Anger of sticks 5: zombie Review

Isipin mo kung ano ang mangyayari kung ikaw ay napadpad sa isang lugar na maraming zombie. Alam mo ba kung ano ang iyong gagawin? Wag kang mag-alala pagkat tutulungan ka ng Laro Reviews kung paano maka-survive sa panahon ng zombie apocalypse.

Mga Tampok ng Laro

Ang Anger of stick 5: zombie ay isang action game na ginawa ng COWON. Ang karakter dito ay may stick action figure na design at mayroon itong 2D graphic design. Mayroong limang mode sa larong ito. Una ay ang main mode: ito ay ang main storyline ng laro at dito rin nagaganap ang character development na nagpapakilala ng buong istorya ng character. Pangalawa ay ang zombie mode: dito mo makakalaban ang mga zombie at ang pangunahing layunin mo dito ay wasakin ang lahat ng mga pasilidad ng kalaban kung saan nila ginagawa ang kanilang mga halimaw na zombies. Pangatlo ay ang jump mode: medyo mahirap ang mode na ito dahil kailangan mong talunin ang mga kalaban habang tumatalon sa mga nakalubog na mga platform. Panglima ay ang defense mode na kung saan ay kailangan mong depensahan ang iyong post mula sa mga zombies at mga tao na gustong sirain ito. Mayroon kang machine gun na magagamit sa mode na ito. Ang controls na binubuo ng anim na pindutan sa kaliwang bahagi ay ang mga arrow na ginagamit sa paglalakad. Sa kanang bahagi naman ay ang mga pindutan ng attack. Nahahati ito sa apat na bahagi na mayroong ibat-ibang kulay. Ang yellow ay para sa pag-apak sa mga kalabang natumba, ang red naman ay para sa pagsipa, ang green ay para sa pagtalon at ang blue ay para sa pagsuntok. Mayroon ding mga armas at mga bagong characters na maaaring bilhin gamit ang mga gold coins o pwede mo rin silang i-unlock sa pamamagitan lang ng panonood ng mga advertisements. Ito ay ilan lamang sa mga tampok ng larong ito at asahang may mga special events at rewards sa mga susunod na update nito.

Paano i-download ang Anger of stick 5: zombie

Napakadaling i-download ng larong ito at hindi na nangangailangan ng anumang espesyal na login accounts. Para sa mga gumagamit ng Android, pumunta sa Google Play Store at hanapin ang larong ito pagkatapos ay i-click ang install. Parehong proseso lamang para sa iOS ngunit sa halip na Google Play Store, maaari mo itong ma-download sa App Store. Kung nais mo namang makapaglaro nito sa PC, i-download muna ang BluesStacks emulator pagkatapos hanapin itong laro sa emulator at i-download. Para sa mas madaling padg access, maaari mong i-click ang mga link sa baba.

Download Anger of stick 5: zombie on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=jpark.AOS5

Download Anger of stick 5: zombie on iOS https://apps.apple.com/us/app/anger-of-stick-5-zombie/id1104988192

Download Anger of stick 5: zombie on PC https://www.bluestacks.com/

Tips at Tricks para sa mga Baguhan

Napakadaling laruin nito at hindi rin nangangailangan ng anumang komplikadong mga strategy at tactics. Ang kailangan mo lang gawin ay palakasin ang iyong character upang mapagtagumpayan ang anumang mga level at kung nahihirapan ka sa pagkolekta ng mga gold coins, wag mag-alala dahil tutulungan ka ng Laro Reviews upang palakasin ang iyong character sa lalong madaling panahon.

Ang unang dapat gawin ay patayin lahat ng kalaban. Oo, ang layunin talaga ng laro ay patayin ang mga kalaban ngunit, may ibang paraan upang manalo sa mga level. Pwede mong takasan ang mga kalaban sa pamamagitan ng pagtalon sa kanila pero pag ginawa mo ito, siguradong maliit lang ang gold coins na matatanggap mo pagkatapos ng level. Dapat mong siguraduhin na ang lahat ng kalaban ay namatay upang makatanggap ka ng mas malaking reward. Suriin ang mga background dahil ang graphics ng larong ito ay mapanlinlang. Ang mga inaakala mong design lamang na mga cabinet at lamesa ay naglalaman ng mga gold coins at kung minsan ay diamonds kaya kailangan mong galugarin lahat ng mga buildings at sirain ang lahat ng mga gamit sa loob nito upang makakuha ng mas malaking reward.

Kapag nakaipon ka na ng maraming gold coins, huwag bumili ng mga armas. Bagkus, mas mainam na bumili ng mga malalakas na characters dahil ang mga armas ay rechargeable. Ibig sabihin kapag naubos na ang mga bala nito, kailangan mong irecharge ito sa pamamagitan ng pagbili ng mga bala. Sa madaling salita, napakagastos ng armas kung ikukumpara sa bagong mas malakas na character.

Dahil walang eksaktong strategy o tactics sa larong ito, ang kailangan mo lang pagtuunan ng pansin ay ang pagpapalakas ng iyong character. Tandaan na ang mga armas dito ay hindi masyadong epektibo dahil hindi naman pinapataas ng mga armas ang iyong damage output bagkus ay nagbibigay lamang sila ng kakayahang makapag-atake sa malayo kaya, mas mabuting mag-invest sa mga bagong character kaysa sa mga armas.

Mga Kalamangan at Kahinaan

Lahat ng mga laro ay mga kalamangan at kahinaan na maaaring makaapekto sa performance at satisfactory rate nito. Sa ngayon tignan natin ang ilan sa mga kalamangan at kahinaan ng Anger of stick 5: zombie base sa pananaliksik ng Laro Reviews. Pag-usapan muna natin ang mga kalamangan nito. Isa sa mga napansin ko ay patok itong laro sa mga batang may edad mula 6 pababa dahil sa napaka-simpleng controls at gameplay. Dahil hindi ito nangangailangan ng magarbong combo attacks o special moves, napakadaling ipanalo ang bawat level. Ang pag-iipon ng mga gold coin ay napakadali at napakabilis. Maraming paraan upang kumita nang mas mabilis at mas malaki. Una ay ang pagpatay ng mas maraming kalaban at pangalawa ay ang panonood ng mga ads. Ang mga ads ay nagbibigay ng malaking rewards at kung minsan ay nagbibigay din ng diamond na isang espesyal na currency ng larong ito. Sa mga level, hindi gaanong mahirap o madali ang mga ito kaya asahan mong hindi ka mababagot sa paglalaro at nagbibigay rin ng mga malaking rewards ang bawat level. Maraming pagpipilian sa mga armas mula sa simpleng kutsilyo hanggang pinakamalaking machine gun.

Syempre wala namang perpektong laro kaya ngayon ay tatalakayin natin ang mga kahinaan nito. Una ay ang graphics. Maganda ang pagka-disenyo ng mga character, background at mga armas ngunit, hindi gaanong kakinis ang mga ito. May mga delay sa paggalaw ng character na nagiging sanhi ng pagkalito. Ang mga armas ay walang karagdagang damage at bumabase lang sa damage ng character. Mas mainam sana kung nagbibigay ito ng dagdag na damage upang mas maging sulit ang pagbili ng mga armas.

Marami pang dapat ayusin sa larong ito lalo na ang graphics. Kung bibigyang-pansin ng mga developers ang pag-upgrade nito, sigurado akong tatangkilikin ito ng mas marami pang manlalaro.

Konklusyon

Ang larong ito ay mayroong 4.4 star rating sa Google Play Store at 4.6 naman sa App Store. Sa pangkalahatan, ang konsepto ng laro ay napakaganda ngunit mas magiging maganda pa ang laro kung dadagdagan ito ng mga bagong features tulad ng damage output para sa mga armas at skills effects. Kung gagawing mas makinis ang paggalaw ng mga character, sigurado akong mas tataas pa ang rating na makukuha nito.