Ang Blue Kazoo Puzzles ay isang brand ng mga puzzle na makikita mo online. Ito ay pinamamahalaan ng dalawang magkaibigan na sina Abraham Piper at Josh Sowin. Maaari mong bisitahin ang mismong site nito upang makita ang iba’t ibang puzzles na mayroon sila para sa mga customer. Sila ay nakatuon sa 1,000 pieces na Jigsaw Puzzle kaya asahan mo na ang lahat ng produkto nila ay mayroong 1,000 pieces. Siguradong malilibang ka nang husto sa pagbuo nito at sobrang saya sa pakiramdam oras na matapos mo ang ganito karaming jigsaw puzzle. Natitiyak din naming magugustuhan mo ang bawat disenyo nito dahil lahat ng ito ay unique at maaari mo pang i-display sa inyong mga tahanan. Kaya kung gusto mo pang alamin ang iba pang detalye, patuloy lamang na basahin ang artikulong ito.
Best Sellers ng Blue Kazoo Puzzles
Samahan ang Laro Reviews na alamin ang mga best seller puzzle nito. Ito ang mga produktong tinangkilik ng maraming tao at pwede mong pagbasehan kung sakaling mapagdesisyunan mo nang bumili nito. Kaya, eto na at babanggitin na namin ang mga best seller puzzle:
- Earth – Sigurado kaming pamilyar ka sa imahe ng puzzle na ito. Isa ito sa mga sikat na imaheng makikita mo. Ito ay mayroong 1,000 pieces na round jigsaw puzzle. Mayroong itong pinakamataas na resolution na imaheng binubuo ng parehong eastern at western hemisphere.
- Tessellated Triangles – Isang makulay na koleksyon ng mga kulay at nagbibigay ng kapakipakinabang na “hints”, ang isang ito ay isang pinakamainam na kumbinasyon ng mapanghamon at nakakarelaks na puzzle. Ang mga tatsulok ay 20×30 pulgada kapag nakumpleto.
- Starry Wave – Ang kanilang pinakabagong puzzle ay isa rin sa pinakasikat. Isang fine art mashup ng Starry Night at The Great Wave. Ang puzzle na ito ay napakagandang tingnan at sadyang nakatutuwang pagsama-samahin o buuin. Ang Starry Wave ay mayroon 20×30 pulgada kapag nakumpleto ang 1,000 pirasong jigsaw sa premium board. Malutong, makulay, high resolution ang kalidad ng imahe. May kasamang poster na 2:1 bilang reference mo.
Bukod sa tatlong nabanggit, may mga available pang ibang 1,000 pieces na jigsaw puzzle na maaari mong tingnan. Ito lamang ang ilan sa mga produkto nila na mabenta at tinangkilik ng maraming customers. Sa katunayan, lahat naman ng ito ay may magandang kalidad at natitiyak naming hinding-hindi ka madidismayang subukan ito.
Sulit nga ba ang Blue Kazoo Puzzles?
Ito ang tanong na marahil pumapasok sa inyong isipan. Kung “worth it” o “sulit” ba itong bilhin. Para sa amin, oo ang sagot. Bakit? Dahil sa kalidad palang ng mga imahe ay sulit na sulit na. Oo, may kamahalan ang Blue Kazoo Puzzles ngunit binawi naman ito sa kalidad at magagandang features nito. Ang mga imahe ay talagang pinag-isipan at detalyado. Kung mahilig ka sa mga planeta, kalawakan, mga magagandang kagubatan, mga pattern, marahil ay magugustuhan mo talaga ito. Napaka-unique at maganda silang i-display. Nakaw-tingin talaga ang itsura nito at napakaaliwalas sa paningin.
Ang presyo ng Blue Kazoo Puzzles ay umaabot ng ₱1,943.80 hangang ₱4,859.49 ($35- 87.5). Mayroong itong mga gift set kaya mas makakatipid ka roon kaysa sa isang puzzle lang. Ngunit nasa iyo pa rin kung ano ba ang gusto mo. Kung hindi ka pa rin kumbinsido ay maaari mong basahin ang mga review ng ibang mga customer na bumili na ng puzzle rito. Karamihan doon ay mga positibong feedback o halos lahat ay magaganda ang ibinigay na komento sa produkto.
Pros at Cons ng Blue Kazoo Puzzles
Sa seksyon na ito ay talakayin naman natin ang pros at cons nito. Sa totoo lamang nahihirapan kaming tukuyin ang cons sa produktong ito. Marahil sa iba ay may kamahalan ito para lamang sa isang puzzle ngunit kung iisipin mo naman ang kalidad nito ay bawing-bawi naman talaga. High resolution ang bawat imahe kaya para naman talagang makatotohanan kapag tinignan mo. Sobrang ganda nitong isabit sa pader at pagmasdan ang ganda nito at makita ang bunga ng hirap mo sa pagbuo.
Karamihan sa puzzle ay mga planeta, hugis, o kapaligiran. Maaari mong bisitahin ang site nito mismo, i-click lamang ang link nito at idederekta ka na nito agad sa store/shop nito: https://bluekazoo.games/. Ang brand ay sobrang ganda, maraming customer na ang pumuri sa ganda ng kalidad nito. Nakakarelaks at mapanghamon ang pagbuo ng bawat puzzle. Kaya maganda rin itong maging libangan. Matutuwa ka sa tuwing makikita mo ang progress mo sa pagbuo.
Siyempre, ito ay angkop sa lahat ng edad. Maganda ito, hindi lamang sa mga matatanda, kundi pati na rin sa mga bata. Mayroong itong reference kaya huwag kang mangamba na hindi mo ito mabubuo. Pagdating naman sa packaging, sobrang ganda rin nito. Makikita na ang cover nito ay itsura rin mismo ng bubuuin mo. Maliit na box lang ito kaya kumportableng bitbitin. Ang tatlong best sellers, Earth, Tessellated Triangles, at Starry Wave ang aming mairerekomenda sa iyo. Sa totoo lang, lahat naman ay magaganda ngunit ang tatlong ito ay maganda para sa mga mag-uumpisa pa lamang sa pagbuo ng puzzle. Simple lang din ang design nito ngunit challenging pa rin naman. Maganda rin ang resolution ng mga ito.
Konklusyon
Sa pangkalahatang pagsusuri sa Blue Kazoo Puzzles, ito ay talagang magaganda dahil sa kalidad ng bawat piraso nito. Magmula sa packaging, references, at puzzles nito ay lahat sulit na sulit at talagang bawing-bawi sa nilaan mong pera para rito. Maganda rin itong libangan lalo na’t 1000 pieces na jigsaw puzzle ang iyong bubuuin. Sa site o shop mismo nito kung saan mo ito mabibili ay madali lang ding i-navigate. Kaya hinding-hindi ka madidismaya rito.
Kung ikaw naman ay mahilig sa casino games, narito ang Big Win Club app para sa iyo. Naglalaman ito ng iba’t ibang laro na may kaugnayan sa pagsusugal. Isa rin itong magandang game center para sa mga Pilipino. Naglalaman ito ng slot, card, poker, at marami pang ibang laro na maaari mong laruin kahit na wala ka sa casino. Kaya ano pa’ng hinihintay mo, tara na at subukin ang swerteng mayroon ka sa iyong mga palad!
Laro Reviews