Ang Solitaire Grand Harvest ay isang nakakaaliw na larong solitaire o solitaryo na may modernong twist. Ang larong ito ay ginawa at inilunsad ng Playtika Studio, isang game developer na nakabase sa bansang Israel. Ang kumpanyang ito ay kilala sa larangan ng mga casino-style at mga casual free-to-play na mobile games. Sa kasalukuyan sila ay may maraming mga aktibong manlalaro sa buong mundo.
Ang Solitaire Grand Harvest ay isang sikat na alternatibo para sa larong baraha na solitaryo. Ang layunin ng mga manlalaro dito ay ayusin ang nakabalasang set ng baraha sa apat na salansan ng magkakasunod, mula sa ace hanggang sa king. Ito ay isang nakakarelaks na laro, ngunit susubukan din nito ang iyong ng pasensya at kasanayan sa paglalaro.
Kung miss mo na ang paglalaro ng solitaryo at nais mong subukang laruin ito gamit ang iyong device, ang app na ito ang para sayo. Isa rin itong magandang alternatibo kung sakaling gusto mong matuto at maging mahusay sa larong ito. Mas mahahasa ang iyong kaalaman at kasanayan sa patuloy na paglalaro nito. Ang larong ito ay maaaring i-download ng libre sa mga Android at iOS na mga device. Hanapin lang ang app ng Solitaire Grand Harvest sa App Store o kaya naman ay sa Play Store.Kung gumagamit ka naman ng laptop o desktop, pwede mo itong laruin sa mga lehitimong gaming sites. Maaari mo rin itong i-download at i-install gamit ang isang emulator. I-click lamang ang mga sumusunod na link para kaagad na makapagsimulang maglaro.
- Download Solitaire Grand Harvest on iOS https://apps.apple.com/us/app/solitaire-grand-harvest/id1223338261
- Download Solitaire Grand Harvest on Android https://play.google.com/store/apps/details?hl=fil&id=net.supertreat.solitaire
- Download Solitaire Grand Harvest on PC https://www.bluestacks.com/apps/card/solitaire-grand-harvest-on-pc.html
Gabay para sa mga Baguhang Manlalaro
Kakailanganin mo ng account para makapaglaro sa Solitaire Grand Harvest. I-click lamang ang sign up button o kaya naman ay i-link ang iyong email address. Kumpirmahin ang pagpaparehistro sa pamamagitan ng verification link at umpisahan na ang laro!
Ang larong ito ay gumagamit ng TriPeaks solitaire, isang kumbinasyon ng dalawang uri ng larong solitaryo – ang Golf at ang Pyramid. Ito ay nakatuon sa kakayahan ng manlalaro na magamit ang mga mahalagang card. Ang laro ay may temang hango sa simpleng pamumuhay sa nayon. Sa bawat antas na iyong malalampasan, mananalo ka ng mga gems na pwede mong gamitin sa pagtatanim ng mga mga halaman. Ang mga ito ay maaari mong anihin sa kalaunan para sa karagdagang coins. Para ipanalo ang bawat antas kailangang maayos mo ang iyong mga kard sa pinakamabilis na paraan. Layunin mong maalis ang lahat ng baraha na nasa layout at maayos ito sa 4 na set o grupo ayon sa tamang pagkakasunod.
Bagamat ang iyong tsansa na manalo ay nakasalalay sa ayos ng mga kard, higit pa sa swerte lamang ang iyong kinakailangan. Sa tulong ng tamang diskarte, madadagdagan ang iyong tsansa na manalo. Kung bago ka pa sa lamang sa larong ito at kailangan mo pang ng karanasan, narito ang ilang mga tips na tiyak makakatulong sayo upang mahubog ang iyong kasanayan. At habang patuloy kang naglalaro maaari kang matuto at bumuo ng iyong sariling diskarte.
- Kailangan mong i-tap ang aktibong card upang maialis ito sa layout. Paalala lang, huwag magpapasya kaagad, pag-isipang mabuti ang iyong hakbang at tiyaking suriin muna nang mabuti ang set.
- Upang maiwasan ang pag-restart ng iyong kasalukuyang set, ituon ang iyong atensyon sa mga aktibong card bago galawin ang nakareserbang baraha. Sa bawat paglalaro ay kailangan kang magbayad ng gold coins kaya mas mabilis mong mauubos ang mga ito kung patuloy kang magre-restart ng partikular na antas.
- Mas mabisang alisin muna ang mga kard ng sunud-sunod upang madagdagan ang iyong mga aktibong kard. Ang pagkakaroon ng maraming mga aktibong kard ay may magandang epekto sa takbo ng iyong laro. Kaya sa tuwing kailangan mong pumili ng isang bagong baraha, isaalang-alang ang opsyong may potensyal na magpalabas ng mas maraming aktibong baraha.
- Ang bilang ng mga gold coins na iyong mapapanalunan ay nakabatay sa iyong marka o ratings pagkatapos ng laro. Hangga’t maaari, kailangan mong makakuha ng 2-star o 3-star rating upang mas madagdagan ang iyong premyo. Kapag mas maraming and mga bituin na nakuha mo, mas maraming mga crates din ang maaari mong mabuksan. Kailangan ng 8 bituin upang mabuksan ang isang crate. Bukod dito, ang pagkakaroon ng mga karagdagang gantimpala tulad ng mga boosters ay nakabatay din dito.
- Tandaan na ang bilang ng mga kard na naiwan sa iyong layout ay nakakaapekto rin sa dami ng gold coins na iyong matatanggap. Kaya kung maaari siguraduhing pinakakaunti lamang ang barahang maiiwan.
- Ang laro ay nagiging mas mahirap habang tumataas ang iyong antas. Kaya kailangang makaipon ka ng mas marami pang mga gold coins. Gumamit ng mga boosters na mura lamang kung sakali man at kung talagang kinakailangan lang.
- Pagsikapang alisin ang mas maraming baraha kung may pagkakataon para makagawa ng combo at magkaroon ng bonus rewards.
- Kung sakali mang maharap ka sa isang sitwasyon na kailangan mong pumili sa susunod mong galaw, piliin ang aktibong baraha na nabibilang sa pinakamaraming tumpok o ang baraha sa pinakadulong posisyon. Sa ganitong paraan, mas malaki ang posibilidad na makapagpalitaw ka ng mas maraming mga aktibong baraha.
Reviews ng Solitaire Grand Harvest
Sa pangkalahatan, ang Solitaire Grand Harvest ay may mataas na ratings. Nakatanggap ito ng 4.7 average star rating mula sa higit sa isang milyong mga review sa Google Play Store. Sa App Store naman, ito ay nakatanggap ng 4.8-average star rating mula sa mahigit 100,000 na mga reviews sa App Store. Ang larong ito ay talagang itinuturing na nakaka-enganyo at nakakahumaling ng karamihan. Ang reward system nito patas at kahanga-hanga. Bukod sa mga ito, ang mga ginamit na graphics at animation ay de-kalidad. Ang gameplay ay kakaiba at nakakaaliw.
Subalit, mayroon din itong ilang mga isyu. May mga manlalaro na inirereklamo coin system nito dahil kailangang gastos ng gold coins sa bawat paglalaro at paggamit ng power ups. Ang mga ito ay napakagastos at tila mapipilitan kang gumamit ng in-app purchase para makapagpatuloy sa paglalaro. Habang tumataas ang iyong antas ay tila nagiging halos imposible ng malampasan pa ang mga hamon.
Related Posts:
Free Vegas Casino Slots – Jackpot World™ Review
Bingo Blitz™️ – Bingo Games Review
Konklusyon
Hindi maipagkakaila na ang Solitaire Grand Harvest ay isang kahanga-hangang laro. Ang kakaiba nitong gameplay ay talagang nakakahumaling dahil ito ay galing sa dalawang uri ng konsepto. Hindi mo rin kailangang mahirapan ng husto kung ikaw ay baguhan sa larong ito dahil madali lang itong matutunan. Kung gusto mong ng isang nakakarelaks na mobile game na pwedeng laruin bilang pampalipas oras, ito ang swak para sa iyo.
Laro Reviews