Tavern Rumble: Roguelike Card Review

Ang Tavern Rumble: Roguelike Card ay isang offline, single-player game na inilabas noong Hulyo 28, 2019. Ang card game na ito ay mula sa Evrac Studio, isang Android game developer. Ang konsepto nito ay hango sa pinagsamang deck-building elements ng board games at gameplay ng roguelike games.

Upang makapag-level up sa larong ito, kailangang talunin ng mga manlalaro ang iba’t ibang halimaw na kanilang makakaharap sa bawat game match. Maaari silang gumamit ng mga hero units at iba’t ibang power-ups at boosters upang patayin ang mga halimaw at tuparin ang ultimate na layunin sa laro – ang maging pinakadakilang monster slayer!. Para magawa ito, kailangan nilang mangolekta game hero cards at bumuo ng nakakamanghang card combinations upang makagawa ng makapangyarihang hero units na makakatalo maging sa pinakamalakas na kalaban.

Paano I-download ang Laro?

Sa kasalukuyan, ang larong ito ay nasa beta testing stage pa lamang. Ito ay maaaring i-download sa Play Store para sa Android users. Sa kasamaang palad, ang app na ito ay hindi pa available sa App Store. Sa kabilang banda, kung nais mong laruin ito sa iyong laptop o desktop, maaari mong i-download ng app sa iyong computer device sa pamamagitan ng isang Android emulator. Para hindi ka na mahirapan pa, maaari mong gamitin ang mga sumusunod na link:

Download Tavern Rumble: Roguelike Card on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.Evrac.TavernRumble&showAllReviews=true

Download Tavern Rumble: Roguelike Card on PC https://napkforpc.com/download-sv1/apk/com.Evrac.TavernRumble/

Ultimate Guide para sa mga Manlalaro

Kung may plano kang subukan ang larong ito, may ilang mahahalagang bagay na dapat mong malaman. Ang Tavern Rumble: Roguelike Card ay maaaring laruin kahit walang internet connection. Hindi mo na rin kinakailangang mag-sign up o gumawa pa ng game account dito. Upang mas makilala mo pa ito, tutulungan ka ng Laro Reviews na malaman ang gameplay at features nito.

  • Gameplay

Kailangan mong talunin ang mga halimaw na naka-line up sa kanang bahagi ng battle board. Ang limang cards na maaari mong gamitin para rito ay makikita sa ibabang bahagi ng iyong gaming screen. Dapat mong i-drag ang bawat card na nais mong gamitin sa kaliwang bahagi ng battle board. Pagkatapos mong i-line up ang mga ito ng maayos, kailangan mong i-click ang End Turn button upang magsimula ang palitan ng atake. Tandaan na automatic na maglulunsad ang iyong hero units ng atake sa iyong kalaban.

Ang laro ay gumagamit ng linear type gameplay, ang ibig sabihin nito ay mas lumalakas ang iyong mga kalaban habang ikaw ay nagli-level up. Sa tuwing ikaw ay magsi-set ng iyong line up, kailangan mong ring i-check ang iyong mana dahil dito nakabatay ang bilang ng cards na dapat mong piliin. Para malampasan ang bawat level, kailangan mong mapuksa lahat ng mga halimaw na nasa kabilang board. Tandaan na iwasang maubos ang iyong HP dahil kapag nangyari ito, ikaw ay matatalo at kinakailangan mong i-restart ang level.

  • Game Cards

Ang game cards na ginagamit sa larong ito ay may iba’t ibang uri: unit cards, spell cards, at expansion cards. Ang unit cards ay ang hero units na nakikipaglaban sa mga kaaway. Ang mga ito ay nagtataglay ng defense at attack abilities. Ang unang unit card na pwede mong gamitin sa simula ay ang pinakabasic sa lahat, ang Knight of Pentagon. Habang nagpapatuloy ka sa laro, pwede mong i-unlock at gamitin ang malalakas na unit cards. Tandaan na maliban sa pagkakaroon ng malalakas na uri ng unit cards, mahalaga rin ang tamang pag-line up ng mga ito sa battle board.

Ang spell cards ay nagbibigay ng karagdadag abilities sa hero units. Itinuturing din ang mga itong power-ups at boosters sa laro. May mga pagkakataong lumalabas sa deck ang spell cards, kaya’t huwag palampasin ang pagkakataong gamitin ang mga ito upang palakasin ang iyong hero units.

Ang expansion cards naman ay ginagamit upang dagdagan ang kakayahan at kapangyarihan ng iyong game cards. Ang mga ito ay nagdudulot din ng karagdagang pinsala sa mga kaaway.

  • Deck List at Quests

Sa itaas na bahagi ng iyong gaming screen ay makikita mo ang dalawang game icons: ang Quests at ang Deck list. Ang Deck list ay naglalaman ng listahan ng game cards na maaari mong gamitin sa bawat labanan. Maaari kang maghanda ng hanggang 10 game cards. Tandaan na kailangan mong i-check at i-update ang iyong deck list.

Upang makakuha ng karagdagang coins at gems, kailangan mo ring i-click ang Quests icon upang makita ang listahan ng missions na kailangan mong tuparin.

  • Card Shop

Makakatanggap ka ng coins o life points kapalit ng mga halimaw na iyong mapupuksa. Ang coins ay maaari mong gamiting pambili ng special cards mula sa Shop. Ang mga ito ay ginagamit upang mas palakasin pa ang iyong hero units. Kung sakali mang kailanganin mo ng karagdagang coins, maaari kang maglaro online at manood ng ads.

Pros at Cons Tavern Rumble: Roguelike Card

Isa sa mga kahanga-hangang aspeto ng roguelike, deck-building game na ito ay ang nakakahumaling nitong gameplay. Ang haba ng bawat game match ay tamang-tama lang. Nakakaaliw rin ang mga natatanging game cards na tampok dito dahil hindi mo ito karaniwang makikita sa ibang larong nabibilang sa parehong genre. Mahusay din ang execution ng linear gameplay nito at talagang kakaiba ang card combo features. Ang game mechanics nito ay madaling maintindihan at matutunan at ang game controls ay gumagana ng maayos. Higit sa lahat, kahit na ang gameplay nito ay simple at eksklusibong idinisenyo para sa solo gaming, challenging pa rin ito at hindi boring.

Sa kabilang banda, marami pa rin namang kailangang baguhin sa larong ito. At dahil nga sa kadahilang ito ay nasa beta testing stage pa lang, tiyak na marami pang mga mababago dito. Sa kasalukuyang kondisyon, ang game app ay puno ng bugs na nagdudulot ng madalas na glitches at lags. At dahil hindi mo na kailangan pang gumawa ng game account dito, wala ring paraan para mai-save ang iyong game progress. Kung sakaling gusto mong maglaro gamit ang ibang gaming device, kailangan mo talagang magsimula muli. Napakahirap din makakuha ng gems sa larong ito. Ang graphics, animation at effects na ginamit dito ay masyadong simple at may mababang kalidad.

Konklusyon

Kahit na Ang Tavern Rumble: Roguelike Card ay nasa beta testing stage pa lang, ito ay nakakuha ng average rating na 4.0 stars mula sa mahigit 5,000 reviews sa Play Store. Hindi maikakaila na marami pa talagang mga aspetong dapat baguhin at ayusin dito subalit, masasabing napakalaki ng potensyal nito. Sa kabuuan, kung ikaw ay mahilig sa mga roguelike, deck-building games tulad nito, inirerekomenda ng Laro Reviews na abangan at subukan mo ang official version ng laro.