Monsters: Laboratory Review

Minsan mo na bang pinangarap na maging isang scientist at magkaroon ng sarili mong laboratoryo? Pwede mo nang masubukan ito sa pamamagitan ng paglalaro sa iyong device. Sigurado akong magugustuhan mo ang kakaibang larong nilikha ng playducky.com, ang Monsters: Laboratory.

Ang Monsters: Laboratory ay isang arcade game na may kakaibang kwento at konsepto. Kung hindi ka pamilyar sa kung ano ang arcade game, pahapyaw natin itong alamin. Ang arcade game ay isang fast-paced action game na kailangan ng hand-eye coordination skill upang malaro ito. Sa larong ito, mayroong iba’t ibang hamon kang haharapin.

Sa larong Monsters: Laboratory, ikaw ay isang scientist na mayroong sariling laboratoryo na gumagawa ng mga kakaibang nilalang o halimaw. Mas maraming nagawang produkto, mas mataas ang gantimpalang makukuha. Kaya naman sa larong ito, hindi ka lang magiging scientist kundi ikaw ay magiging isang magaling at mayamang dalubhasa sa agham.

Subukan ang larong ito upang madiskubre ang iyong husay sa paglalaro ng arcade game. Ipakita ang iyong natatagong galing sa pagiging isang scientist. Tiyak akong magugustuhan mo rin ang larong ito katuad ng ibang mga manlalaro.

Para mas lumawak pa ang iyong kaalaman tungkol sa larong ito, basahin ang buong artikulo. Narito ang ilang features, tips at tricks, pros at cons ng larong ito na sigurado akong makatutulong sa iyo.

Features ng Monsters: Laboratory

HD Graphics – Ang Monsters: Laboratory ay mayroong maayos at malinaw na graphics. Ang mga elemento na ginamit sa laro ay kaunti lang subalit mas mabilis mong mauunawaan ito. Maganda rin ang kulay na ginamit at ang disenyo na inilapat para sa konsepto ng larong tungkol sa isang scientist at ang kanyang laboratoryong para sa mga halimaw.

Easy controls – Madali at simple lang kontrolin ang larong ito kaya naman hindi ka mahihirapang intindihin ito. Mayroon isang pattern lang itong sinusundan pagdating sa pagkontrol kapag ikaw ay naglalaro na. Tiyak akong mabilis mo itong mauunawaan kapag nasubukan mo na itong laruin.

Offline game – Ang Monsters: Laboratory ay maaari mo ring laruin ng offline. Ibig sabihin hindi mo na kailangan ng data o internet connection para malaro ito. Kaya kahit nasaan ka man o anong oras mo ito nais laruin ay pwede mong gawin.

Free download – Bukod sa offline game ang larong ito, ang Monsters: Laboratory ay libre mo ring makukuha sa Google Play Store at maaari mo ring i-download sa iyong personal computer. Hindi mo na kailangang gumamit ng tunay na pera upang malaro mo ito.Ito ay ilan lang sa mga feature ng laro na dapat mong malaman. Upang malaman pa ang tungkol dito, mas mainam kung ikaw na mismo ang maglalaro para matuklasan mo ang iba pang detalye ng larong ito.

Saan pwedeng i-download ang Monsters: Laboratory?

Kung nais makuha ang larong ito, narito ang links ng laro. I-click lamang ang mga nasa ibaba para i-download ang laro depende sa ginagamit na device:

Download Monsters: Laboratory on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=team.teagames.monsterslaboratory Download Monsters: Laboratory on PC https://www.memuplay.com/how-to-play-team.teagames.monsterslaboratory-on-pc.html

Para ma-download ang laro, kailangan mo ng data o internet connection. Pagkatapos, i-click lamang ang link, pindutin ang install at hintayin umabot sa 100% ang pag-download. Kapag tapos na ito, maaari mo na itong buksan at laruin.

Tips at Tricks kung nais Laruin ang Monsters: Laboratory

Para sa mga bago at nagnanais na laruin ang Monsters: Laboratory, narito ang ilang tips mula sa Laro Reviews na siguradong makakatulong sa iyo.

Kung ikaw ay bagong manlalaro, mayroong gagabay sa iyo kung ano ang mga dapat mong gawin. Sundin lamang ang itinuturo at basahin ang sinasabi sa direksyon. Ito ay para mas mabilis mong maunawaan ang daloy ng laro at maging pamilyar ka rito. Kapag nalagpasan mo na ang tutorial stage, magkakaroon ka na ng ideya kung paano laruin ang Monsters: Laboratory.

Simple lang ang mechanics ng larong ito. Kailangan mo lang tignan kung anong kulay ang dapat mong ilagay sa mga taong papasok at ibigay sa kanila ito upang sila ay mag-ibang anyo. Mayroong dalawang kulay kang makikita, ang pula at ang asul. Kumuha lang ng pula o asul na produkto at ibigay ito ayon sa hinihingi ng mga tao. Pagkatapos mo itong ibigay, makikita mo ang pagbabago anyo nila at kapag natapos na ang proseso nila na maging isang halimaw makakakuha ka ng pera mula sa mga ito. Paulit-ulit lang ang proseso ng laro hanggang sa dumami at lumaki na ang iyong laboratoryo.

Sa paglalaro ng Monsters: Laboratory, kailangan mo ring gumamit ng estratehiya at pamamaraan upang mas mabilis mong magawa ang iyong misyon at makuha mo ang tagumpay. Tandaan, nasa istilo pa rin ng iyong paglalaro nakasalalay ang tagumpay mo sa laban.

Pros at Cons sa paglalaro ng Monsters: Laboratory

Para sa Laro Reviews, ang Monsters: Laboratory ang isang magandang libangan para sa mga naghahanap ng simple at madaling matutunan na laro. Hindi ito kumplikado tulad ng ibang mga arcade game dahil mabilis mong mauunawaan ang gameplay ng laro.

Kahit simple lang ang mechanics ng laro, masisiyahan ka pa rin sa paglalaro nito dahil habang tumatagal, mas dumadami at lumalaki ang iyong kinikitang pera. Kapag mas madami ka ng pera na nakolekta, lalago ang iyong laboratoryo at lalaki ang espasyo nito para sa iyong eksperimento.

Dagdag pa rito, maganda rin ang mga review na natatanggap nito sa Google Play Store. Ayon sa mga komento, nagustuhan nila ang laro at nais pa nila itong madiskubre pa. May iba namang nagkomento na ito raw ang paborito nilang idle game at nagbigay ng mungkahi na dagdagan pa ang feature ng laro. Marami ang nasiyahan sa larong ito at binigyan nila ito ng 5 stars rating. Subalit isinaad naman ng ibang manlalaro ang pagkadismaya nila sa dami ng ads na lumalabas kahit hindi sila nakakonekta sa internet. Ito ang dahilan upang maabala at mainis ang mga manlalaro. Nagkakaroon din daw ng lag habang sila ay naglalaro.

Naglabas naman ang Monsters: Laboratory ng kanilang bagong update at nakatala rito na inayos na nila ang mga bugs na nararanasan ng mga manlalaro. Naglagay rin sila ng bagong nilalaman sa laro at pinaunlad ang ilang bahagi nito.

Ang larong ito ay maaari ring laruin ng mga batang edad tatlo pataas dahil wala itong anumang nilalaman na nakakaapekto sa isipan ng isang indibidwal. Tiyak akong magugustuhan rin itong laruin ng mga kabataan at kahit ng mga matatanda.

Konklusyon

Ang larong ito ay mabilis lang i-download sa mga devices dahil mayroon lang itong 60MB. Ngayon, mayroon din itong 4.0 stars out of 5 na ratings sa Google Play Store. Umabot na rin sa mahigit 1 milyong downloads ang larong ito kahit bago pa lang itong inilabas. Kaya kung gusto mong masubukan ang kanilang bagong update at malaman ang iba pang impormasyon tungkol dito, i-download mo na sa iyong devices ang Monsters: Laboratory!