpay na ma-download ang Shadowverse CCG sa Android devices ay dapat Android 5.0 o mas mataas pang bersyon ang gamit. Para sa iOS users naman, makukuha ito gamit ang iPhone 6s o mas mataas na iOS sa 9.0. Ang makukuhang space ng app para sa Android ay 94 MB at 3.7 GB naman para sa iOS.

Maaari ring i-click ang mga link sa ibaba upang mag-download:

Download Shadowverse CCG on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.cygames.Shadowverse

Download Shadowverse CCG on iOS https://apps.apple.com/us/app/shadowverse-ccg/id1091512762

Download Shadowverse CCG on PC https://www.bluestacks.com/apps/card/shadowverse-on-pc.html

Hakbang sa paggawa ng account sa larong Shadowverse CCG

  1. Hanapin ang anumang App Store na makikita sa inyong mga device.
  2. Hanapin ang bersyon ng larong Shadowverse CCG pagkatapos ay i-download at i-install ito.
  3. Buksan ang app at i-connect ito sa iyong Facebook o Google Play account.
  4. Ang data ng laro ay maiingatan o masi-save kung ili-link mo ito sa isang account.
  5. Maaari mo na ngayong umpisahan ang paglalaro ng Shadowverse CCG!

Tips at tricks sa paglalaro ng Shadowverse CCG

Ang laro ay sadyang kumplikado sa una, ngunit nagiging simple habang natutunan mo ang mga kaakit-akit na elemento nito. Lubos na ipinapayo ng Laro Reviews na dumaan ka sa isang tutorial upang lubusang matutunan ang mga mekaniks, panuntunan, at iba pang feature ng laro. Sa totoo lang, hindi mo makukuha ang mekaniks sa isang subok lang at agad na maunawaan. Kaya iminumungkahi namin sa iyo na matuto sa pamamagitan ng pagsasanay para makabisado ang laro.

Shadowverse CCG Review

Mayroon itong practice mode kung saan maaari kang magsanay kung naguguluhan ka pa rin. Magagawa mong maging pamilyar sa iba’t ibang mga card sa laro sa ganitong paraan. Panghuli, dapat kang bumuo ng isang malakas na deck ng mga card. Magagawa mong kontrahin ang iyong kalaban sa pamamaraang ito. Hindi lamang iyon, ang bawat hakbang na iyong gagawin ay dapat na isagawa alinsunod sa iyong diskarte. Ang mga simple at madaling alituntunin na ito ay magdadala sa iyo sa tagumpay. Kaya, good luck sa iyong pakikipagsapalaran, at huwag kalimutang magsaya.

Pros at cons sa paglalaro ng Shadowverse CCG

Ang Japanese aesthetic style ng Shadowverse CCG ay tiyak na magpapabilib sa iyo. Hindi ito ang iyong karaniwang larong fantasy card dahil naglalaman ito ng iba’t ibang hamon at kawili-wiling mga karanasan habang umuusad ka. Ang Shadowverse CCG ay ang pinakapinong mobile collectable card game na iyong malalaro online. Ang bawat klase ay may natatanging playstyle at mapagkukunan ay nagbibigay sa iyo ng maraming opsyon. Ang higit na nakapagtataka ay mayroon itong isang kakaibang evolution system. Siguradong magugustuhan mo ang paglalaro ng isang ito dahil naglalaman ito ng napakaraming nakakaintrigang feature na hindi lamang kukuha ng interes ng mga manlalaro kundi bibihag na rin sa kanilang mga puso. Ginagawa pa nila itong mas kakaiba sa pamamagitan ng mas nakaka-enganyong gameplay nito.

Kabilang dito ang pinahusay na graphics na nagbibigay-daan na gumana nang mas mahusay sa mas maliliit na screen ng device. Ang bawat karakter ay mabusising dinisenyo at detalyado. Ang iba’t ibang kapangyarihan ng bawat card ay talagang kahanga-hanga. Ang mga nakakamanghang epekto ng mga atake ay hindi napaka-astig, at ang sistema ng pakikipaglaban ay magandang nailapat sa buong laro. Ang pag-uusap sa pagitan ng mga karakter, ang kwento, at iba pang mga aspeto ay nakakaaliw at tiyak na aabangan mo ang mga susunod na aksyon.

Ang gameplay ay malinaw at madaling maunawaan. Kailangan mo lang magsanay para matutunan mo nang lubos ang laro. Ang tanging negatibong bahagi ng laro ay dapat mong ihanda ang memorya ng iyong storage device at magbigay ng mas maraming espasyo para sa karagdagang data na dapat mai-download. Ang isang de-kalidad na laro ay likas na nangangailangan ng mas malaking espasyo sa mga mobile device.

Konklusyon

Ang kwento ng Shadowverse CCG ay magdadala sa iyo sa isang mystical card fight kung saan kailangan mong mangolekta ng mga magaganda at malalakas na card. Bumuo ng isang diskarte para kontrahin ang iyong kalaban. Kung naghahanap ka ng isang bagay na mahirap ngunit kapanapanabik na laruin, para sa iyo ang Shadowverse CCG. Bilisan at maghanda na para lumaban!