Lords Mobile – Gamota Review

Sa kabila ng pagiging isang dark period sa kasaysayan, ang Medieval times ay naging tanyag sa entertainment industry. Maraming tao ang gustong maranasan ang buhay sa panahong ito dahil sa fictional characters at sa kanilang quests. Gayunpaman, hindi limitado ang mga ito sa pelikula at TV series. Maraming game developer ang gumagamit ng temang ito sa kanilang mga laro, at isa na rito ang IGG.COM. Ang kanilang larong Lords Mobile – Gamota ay isang MMORTS game kung saan gumagamit ka ng mga knight, archer, at iba pang character para labanan ang mga kalaban. Sa mga nakaraang update nito, lumawak ang gameplay at nadagdagan ang iyong mga gawain.

Magsisimula ka sa isang simpleng kaharian na may kaunting mga gusali, at ang mga kalaban na kinakaharap mo ay mas madaling talunin. Gayunpaman, lalo silang lalakas, kaya palakasin mo rin ang iyong heroes. Bukod dito, palawakin ang iyong teritoryo sa pamamagitan ng pag-explore ng mga lupain at pagtatatag ng higit pang mga istruktura.

Features ng Lords Mobile – Gamota

Heroes – Sila ang iyong playable characters sa Hero Stage na lalaban sa mga paparating na kalaban. Maaaring tumaas ang kanilang mga Rank hanggang ika-8 na level upang i-unlock ang kanilang skills, ngunit kailangan mong kumpletuhin ang kanilang equipment bago gawin ito. Kapag nakakuha ka ng sapat na medalya, magagamit mo ang mga ito para i-upgrade ang iyong heroes at pataasin ang kanilang stats.

Hero Stage – Ang game mode kung saan lalabanan ng iyong heroes ang mga kalabang NPC, at mas humihirap ang mga stage habang umuusad ka rito. Gayunpaman, kakailanganin mo ng stamina para malaro ito depende sa kung anong yugto ang iyong lalaruin.

World Map – Ang lugar sa labas ng iyong castle kung saan makikita mo ang mga monster camp, resource spot, at iba pang base ng players. Sa pamamagitan ng MMORTS mechanics nito, maaari kang umatake o mag-scout ng ibang mga kaharian.

Vergeway – Ang unang mode ng laro na maaari mong laruin habang nakakakuha ka ng iba’t ibang reward tulad ng coins at card upgrades. Ito ay isang tower defense game kung saan kailangan mong mag-deploy ng mga unit. Aatakihin nila ang kanilang mga kaaway hanggang sa sirain nila ang kanilang mga depensa at pabagsakin ang kanilang tore. Hindi tulad sa Hero Stage, ang mga card ay iyong mga playable unit.

Guild – Ito ay nag-uugnay sa players mula sa iba’t ibang bahagi ng mundo sa pamamagitan ng paglikha ng isang komunidad. Kapag sumali ka sa isang guild, maaari kang lumahok sa events tulad ng Guild Showdown at Guild Fest. Sa Send Help feature nito, bawat isa ay maaaring tumulong sa mga miyembro ng guild sa pamamagitan ng pagpapabilis ng kanilang mga gawain.

Saan pwedeng i-download ang Lords Mobile – Gamota?

Pumunta sa Google Play Store gamit ang iyong smartphone kung Android user ka o sa App Store kung iOS device naman. I-type ang Lords Mobile – Gamota sa search bar. Dahil libre ang laro, i-click at i-install ito at hintaying matapos ang download.

Narito ang mga link kung saan mo maaaring ma-download ang laro:

Download Lords Mobile – Gamota on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.igg.android.lordsmobilevn

Download Lords Mobile – Gamota on iOS https://apps.apple.com/vn/app/lords-mobile-gamota/id1471932438

Download Lords Mobile – Gamota on PC https://www.memuplay.com/vi/how-to-play-com.igg.android.lordsmobilevn-on-pc.html

Kung nais mong laruin ito sa PC, i-download muna ang MEmu Play emulator mula sa kanilang https://www.memuplay.com/ Kumpletuhin ang access na kinakailangan sa Google Play at mag-sign in gamit ang iyong account, at pwede mo nang i-download ang laro at maranasan ito sa PC.

Tips at Tricks sa Paglalaro

Ang Lords Mobile – Gamota ay may katulad na gameplay sa iba pang mobile games na itinatampok ng Laro Reviews sa mga nakaraang artikulo. Gayunpaman, maraming players ang nahihirapan sa pamamahala ng kanilang kaharian at pakikipaglaban sa kanilang mga kalaban. Kaya ito ang mga simpleng tip na makakatulong sa iyo sa laro.

Sumali sa isang guild.

Masyado bang matagal ang pagtatayo o pag-upgrade ng iyong mga gusali? Kung gayon ay humingi ng tulong sa iyong members na pabilisin ito. Malaki ang tulong ng Send Help feature nito, lalo na kapag ang iyong mga kasamahan sa guild ay nagtutulungan. Halimbawa, wala pang isang minuto bago ko na-upgrade ang aking Academy dahil tinanggap ng lahat ng miyembro ang aking mga request. Bukod dito, makakatanggap ka rin ng coins bilang gantimpala kung tutulungan mo sila.

Unahin ang mas malakas na card at bayani.

Magkakaroon ka ng maraming resources sa simula, kaya hindi ka magkakaroon ng anumang problema sa pag-upgrade ng mga unit. Gayunpaman, makakatanggap ka ng higit pang heroes at cards habang umuusad ka. Dahil dito, maaaring hindi mo magagamit ang lahat ng ito. Kaya iwasang i-upgrade ang lahat ng ito at gamitin ang mga resources para sa mas mahahalagang units.

Kumpletuhin ang mga quest.

Magtayo man ng dalawang barracks o magpagaling ng limampung sugatang troops sa Infirmary, palaging gawin ang mga gawain sa Quest. Nakatulong ito sa aking kaharian na maabot ang level 10 sa wala pang isang oras sa pamamagitan ng pagkolekta ng mga reward. Hindi ka mapapagod dahil hindi sila imposibleng makumpleto sa simula.

Ilipat ang iyong kaharian kung kinakailangan.

Ang shield ng iyong kaharian ay hindi magtatagal, at hindi mo ito laging mapoprotektahan. Kaya ang pinakamahusay na solusyon ay ang paghahanap ng lokasyong malayo sa base ng iba pang players. Bilang karagdagan, ang iyong bagong lugar ay dapat na malapit sa isang enemy camp o resource spot.

Pros at Cons ng Lords Mobile – Gamota

Malaking tulong ang mga tutorial para sa first time players na walang ideya kung ano ang gagawin sa laro. Naging malikhain ang developer dahil naglagay sila ng isang karakter tulad ng Clairvoyance na gagabay sa iyo, at ito ay tumutugma sa kanilang medieval theme. Gayunpaman, maaari itong maging inconvenient sa veteran players na nakapaglaro ng katulad na laro. Karamihan sa kanila ay lalaktawan ang kanyang dialogue dahil alam na nila kung ano ang gagawin.

Ang Account Settings ay hindi lamang nagbibigay ng rewards kapag na-link mo ang iyong account ngunit nakakatulong din sa iyong i-save ang iyong progress. Madaling gamitin ang feature na ito, lalo na kung gusto mong malaro ito sa ibang device. Sa halip na magsimula sa umpisa at ulitin ang proseso, kailangan mo lamang mag-log in sa iyong account at magpatuloy sa pamamahala sa iyong kaharian.

Hina-harass ka ba ng ibang players sa laro? O iniinis ka ba nila sa pamamagitan ng walang tigil na pagpapadala sa iyo ng mga mensahe? Hindi na ito magiging problema dahil maaari mo silang i-block. Dahil dito, mas makakapag-focus ka sa iyong laro.

Sa kasamaang palad, wala kang maiintindihan dahil ang bersyon na ito ay nasa Vietnamese. Maaari mo itong baguhin sa Ingles, ngunit magagawa mo lamang ito pagkatapos ng tutorial. Wala kang ideya kung ano ang nangyayari kung hindi ka nagsasalita ng nasabing wika. Bukod dito, ang laro ay hindi available sa Pilipinas.

Konklusyon

Mula sa lahat ng features hanggang sa gameplay nito, ang Lords Mobile – Gamota ay walang ipinagkaiba sa orihinal na English version. Tulad ng Lords Mobile: Tower Defense, susubok ito sa iyong pasensya sa pamamahala sa iyong kaharian at sa iyong galing sa paggawa ng strategy. Hindi ka magsasawa sa paglalaro nito dahil marami itong feature, at magiging abala ka sa mga quest nito. Kahit na ito ay isang fast-paced na laro, madaling makahabol ang ibang mga manlalaro. Gayunpaman, irerekomenda pa rin ng Laro Reviews ang orihinal na version dahil ang target players ng larong ito ay mula sa Vietnam.