Lumber Empire: Idle Tycoon – Kung gusto mo ng larong mapaglilibangan pero ayaw mo ng maraming controls o maglaro ng isang mobile app na kailangan mong laruin araw-araw para sa daily rewards, isa sa magandang i-download mo ay ang idle games. Kadalasan, ang kailangan mo lang sa idle games ay mag-manage ng isang negosyo at mag-upgrade ng mga gusali para mas bumilis ang iyong produksyon.
Ilang halimbawa ng idle games ay Farmville at Diner Dash dahil wala kang player na kailangang buuin dito. Ang tanging kailangan mo ay pumindot at maghintay. Maraming idle games ngayon online at kadalasan ang tanging pagkakaiba lamang ay ang uri ng negosyong kailangan mong palaguin. Kung gusto mong maging isang tycoon ng lumber mill, dapat mong subukan ang Lumber Empire: Idle Tycoon.
Sa Lumber Empire: Idle Tycoon, magsisimula ka sa isang maliit na sawmill hanggang sa maging ikaw ang maging may-ari ng pinakamalaking imperyo ng punong-kahoy. Masarap para sa ibang tao na magtrabaho at pumutol ng malalaking piraso ng punong-kahoy kaya kailangan mo ng makakatulong upang mabigyan ng kahoy ang mga customer mong umoorder nito.
Ang game developers ng Lumber Empire: Idle Tycoon ay creators din ng Idle Light City at Dragon Champions kaya makakasigurado kang pulido ang pagkakagawa sa larong ito. Kaya kunin mo na ang iyong chainsaw at simulan na ang pagiging lumberjack!
Game features
May ilang gusali, truck, at trabahador kang dapat makuha sa Lumber Empire: Idle Tycoon upang mas dumami ang kita ng iyong lumber mill. Para sa produksyon mo ng punong-kahoy, kailangan mo ng lumberjacks para pumutol ng mga puno. Sa kabilang banda, tree planters ang mga magtatanim ng puno para hindi makalbo ang kagubatan.
Samantala, kailangan mo rin ng mga sasakyan at equipment upang dalhin ang mga kahoy sa iba’t ibang lugar. Ang unang kailangan mo ay long truck na magdadala ng mga pinutol mong kahoy sa pabrika. Kasunod nito, kailangan mo ng forklifts na magdadala ng mga naputol na kahoy sa iba’t ibang processing machines na nasa loob ng pabrika.
At para mas bumilis ang usad ng iyong mga operasyon, kailangan mo ng managers. Ang mga managers ang mangangasiwa sa iba’t ibang seksyon ng sawmill. Kailangan mo ng manager para sa debarking, canting, resawing, storing, at sales. May mga super managers din na all-around ang pagmamando sa mga empleyado ng kumpanya.
May ilang seksyon rin ang sawmill mo sa Idle Tycoon. Una dito ang debarker kung saan inaalis ang mga sanga ng punong-kahoy na pinutol. Dito rin kinikinis ang mga puno. Sunod nito ang canting kung saan pinipino at pinipiraso ang mga punong-kahoy hanggang maaari na silang gawing pambenta sa mga customer mo.
At kapag natapos na ang pagpoproseso ng mga punong-kahoy, didiretso na ito sa packaging center. Para malaman mo kung gaano karaming punon-gkahoy na ang nabebenta ng iyong sawmill, pumunta lang sa statistics. At para naman dumami ang iyong benta, dumiretso lang sa sales department.
Saan maaaring i-download ang Lumber Empire: Idle Tycoon Review?
Upang mai-download ang laro, maaaring gamitin ang sumusunod na links:
- Download Lumber Empire: Idle Tycoon Review on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.lumber.inc
- Download Lumber Empire: Idle Tycoon Review on iOS https://apps.apple.com/us/app/lumber-empire-idle-tycoon/id1552153525
Tips at tricks para sa Lumber Empire: Idle Tycoon Review
Para mas dumami ang iyong kita sa Lumber Empire Review, dapat una mong paramihin ang bilang ng iyong lumberjacks at tree planters dahil dito nagmumula ang pangunahing resource mo, ang punong-kahoy. Matapos nito, unti-unti kang mag-upgrade at huwag kang matakot na maubusan ng pera dahil kikitain mo itong muli.
Hindi mo rin dapat kalimutan ang mga makina sa operasyon ng iyong sawmill. Kapag nagkaroon ka na ng sapat na lumberjacks at tree planters, agad mong i-upgrade ang iyong debarker at canting station. Ang dalawang makinang ito ang susi para magkaroon ka ng mabilisang kita kahit wala kang ginagawa.
Para naman sa mabilis na operasyon, lagi mong i-upgrade ang iyong forklifts. May mga pagkakataon ring matutulog ang iyong log truck at forklift kaya kailangan mo silang gisingin. Para maiwasan ito, bumili ng managers para iwasan na nilang matulog sa gitna ng trabaho. May icon na lalabas kung natutulog ang iyong mga drayber. Agad silang gisingin kapag nakita ito.
Kapag may pagkakataon kang manood ng ads, mainam na panoorin mo ang mga ito. Oo, nakakainis minsan ang ads pero kapag nanood ka ng ads sa Lumber Empire: Idle Tycoon, sobrang laki ng rewards na mapapasaiyo. Panonood rin ng ads ang tanging paraan kung gusto mong magkaroon ng managers sa larong ito nang walang binabayaran.
Lagi ka rin dapat kumuha ng mga order. Kapag kumuha ka ng mga order, ang tanging kailangan mo lang gawin ay maghintay na ma-deliver ang mga ito bago kumita ng malaking pera. Kumuha ka rin ng manager kapag posible. Managers ang mas nagpapabilis ng produksyon sa sawmill at naiiwasan nito na magkaroon ng mga tamad na trabahador.
Pros at cons ng Lumber Empire: Idle Tycoon
Kung mahilig ka sa idle games, magandang subukan ang Lumber Empire: Idle Tycoon at subukan ang iyong kakayahan na mag-manage ng mga tao. Isa sa mga nakakatuwang feature ng Lumber Empire ay makikita mo na nag-iiba ang mga makinang ginagamit ng iyong mga manggagawa kapag na-upgrade mo ang iyong mga makina.
Sobrang nakakatuwa rin na may mga ad ang laro pero opsyonal lang kung gusto mo itong makita o hindi. At kapag pinanood mo ang isa sa ads na ito, malaki ang rewards na makukuha mo na para bang ito ang pasasalamat ng game developers ng Lumber Empire dahil pinanood mo ang ads ng laro nila.
Related Posts:
Walking Zombie 2: Zombie Shooter Review
FPS Commando Shooting Games review
Wala ring isyu kung ordinaryo lang ang graphics na ginamit sa Idle Tycoon dahil isa itong idle game. Sapat na yung simple at consistent 3D design nito. Pagdating naman sa audio, sobrang realistic ng sound effects nito mula sa pinuputol na kahoy hanggang sa tunog ng makina na pumuputol nito.
Sa sobrang impluwensyal ang ganda ng larong ito, nagkaroon na ito ng isang subreddit. Sobrang nakakagulat ito para sa isang idle game. Katunayan, may mga memes na rin sa subreddit nito. At kung hindi ka madalas makapaglaro, pwede mong iwanan ang larong ito kung may managers ka at sa bawat pagkakataong bubuksan mo ang app, makukuha mo ang iyong kita.
Konklusyon
Sobrang simple lang ng Lumber Empire: Idle Tycoon sa lahat ng anggulo pero ito ang halimbawa ng katagaang “simplicity is beauty.” Hindi kailangan ng larong ito ng kumplikadong graphics o gameplay at maganda itong pampa-relax sa mga taong kaswal lang na naglalaro ng mobile games. I-download na ang larong ito at palakihin na ang iyong lumber empire!
Laro Reviews