Magicabin: Witch’s Adventure Review

Pasukin ang mundo na puno ng mahika at mahiwagang kaganapan. Tulungan ang isang dalagang witch upang mabuo at maayos muli ang kanyang bahay na minana niya sa kanyang yumaong magulang. Sa pamamagitan ng mahika, tuklasin ang lugar ng mga fairy at iba pang enchanted creature. Kilalanin itong bagong laro dito sa artikulong ginawa ng Laro Reviews.

Mga Tampok ng Laro

Ang Magicabin: Witch’s Adventure ay isang online na larong ginawa ng IVYGAMES. Ito ay mayroong dalawang gameplay: adventure at minigames. Upang laruin ito, kailangan mong tapusin ang lahat ng mga quest at ayusin muli ang tahanan ng iyong character. Hindi ka na mahihirapan sa paghahanap ng mga kinakailangang items para maipasa ang mga quest at task dahil mayroon itong auto patch-finding. Ibig sabihin, kapag pinindot mo ang search glass na icon na makikita sa tabi ng task ay automatic na ipapakita sa iyo kung saan mo maaaring gawin ang task. Narito ang ilan sa mga pangunahing tampok ng laro.

Gameplay – Maraming pwedeng gawin dito sa laro. Ang pangunahing goal ng laro ay ang adventure. Ibig sabihin, kailangan mong gawin at tapusin lahat ng quest. Mayroon din itong farming gameplay na kung saan ay maaari mong ibenta ang lahat ng inani mo sa iyong farm. Panghuli ay ang mini games. Upang ma-unlock ang mini games, kailangan mo munang gumawa ng cat house pagkatapos ay maaari ka nang maglaro ng mini games dito. Upang laruin ito, kailangan mong i-match ang mga magkaparehong mukha (mukha ng pusa na napaka-cute).

Maps – Dito ay makikita mo ang mga bagong lugar na maaari mong galugarin. Mayroong mga quest at task na nangangailangan sa iyo na pumunta sa mga bagong lugar na ito tulad ng Frozen Rock, Verdant Woods, Mystcave at Fogvale.

Ang larong ito ay nasa beta stage pa lang kaya hindi pa gaanong marami ang mga lugar at mini games nito ngunit, natiityak ko na sa mga susunod na updates ng laro ay magkakaroon pa ito ng mas marami at magagandang features tulad ng mini games at mga bagong maps.

Paano I-Download ang Magicabin: Witch’s Adventure?

Hindi mo na kailangang gumawa ng log in account upang makapagsimulang maglaro dito ngunit makakatanggap ka ng diamond kung magba-bind ka ng Gmail o Facebook account mo (ito ay optional lamang). Upang i-download ito sa Android, buksan ang iyong Google Play Store at i-type sa search bar ang pangalan nitong laro pagkatapos ay i-click ang Install. Pareho lamang ang proseso para sa iOS ngunit sa halip na Google Play Store, maaari mo itong i-download mula sa App Store. Para naman sa PC, pumunta sa http://gameloop.com at hanapin itong laro sa nasabing website at i-click ang Download. Para sa mabilis na pag-access, maaaring i-click ang mga link sa ibaba.

Download Magicabin: Witch’s Adventure on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.photonfox.g001

Download Magicabin: Witch’s Adventure on iOS https://apps.apple.com/us/app/magicabin/id1584609622

Download Magicabin: Witch’s Adventure on PC https://www.gameloop.com/game/casual/com.photonfox.g001

Tips at Tricks para sa mga Baguhan

Sa katunayan, hindi mo na kailangan ng mga komplikadong strategy at tactics upang laruin ito. Lahat ng mga task at quest ay madaling matapos at maipasa dahil mayroon itong auto-finding feature. Ngunit mayroon itong energy bar system na ang ibig sabihin ay kailangan mo ng energy points para makakuha ng mga materials at i-clear ang fog at kapag naubos na ang iyong energy, maaaring malimitahan ang iyong paggalaw at mga task at quest na maaaring gawin. Habang tumatagal ang laro at tumataas ang iyong level, mapapansin mong mas mabilis maubos ang iyong energy points. Ngayon ay tuturuan ka ng Laro Reviews kung paano mapanatiling puno ang iyong energy bar.

Mayroong dalawang paraan upang mapanatiling puno ang iyong energy bar. Una ay ang pagtitipid nito. Huwag gumawa ng mga hakbang na hindi naman kinakailangan. Ibig sabihin, kung wala naman ito sa quest at task o hindi naman talaga kailangan, huwag ka nang gumawa ng hakbang. Halimbawa, isang senaryo ay ang random ang pag-clear ng fog kahit wala naman ito sa task at quest. Kung gagawin mo ito, wala ka namang aanihin na reward at magsasayang ka lang ng energy points kaya mas mainam na ireserba ang mga energy points para sa pagtapos ng mga quest at task. Pangalawa ay ang pagtapos ng main task. Makikita mo ito sa ibabang kaliwang screen. Ang lahat ng task dito ay may reward na energy points. Kung minsan, ang mga task dito ay nangangailangan ng energy points kaya kailangan laging may laman ang iyong energy bar.

Kalamangan at Kahinaan

Kung naghahanap ka ng larong simple at mahilig ka sa konsepto ng mahika, malamang ay ito na ang larong hinahanap mo. simple ito dahil hindi mo na kailangang maghanap kung saan gagawin ang mga task at quest at mga materials dahil sa auto path-finding feature nito. Imbes na maubos ang iyong oras sa paghahanap ay maitutuon mo ang iyong oras sa pagtapos ng quest at task. Mayroon din itong 3D graphics na may cute at bubbly vibe na design kaya perpekto ito para sa mga manlalarong mahilig sa chibi na istilo ng art. Kung nangangamba ka na baka mabagot ka sa larong ito, huwag mag-alala dahil mayroon itong mga mini game na maaari mong laruin at mapagkukunan ng resources tulad ng cat house. Mayroon din itong farming gameplay kaya kumpleto sa sangkap itong laro.

Mayroon itong mga lags at bugs na kung minsan ay nakakaapekto sa iyong paglalaro ngunit, normal lamang ito sa mga larong nasa beta stage pa lamang. Sa kasalukuyan ay tinitimpla pa ng mga developer itong laro upang maging sakto sa panlasa ng mga manlalarong pihikan sa pagpili. Kaya kung mayroon man itong mga isyu ay normal lang ito at sigurado akong tutugunan ito ng mga developer kung maire-report sa kanila. Sa kabuuan nito, napakaganda ng laro. Makabago ang konsepto nito na pinaghalong adventure at farm games.

Konklusyon

Sa kasalukuyan ay wala pa itong star rating na natatanggap sa Google Play Store dahil bago pa lamang ito sa merkado. 4.8 naman na star rating ang natanggap nito sa App Store. Kung bibigyan ko ito ng star rating ay 4.5 ang ibibigay ko. Dahil sa kombinasyon ng gameplay nito at napakagandang graphics at animation design, tiyak akong magugustuhan ito ng mga manlalaro. Kahit na mayroon pa itong mga bugs at lags, mainam naman ang konsepto nito at interesting ang storyline kaya, kung naghahanap ka ng larong nakakaaliw, subukan mo ito. I-download na ang Magicabin: Witch’s Adventure ngayon!