Defense Legend 4: Sci-Fi TD Review

Defense Legend 4 – Protektahan ang mundo mula sa pagsalakay ng Dark Force at huwag silang hayaang sakupin ang ating planeta. Tipunin ang iyong pinakamahuhusay na hukbo at talunin silang lahat. Pasabugin ang lahat ng mga kalaban at palakasin ang iyong pwersa gamit ang mahuhusay na sandata upang mas ganap nitong maprotektahan ang planeta mula sa banta ng Dark Forces. Ihanda ang mga armas, maghagis ng mga bomba o iba pang pampasabog upang harangan ang kanilang dinadaanan at pigilan ang mga ito sa paglapit sa iyong base. Kumander, nasa kamay mo ang susi para makaligtas ang planeta kaya bumuo ng isang madiskarteng plano para makamit ang tagumpay. Ang kapalaran ng mundo ay nasa iyong mga kamay!

Ano ang layunin ng laro?

Ang pangunahing layunin ng Defense Legend 4: Sci-Fi TD ay upang talunin ang boss at ang kanyang mga alagad. Ang Dark Forces ay magpapakawala ng isang malaking hukbo upang sirain at sakupin ang buong mundo. Hindi sila magdadalawang-isip na umatake upang ganap na makontrol ang planeta at makuha ang trono upang maging pinuno. Ikaw at ang iyong makapangyarihang mga hukbo ay dapat sumabak sa digmaan upang iligtas ang sangkatauhan. Makakatagpo ka ng iba’t ibang boss at kalaban sa ruta at tiyakin mo lamang na hindi sila kailanman makakapasok sa loob ng iyong mga base. Patuloy kang aatake sa kalaban habang sabay na ipinagtatanggol ang iyong mga nasasakupan. Halika at iligtas ang mundo mula sa pananakop ng Dark Forces!

Paano ito laruin?

Kung ikaw ay isang baguhang manlalaro, idadaan ka nito sa isang maikling tutorial para malaman mo ang mga pangunahing mekaniks na kailangan mong matutunan. Ito ay simple at madali lamang ngunit hahamunin ang iyong pag-iisip sa pagbuo ng isang mabisang diskarte upang matalo ang mga alagad ng Dark Forces. Makakakuha ka ng iba’t ibang armas at sasakyang panghimpapawid na gagamitin mo para atakehin ang mga boss at ang kanilang pwersa.

Dito ay matututunan mo kung paano ayusin ang iyong offensive force units sa digmaan. Bibigyan ka ng ilang armas na maaari mong gamitin para makapag-umpisa ng maglaro. Kapag pinindot mo ang mga armas sa ibaba ng screen, makikita mo ang mga slot na maaari mong paglagyan ng mga tangke, armas, o hukbo. Manggagaling ang mga kalaban mula sa iba’t ibang direksyon ngunit may hudyat kung saan sila manggagaling. Ang bawat level ay mayroong Waves kung saan yun ang bilang kung ilang labanan ang dapat mong kaharapin upang makakuha ng buong tatlong bituin at makatanggap ng rewards.

Kailangan mong makakuha ng kumpletong tatlong bituin upang makakuha ng access sa susunod na level. Maaari kang maghagis ng mga pampasabog tulad ng mga bomba na makakatulong sa iyo na matalo ang mga kalaban. Gayundin, maaari mong pagalingin o ayusin ang iyong mga armas kapag naubos na ang kanilang health bar. I-tap lang ang armas para i-upgrade ang mga ito, siguraduhin lang na mayroon kang sapat na pera para gawin ito. Maaari mo ring tanggalin o palitan ang mga ito ayon sa iyong diskarte, ang lahat ay nakadepende o nakasalalay sa iyo kung paano mo didiskartehan ang pakikipaglaban sa Dark Forces.

Paano i-download ang laro?

Ang mga kinakailangan para matagumpay na ma-download ang Defense Legend 4: Sci-Fi TD sa Android devices ay dapat Android 4.4 o mas mataas pang bersyon ang gamit. Para sa iOS users naman, makukuha ito gamit ang iPhone 6s o mas mataas na iOS sa 10.0. Ang makukuhang space ng app para sa Android ay 119 MB at 326.7 MB naman para sa iOS.

Maaari ring i-click ang mga link sa ibaba upang mag-download:

Download Defense Legend 4: Sci-Fi TD on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.Gcenter.DefenselegendX.TowerDefense.TD

Download Defense Legend 4: Sci-Fi TD on iOS https://apps.apple.com/us/app/defense-legend-4-sci-fi-td/id1588331753

Download Defense Legend 4: Sci-Fi TD on PC https://www.99images.com/apps/strategy/com.Gcenter.DefenselegendX.TowerDefense.TD/download

Hakbang sa paggawa ng account sa larong Defense Legend 4: Sci-Fi TD

  1. Hanapin ang anumang App Store na makikita sa inyong mga device.
  2. Hanapin ang bersyon ng larong Defense Legend 4: Sci-Fi TD pagkatapos ay i-download at i-install ito.
  3. Buksan ang app at i-connect ito sa iyong Google Play account.
  4. Ang data ng laro ay maiingatan o masi-save kung ili-link mo ito sa isang account.
  5. Maaari mo na ngayong umpisahan ang paglalaro ng Defense Legend 4: Sci-Fi TD!

Tips at tricks sa paglalaro ng Defense Legend 4: Sci-Fi TD

Huwag mag-alala, nandito ang Laro Reviews para tulungan ka dahil tiyak na magiging mas mahirap ang larong ito habang umuusad ka. Ang mga kalaban at ang kanilang mga hukbo ay magiging mas malakas habang nagle-level up ka. Ang iyong pangunahing alalahanin dito ay dapat na mapabuti ang mga katangian ng iyong armas. Ang mga ito ang humaharap sa mga kalaban kaya dapat na palakasin mo ang mga ito. Huwag mag-alinlangan na gamitin ang mga espesyal at paputok na bagay na maaaring makatulong sa iyo sa buong labanan. Matutulungan ka nito na matalo ang mga kalaban lalo na kung malapit sila sa sa iyong base.

Related Posts:

METAL SLUG ATTACK Review

D-Men: The Defenders Review

Tutulungan ka ng isang Special Force na kilala bilang SCARLET. Gamitin ito ng mabuti at pagbutihin din ito. Ang SCARLET ay lubhang kapaki-pakinabang sa lahat ng oras dahil maaari itong ilagay saanman sa digmaan. Hindi lang SCARLET ang maaaring mayroon ka rito; mayroong iba’t ibang mga Special Force na maaari mong i-unlock sa huli. Panghuli, dapat maingat na isaalang-alang kung saan mo ilalagay ang iyong mga armas. Dapat mong iposisyon ang malalakas na armas sa paligid malapit sa iyong base at sa tulong ng iyong special items at grupo ang mga kalaban ay hindi tuluyang makakapasok sa iyong base.

Pros at cons sa paglalaro ng Defense Legend 4: Sci-Fi TD

Ang Defense Legend 4: Sci-Fi TD ay nakatanggap ng maraming mahuhusay na review at reaksyon mula sa mga manlalaro nito. Walang alinlangan na dadalhin ka nito sa immersive na labanan sa pagitan ng iyong mga hukbo at ng Dark Forces. Ito ay isang masaya at interactive na laro upang laruin. Ito ay gumagana ng maayos sa buong laro at ang bawat elemento ay nakakatulong ng malaki sa pagganap ng laro. Nag-aalok ito ng kakaibang sistema ng pakikidigma at mga simpleng kontrol na madaling makabisado. Maaari mong laktawan na lamang ang tutorial kung gusto mo. Ang visual graphics ay mahusay na idinisenyo at ito ay nasa mas mataas na kalidad ng isang base strategy game. Dadalhin ka ng setting ng laro sa kakaibang karanasan kung saan lalabanan mo ang Dark Force. Ang lahat ay tila makatotohanan, lalo na ang mga boss sa bawat level na katulad ng mga nakikita sa mga pelikulang SCI-FI.

Pag-usapan natin ang sound effects ng laro. Ito ay hindi masyadong dramatiko o nagdaragdag ng intensity sa labanan. Ang mga tunog ay pangkaraniwan lamang na mga paputok na bagay na sumasabog sa mga eroplano o tangke, pati na rin ang mga ingay ng pagpapaputok ng baril. Ang sound effects ay hindi kakaiba, ngunit ito ay sapat upang bigyan ng kaunting papuri. Ang gameplay ay simple lamang. Madali ang paglalagay ng mga unit ngunit ang nakakapanghamon dito ay kung paano ka gumawa ng diskarte dahil lumalakas ang mga kalaban pati na rin ang pagdami ng kanilang populasyon sa bawat Wave ng level. Kahit na ang laro ay nakatanggap ng maraming positibong feedback, mayroon pa ring ilang mga bug at error na lumabas sa paglalaro. Mayroong mga ad na nakakaabala sa iyong paglalaro pati na rin ang mga maliliit na error. Ang mga developer ay dapat gumawa ng solusyon sa mga alalahaning ito.

Konklusyon

Sa pangkalahatan, ang Laro Reviews ay lubos na nabighani sa mga feature na ibinibigay nito sa mga manlalaro. Makakakita ka ng maraming kawili-wiling bagay dito, at hindi ito ang iyong tipikal na strategy game. Kumander, mainam na makabuo ka ng pinakamahusay na mga diskarte na maiisip mo para iligtas ang mundo!

Laro Reviews