Solitaire Enchanted Deck Review

Marahil ang ilan ay hindi interesado sa paglalaro ng solitaire games dahil ito ay nakakalito at mahirap. Gayunpaman, sa Solitaire Enchanted Deck, tiyak na mag-eenjoy ka habang natututo kung papaano maglaro ng solitaire, dahil hindi lamang ito isang simpleng card game, mayroon din itong kaabang-abang na kwento. Sundan sa larong ito ang misteryosong kwento ni Daniel Peregriff habang kanyang muling itinatayo at binabawi ang mga ari-arian ng kanyang pamilya. Maglaro bilang isang mayaman, reckless at masugid na manlalaro ng card. Tumuklas ng iba’t-ibang mga hamon, maglakbay sa iba’t-ibang parte ng mundo, at sa wakas lutasin ang misteryo sa likod ng pamilya ni Daniel. Ito ang perpektong laro na tiyak pupukaw sa iyong kagustuhan upang maglaro ng solitaire. Hatid sa inyo ng Laro Reviews, simulan nating tuklasin ang mundo ng Solitaire Enchanted Deck.

Solitaire Enchanted Deck Review

Layunin ng laro

Ang layunin ng larong ito ay i-clear ang bawat level ng laro sa pamamagitan ng pagsasagawa ng mga gawain at lituhin upang matalo ang mga masters sa isang paglalaro ng card. Upang magawa ito, dapat mong kolektahin ang mga enchanted card na nakakalat sa mesa nang hindi nauubos ang lahat ng mga card sa iyong deck, katulad lang din sa kung paano laruin ang solitaire sa totoong buhay. Bukod pa riyan, bibigyan ka ng ilang power-up upang mapataas ang iyong tsansang makumpleto ang bawat level. Laging tandaan, ang pangunahing layunin mo ay hindi upang kolektahin ang bawat card sa mesa. Sa halip ay tipunin ang lahat ng enchanted card upang makapagpatuloy sa susunod na mga level.

Ang Monetary System Sa pagkumpleto ng isang level, bibigyan ka ng mga reward na magagamit mo sa pagbili ng mga power-up at muling pagtatayo ng ari-arian ng pamilya ni Daniel.

Paano mag-download ng Solitaire Enchanted Deck?

Ang larong ito ay ginawa at binuo ng Mahjong Brain Games. Ang card game na ito ay kasalukuyang available para sa Android sa Google Play Store lamang at wala sa App Store. Gayunpaman, hindi mo kailangang mag-alala dahil maaari rin itong laruin sa pamamagitan ng PC gamit ang BlueStacks. Mag-sign in lamang sa iyong Google account. Gamitin ang paunang naka-install na Google Play Store at gamit ang search button, hanapin ang Solitaire Enchanted Deck.

Download Solitaire Enchanted Deck on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.onecmobile.solitaireenchanteddeck.google

Download Solitaire Enchanted Deck on PC https://www.fibonair.com/en/games/download-55046-solitaire-enchanted-deck

Solitaire Enchanted Deck Review

Tips at Tricks para sa mga Baguhan

Sa paglalaro ng larong ito, hindi kailangan ng anumang espesyal na kasanayan at kakayahan. Ang kailangan mo lang gawin ay sundin ang lahat ng mga instructions na ibinigay. Gayundin, hindi mo kailangang ma-pressure dahil ang larong ito ay idinisenyo bilang isang kaswal at pampalipas oras na laro lamang. Gayunpaman, kung bago ka sa larong ito, narito ang ilan sa mga mahahalagang tip at trick na tiyak na tutulong sa iyo sa pag-master ng larong ito. Ngayon upang magsimula, kailangan mong maging pamilyar sa pattern ng laro ng card na ito. Ang pattern ay ganito; 2-3-4-5-6-7-8-9-10-J-Q-K-A. Anumang ibinigay na numero na nag-flash sa iyong deck, o sa waste pile maaaring sundin ang pattern na ito, basta’t hindi mo laktawan ang alinman sa mga ito. Pwedeng maging arrangement ng cards mo ay mula sa pinakamataas na card pababa o baliktad, depende sa mga available na card. Sa pamamagitan ng pag familiarize sa pattern na ito, hindi ka malilito kahit na ang laro ay masyadong nakakalito at mas madali ka nang makakapaglaro. Matapos matutunan ang pattern, kailangan mong kolektahin ang mga enchanted card. Upang magawa ito, dapat mong alisin ang mga nakakalat na card sa mesa, hanggang sa matipon mo ang lahat ng mga enchanted cards nang hindi nawawala ang iyong mga natitirang card sa deck. Maaari ding gawin ang combo play sa pamamagitan ng pagtatapon ng magkakasunod na hanay ng mga card, posible lang ito kung hindi ka gumamit ng card sa deck. Sa combo play, maaari kang makakuha ng higit pang mga karagdagang puntos at mga bagong card sa iyong deck. Bukod pa riyan, kung magagawa mo ang gawain nang hindi ginagamit ang lahat ng card sa deck, bibigyan ka ng dagdag na puntos. Gayundin, ang laro ay may mga power-up na makakatulong sa iyo sa paglalaro. Nasa ibaba ang listahan ng mga power-up na ito.

Listahan ng Power-Ups:

Mundo – nagbibigay-daan sa iyong subukan o gawing muli ang iyong nakaraang paglipat.

Joker Bonus – maaari nitong ipagpatuloy ang daloy ng pattern, dahil maaari mo itong ilagay sa itaas gamit ang anumang card.

Flame Bonus – maaari mong alisin o sunugin ang anumang card sa mesa.

Clairvoyance – nagbibigay-daan sa iyong i-flip ang mga card sa mesa at sa deck, inilalagay ang mga ito nang nakaharap.

Karagdagang Bonus – nagbibigay-daan sa iyong magdagdag ng mga karagdagang card sa iyong deck.

Pros at Cons

Suriin natin ang laro at tingnan ang positibo at negatibong panig nito sa tulong ng Laro Reviews. Sa kabila ng pagkakaroon ng maraming kakumpitensya sa industriya, ang larong ito ay nag stand-out sa iba. Ang larong ito ay hindi lamang nag-aalok sa iyo ng isang klasikong solitaire play dahil dadalhin ka rin nito sa isang mystical na mundo na umiikot sa buhay ni Daniel Peregriff. Sa pamamagitan nito, maaari kang maglaro at maranasan ang mundo ng pantasya. Bukod pa riyan, ang Solitaire Enchanted Deck ay isang offline na laro, isang magandang laro para mawala ang stress mo kung mabagal ang iyong internet speed. Higit pa rito, araw-araw ay bibigyan ka ng limang (5) pagkakataong maglaro, na mag-e-expire kung hindi mo ma-clear ang isang level. Gayunpaman, bawat 30 minuto, bibigyan ka ng isa pang pagkakataon na maglaro muli. Sa pamamagitan nito, hindi mo kailangang mag-alala sa iyong oras, dahil ang larong ito ay napaka-perpekto para sa mga kaswal lamang na mga manlalaro. Bilang karagdagan, ang mga graphics ay napaka-aesthetic na may classical style. Ang color scheme na ginamit sa larong ito ay makulay na tiyak na aakit sa iyong mga mata upang laruin ito. Panghuli, ang pinakamagandang bagay na gusto kong i-point out ay ang larong ito ay magtuturo sa iyo ng mga life at logical lessons. Maa-appreciate mo ang kahalagahan ng pamana ng pamilya at ang kagandahan ng mathematics at logic sa pamamagitan ng larong ito. Kung sakaling nakakonekta ka sa internet, maaaring mag-pop up ang ilang advertisements pagkatapos ng isang level. Ang mga ads na ito ay minsan nakakainis at maaaring makagambala sa iyong paglalaro. Gayundin, ang sound effect ay lousy, na hindi tumutugma sa mamahalin at aesthetic na graphics nito. Sana sa susunod na pag-update ay mapahusay ang sound effects.

Konklusyon

Dadalhin ka ng larong ito sa mundo ng lohika at pantasya, na gigising sa iyong pagkamalikhain at logical thinking. Kaya naman ang larong ito ay swak na laruin kung nagpaplano kang mag-explore at subukan ang mga larong solitaire. Ito ay isang magandang laro upang mag-enjoy, matuto ng mga bagong bagay, at i-improve ang iyong isip. Maaaring masyadong nakakalito ang Solitaire Enchanted Deck sa simula, ngunit hangga’t sinusunod mo ang mga tip at trick, mabilis mong maka-kabisado ang laro. Ang larong ito ay lalampas sa iyong expectations mula sa isang simple at normal na solitaire games. Kaya, huwag ng aksayahin ang iyong oras, mag-download na at sabayan kaming i-explore ang nakakatuwa at kamangha-manghang card game na ito!