Alam mo bang kung kailan at paano nagsimula ang car racing? Kung hindi pa, pahapyaw nating balikan ang kasaysayan tungkol sa larong ito. Ang automobile racing o mas kilala sa tawag na motor racing ay nagsimula nang maimbento ang gasoline-(petrol-)fueled internal-combustion engine noong 1880’s. Naitala naman ang unang automobile competition noong 1894, na nagsimula sa Paris hanggang sa Rouen, France. Simula noon, nakilala na ang motor racing at patuloy na lumago sa mas makabagong bersyon ngayon.
Ngayon, naimbento na rin ang mga ganitong laro na pwede mong i-download sa Google Play Store. Maaari mo nang maranasang mag-car racing gamit ang iyong device. Ito ay nilikha ng Mobirate at opisyal na inilabas noong taong 2020, ang Big Rig Racing: Drag Racing. Sigurado akong magugustuhan mo rin ang larong ito gaya ng ibang manlalaro.
Ang Big Rig Racing: Drag Racing ay isang racing game na may single-player mode. Ang konsepto ng larong ito ay iba sa karaniwang karera ng sasakyan na alam ng lahat. Bukod sa kotse at motor, maaari ka na ring makapaglaro ng racing game gamit ang mga malalaking truck. Tiyak akong hindi mo pa nasusubukan ang larong ito. Kaya ano pang hinihintay mo, laruin mo na ito.
Features ng Big Rig Racing: Drag Racing
Game modes – Mayroong iba’t ibang game modes ang Big Rig Racing: Drag Racing. Maaari kang maglaro ng Career mode, Tournament, Race o High stakes mode. Pumili lang ng mode depende sa nais mong laruin. Subukan ang lahat ng game mode upang matuklasan ang laro.
Daily tasks – Sa larong Big Rig Racing: Drag Racing, mayroon ka ring misyong dapat isakatuparan habang ikaw ay nakikipagkarerahan. Isagawa ang iyong layunin sa paglalaro upang makakuha ng bonus points at coins na magagamit mo sa laro.
Customize trucks – Maaari mong i-customize ang iyong napiling sasakyan depende sa nais mong pagkakabuo nito. Malaya kang ayusin ang mga truck na ginagamit mo sa laro kung gusto mong baguhin o i-upgrade ang ilang bahagi nito. Kahit baguhin mo ang paintwork, wheels, headlights, mirrors at iba pang parte ng sasakyan ay pinapayagan sa larong ito.
HD Graphics – Ang larong ito ay mayroong mahusay na disenyo ng graphics. Malinaw at maayos ang pagkakalapat ng visual effects na ginamit sa laro. Pati na rin ang disenyo ng mga malalaking truck ay nakabase sa totoong itsura nito. Kaya naman mataas ang kalidad ng larong Big Rig Racing: Drag Racing.
Saan pwedeng i-download ang Big Rig Racing: Drag Racing?
Kung nais makuha ang larong ito, narito ang mga link ng laro. I-click lamang ang mga link sa ibaba para i-download ang laro depende sa ginagamit na device:
Download Big Rig Racing: Drag Racing on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.mobirate.bigrig Download Big Rig Racing: Drag Racing on iOS https://apps.apple.com/us/app/big-rig-racing-truck-drag-car/id1480028407 Download Big Rig Racing: Drag Racing on PC https://www.bluestacks.com/apps/racing/big-rig-racing-on-pc.html
Para ma-download ang laro, kailangan mo ng data o internet connection para makuha ito. Pagkatapos, i-click lamang ang link, pindutin ang Install button at hintaying umabot sa 100% ang pagda-download. Kapag tapos na ito, maaari mo nang buksan at laruin ang Big Rig Racing: Drag Racing.
Tips at Tricks kung Nais Laruin ang Big Rig Racing: Drag Racing
Para sa mga bago at nagnanais na laruin ang Big Rig Racing: Drag Racing, narito ang ilang tips mula sa Laro Reviews na siguradong makakatulong sa iyo.
Kung ikaw ay bagong manlalaro ngunit hindi alam kung paano magsisimula, mayroong gabay para sa iyo sa umpisa ng laro. Sundin lamang ang mga itinuturo at basahing mabuti ang sinasabi sa direksyon. Kapag nalagpasan mo na ang tutorial stage, magkakaroon ka na ng ideya kung tungkol saan ang larong ito at mabilis mo nang maiintindihan kung paano laruin ang Big Rig Racing: Drag Racing.
Sa paglalaro ng Big Rig Racing: Drag Racing, kailangang mayroon kang kaalaman sa pagpapatakbo ng sasakyan. Ituturo naman sa larong ito ang simpleng paraan para mapaandar mo ang truck. Bagama’t nakatapos ka na sa tutorial stage, mayroon pa ring magbibigay sa iyo ng simpleng paalala kung kailan mo dapat paandarin ang sasakyan. Hindi ka na mahihirapan at malilito habang nagsisimula ka pa lang aralin ang larong ito.
Dagdag pa rito, maaari ka ring gumamit ng iba’t ibang estratehiya sa pakikipagkarera na makatutulong sa iyong paglalaro. Sa ganitong paraan, posible kang manalo laban sa iyongkatunggali. Nakasalalay sa istilo ng iyong paglalaro ang pagkapanalo mo sa bawat laban. Kaya naman, ibigay lahat ng iyong makakaya upang makuha ang tagumpay.
Maaari ka ring mag-customize ng sasakyan sa laro depende sa nais mo. Malaya kang baguhin ang paint work, wheels, tubes, lights, cabine, mirrors at bumpers. Pinahihintulutan rin ang pag-upgrade ng mga item sa laro upang mas tumatag at tumibay ang iyong kagamitan. Kabilang dito ang transmission, turbo, headlights, engine, intake at iba pang bahagi ng sasakyan.
Pros at Cons ng Big Rig Racing: Drag Racing
Para sa Laro Reviews, nakalalamang ang Big Rig Racing: Drag Racing sa ibang racing game pagdating sa kakaibang konsepto ng laro. Imbes na kotse o motor ang ginamit na sasakyan sa laro ay malalaking truck. Isa ito sa kagandahan ng laro dahil hindi ito karaniwang racing game na makikita mo sa Google Play Store. Kaya marami ang nahihikayat na laruin ito hanggang ngayon. Mahusay rin ang pagkakagawa ng graphics at visual effects ng laro dahil inihalintulad talaga ito sa totoong mga sasakyan. Pati na rin ang background music at sound effects na ginamit sa laro ay bumagay para sa isang racing game.
Dagdag pa rito, nakatanggap rin ang larong ito ng iba’t ibang reviews sa Google Play Store. Ayon sa mga komento, nagustuhan nila ang kabuuang graphics ng laro at disenyo ng mga sasakyan. Ipinahayag rin ng iba na madali lang din daw nilang natutunan kung paano ito laruin. Masaya rin daw itong laruin at nagustuhan nila ang gameplay nito. Mayroon din namang problemang nararanasan ang mga manlalaro sa larong ito. Nagiging paulit-ulit na lang daw ang ilang bahagi ng laro kaya ang iba ay nababagot na rito. Mayroon din daw silang naranasang pag-crash at lag habang sila ay naglalaro nito. Nagpaabot rin ang mga manlalaro ng magandang suhestiyon upang mapaganda pa ang laro.
Samantala, nagbigay naman ng komento ang developer ng Big Rig Racing: Drag Racing. Humingi sila ng paumanhin sa mga nakararanas ng problema at tinanggap ito upang mas mapabuti ang laro. Naging bukas ang Mobirate sa mga komento ng manlalaro at kinuha itong oportunidad para mas mapahusay pa ang kanilang trabaho.
Sa larong ito, maaari ka ring bumili ng mga in-app na produkto gamit ang tunay na pera. Ang mga item na ito ay nagkakahalaga ng ₱57 hanggang ₱5,900 kada item. Pwede mo namang i-disable ang feature na ito at i-off sa iyong setting ang in-app na pagbili kung ayaw mong gumastos.
Konklusyon
Sa ngayon, mayroong itong 4.7 stars out of 5 ratings sa Google Play Store, at may mahigit 58,000 reviews. Umabot na rin sa mahigit 1 milyon downloads ang nakuha ng larong ito. Kaya kung gusto mong masubukan ang kanilang bagong update at malaman ang iba pang impormasyon tungkol dito, i-download mo na sa iyong devices ang Big Rig Racing: Drag Racing!