Octopus Games: K Challenge 456 Review

Ang Octopus Games: K Challenge 456 ay inilabas noong Oktubre 21, 2021. Ang larong ito ay ginawa at inilunsad ng ABI Global Ltd., isang developer ng mga larong Android na nakabase sa Vietnam. Ang kumpanyang ito ay itinatag noong 2018. Sa kasalukuyan, mayroon na silang 94 na mga larong inilunsad.

Sa larong ito, mararanasan ng mga manlalaro ang isang nakamamanghang aksyon na dala ng Squid Game, isang sikat na Korean drama. Maglalaro sila bilang mga kalahok sa Octopus Games. Ito ay mga larong naging kilala dahil sa nabanggit na Kdrama. Sa kabuuan, ang manlalaro ay lalahok sa walong mga mini-games.

Sa ngayon, ang app na ito ay malalaro gamit ang Android devices. Pwede mong hanapin at i-download ang app sa Play Store. Kung nais mo namang laruin ito sa iyong laptop o desktop, kakailanganin mong i-download ang app sa iyong computer sa pamamagitan ng isang lehitimong Android emulator. Ang mga sumusunod ay mga link na maaari mong gamitin upang mai-download ito nang direkta:

  • Download Octopus Games: K Challenge 456 on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.abi.octopus.games
  • Download Octopus Games: K Challenge 456 on PC https://www.memuplay.com/how-to-play-com.abi.octopus.games-on-pc.html

Tips at Tricks Para sa mga Gustong Subukan ang Laro

Pagkatapos mong ma-install ang app sa iyong gadget, maaari ka ng makapagsimulang maglaro agad. Sa bawat araw, iba’t ibang uri ng mini games ang susubok sa iyong galing. Ang laki ng iyong premyo ay nakabatay sa bawat mini game na iyong maipapanalo. Huwag kang mag-alala dahil halos lahat ng mini games na ito ay simple at madaling maintindihan. Upang manalo, kailangan mong magkaroon ng pambihirang kontrol pati na rin ng mahusay na diskarte at mga estratehiya.

Related Posts:

Catch Tiles Magic Piano Game Review

King Craft – New Block Building City Game Review

Karamihan sa mga laro rito ay batay sa dramang Squid Game, ang ilan ay hindi. Ang bawat isa ay may time limit na 25 segundo kaya dapat kang mag-ingat at siguraduhing matatapos mo ang bawat gawain sa takdang oras. Ang sumusunod ay ang maikling pagtalakay sa bawat mini games na hahamon sa iyong galing. May karagdagang tips at tricks din ito na maaari mong gamitin upang mas mabilis na makapag-level up.

  • Ang unang mini game ay ang tinatawag na Red Light, Green Light game. Gamitin at pagalawin lamang ang d-pad sa nais mong direksyon upang mapagalaw ang iyong karakter. Ang iyong layunin dito ay makarating sa finish line nang ligtas. Tandaan na maaari ka lamang gumalaw kapag ang ‘it’ ay sumisigaw ng “green light” o kapag ito ay tumalikod. Kapag ito naman ay sumigaw ng “red light” at nakaharap, dapat kang manatili sa iyong pwesto nang hindi gumagalaw. Kailangan mong magpokus para alam mo ang susunod mong kilos. Sa mga pagkakataong maaari kang makagalaw, kumilos ng mabilis hangga’t maaari. Kailangan mong marating ang finish line sa loob ng 25 segundo.
  • Ang sunod na laro ay ang Honeycomb game. Sa larong ito, dapat mong makuha ng buo ang hugis na nakaporma sa dalgona candy. Ang isang trick dito ay paggamit ng sapat na pwersa upang makontrol ng mabuti ang pointer at hindi mapinsala ang hugis.
  • Ang ikatlong mini game ay parang isang uri ng battle royale. Ang lahat ng mga manlalaro ay sasabak sa isang labanan kung saan maaari mong piliin ang sandatang gagamitin mo. Upang maipanalo mo ito, mas mainam kung iiwasan mo ang pakikipag-away. Patakbuhin na lamang ang iyong karakter sa paligid ng platform. Sa halip na makisali sa iba, umiwas na lamang hanggang sa maubos ang itinakdang oras.
  • Ang ikaapat ay ang larong tag. Ang kaibahan lamang nito sa tradisyunal na larong tag ay kailangan mo lamang i-swipe ang iyong screen upang mahila ang lubid at matalo ang kalaban.
  • Ang ikalimang laro ay ang obstacle course. Upang makaiwas sa mga hadlang, iwasan ang paglapit sa ibang mga manlalaro dahil mas magiging mabagal ka. Mas mabuting hayaan silang makalampas na muna. Sa ganitong paraan mas lalaki ang iyong tsansa na maabutan ang iba.
  • Sa ikaanim na mini game kailangan mong tumakbo sa paligid ng platform habang iniiwasan ang nahuhulog na mga bagay. Bukod dito, kailangan mo ring mag-ingat sa mga butas upang hindi ka mahulog.
  • Ang ikapito ay susubok sa iyong memorya. Kailangan mong makatawid sa kabilang bahagi sa pamamagitan ng pagtalon sa mga parisukat na gawa sa salamin. Hindi lahat ng mga ito ay matibay, kaya hayaan mo muna ang iba na tumawid upang malaman kung saan ka tatalon. Tandaan na ang iyong oras ay limitado, kailangan mong makalipat sa kabila ng hindi nahuhulog.
  • Ang pangunahing layunin sa huling mini game ay ang matira ang matibay. Paghandaan ang maaksyong tunggalian laban sa iba pang mga manlalaro. Para manalo dito, hayaan mong maunang sumugod ang iyong kalaban, iwasan o sanggain ito at umatake rin.

Octopus Games: Review ng Laro

Ang Octopus Games: K Challenge 456 ay nakatanggap ng average rating na 3.9 stars mula sa mahigit 26,000 reviews sa Play Store. Masasabi na ito ay mas lamang kung ikukumpara sa ibang mga laro na hango rin sa Squid Game. Mas nakakaaliw kasi itong laruin. Gayunpaman, marami pa ring mga aspeto ang dapat ayusin at pagbutihin pa sa larong ito. Isa sa mga isyu ng nito ay ang mabagal na control response. Kailangan itong matugunan kaagad dahil dito nakasalalay ang pagkapanalo ng mga manlalaro. Bagamat ang mga lumalabas na ads ay hindi nakagagambala sa mismong gameplay, nakakainis pa rin na makita ang biglaang paglitaw ng mga ito sa bawat simula at pagtatapos ng mga laro. Ang isa pang isyu ay ang kawalan ng game tutorials. Madalas din itong mag-crash at mag-lag. Panghuli, may mga karagdagang tampok din na makikita sa mini games ngunit hindi naman ito gumagana sa hindi malinaw na mga kadahilanan.

Octopus Games: Konklusyon

Ang Octopus Games: K Challenge 456 ay isa sa mga magagandang gaming app na hango sa sikat na Kdramang Squid Games. Kaya kung isa ka sa milyun-milyong mga tagahanga nito, kailangan mo itong masubukan.

Sa kabilang banda, hindi rin natin maikakaila na maraming mga manlalaro ang nabitin at tila nabigo sa larong ito. Napakalaki ng potensyal nito na maging mas sikat pa. Kaya kailangan pagtuunan ng pansin ang mga isyu at mga aspeto na kailangang mas pagbutihin pa.

Laro Reviews