Naisip mo na ba kung ano ang nasa isip ng isang aso? O nagtataka ka ba kung ano ang iniisip ng iyong aso tungkol sa iyo? Well, ang larong ito ay maaaring makatulong sa iyong malutas ang mga misteryo tungkol sa pagiging isang aso. Gayundin, para matuto pa, tingnan ang artikulong itong ginawa ng Laro Reviews. Ang Dog Life Simulator ay isang larong ginawa ng BoomHits na nagbibigay sa iyo ng pananaw ng pagiging isang aso. Ito ay napakasimpleng laruin. Ikaw ay gaganap bilang isang aso at pipili kung ikaw ay magiging isang mabuting aso o isang masama. Sa unang pagbukas mo ng laro, sasalubungin ka ng dalawang pamilyang gustong mag-ampon sa iyo, kaya dapat mong piliin kung aling pamilya ang sa tingin mo ay pinakamahusay para sa iyo. Pagkatapos nito ay bibigyan ka ng isang serye ng mga senaryong may mabuti at masamang epekto depende sa iyong mga desisyon. Pagkatapos noon ay dadalhin ka ng isang bata sa parke upang maglakad. Habang naglalakad, makakatagpo ka ng ilang gawain at sa tuwing matatapos mo ang isang gawain, ikaw ay gagantimpalaan.
Ang Mga Tampok ng Laro
Ang larong ito ay may mabuti at masamang metrong nagpapaalam sa iyo kung ikaw ay mabuti o masamang aso. Maaari mong piliing maging ibang lahi sa pamamagitan ng panonood ng ilang mga ad. Maaari kang maging isang German Shepherd, Dalmatian, Golden Retriever o Rottweiler. Mayroon ka ring sariling kulungang may maliit na bahay, play area at maaari ka pang magkaroon ng mga dekorasyon dito. Naa-upgrade ang lahat ng feature na ito kaya siguraduhing mangolekta ng mas maraming pera para mapaganda ang iyong kulungan. Mayroon ding mga costume sa larong ito na maaari mong i-equip kaya kung talagang mahilig ka sa aso at fashion, maaaring para sa iyo ang larong ito.
Paano i-download Dog Life Simulator?
Hindi mo kailangang gumawa ng anumang mga account para makapaglaro. Ang kailangan mo lang gawin ay i-download at i-install ito. Para sa mga gumagamit ng Android, maaari mong i-download ang application na ito sa pamamagitan ng pagbubukas ng iyong Google Play Store at pagkatapos ay i-click ang search icon at i-type ang pangalan ng laro. Para sa iOS, ito ay may parehong proseso ngunit sa halip na Google Play Store, buksan mo ang iyong App Store. Pagkatapos ay i-type ang pangalan ng larong ito sa search icon at i-click ang install. Kung gumagamit ka ng PC, dapat mong i-download muna ang Bluestacks emulator at pagkatapos ay i-download at i-install ang laro gamit ito. Para sa mas madaling pag-access, maaari mo lamang i-click ang link sa ibaba.
Download Dog Life Simulator on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.funcell.petsimulator
Download Dog Life Simulator on iOS https://apps.apple.com/us/app/id1586265498
Download Dog Life Simulator on PC https://www.bluestacks.com/
Tips at Tricks para sa mga Nagsisimula
Ito ay napakadaling laruin. Wala itong mga espesyal na kasanayang kinakailangan at wala ring mga magarbong taktika at estratehiyang kailangan para umunlad sa larong ito. Ang kailangan mo lang gawin ay tamasahin ang bawat sandali bilang isang aso at magpasya kung ikaw ay magiging isang mabuti o masamang aso. Tandaang ang pagiging masamang aso ay walang negatibong epekto o kung ano pa man kaya maaari kang maging isang makulit na aso kung gusto mo. Kung mahilig ka sa fashion, maaari mong isaalang-alang ang pag-iipon ng mas maraming pera dahil mabagal ang akumulasyon ng pera sa larong ito. Kung gusto mong baguhin ang iyong lahi, maaari kang manood ng ilang mga patalastas upang hindi ka na gumastos ng pera sa pagpapalit ng iyong lahi. Ito ay talagang isang free-flow na uri ng laro.
Ang Pros at Cons ng Dog Life Simulator
Narito ang ilang positibo at negatibo tungkol sa larong itong nakikita ng Laro Reviews. Una para sa mga positibo, ang larong ito ay nagbibigay sa iyo ng maraming kalayaan sa mga tuntunin ng paggawa ng desisyon. Personal kong gusto ang feature na ang masasamang desisyong gagawin mo sa larong ito ay walang negatibong epekto sa iyong gameplay. Ang mga costume para sa aso ay may napakahuhusay na disenyo at napakaku-cute. Walang tiyak na uri ng gameplay sa larong ito tulad ng iba pang uri ng mga laro ng simulator, kaya ito ay napaka-relax laruin. Ang konsepto ng larong ito ay talagang kawili-wili hanggang sa puntong gusto mo ng mas higit pa. Ang mga negatibong bagay tungkol sa larong ito ay ang nakakaunting nilalaman nito. Mas kaunti ang mga gawaing ibinibigay kaya madali kang magsasawa. Gayundin, halos lahat ng mga gawain ay madaling magawa. Inaasahan ko talaga na ang mga developer nito ay magdagdag ng higit pa sa larong ito sa susunod na pag-update dahil ang konsepto nito ay napaka-interesante at sayang kung hindi ito mapapansin ng ibang mga manlalaro. Napakababa ng perang ibinibigay tuwing makakatapos ka ng mga gawain. Aabutin ng masyadong maraming oras para makaipon ng sapat na pera para makabili ng isang costume lang. Ngunit, maaari kang kumita ng mas maraming pera kapag nanood ka ng isang patalastas. Kaya sa palagay ko, ito ay patas lang. Hindi ganoon kaganda ang animation, hindi maayos ang mga galaw ng karakter at hindi makatotohanan ang output ng audio. Minsan may makakasalubong kang babaeng character na boses lalaki. Ang larong ito ay tiyak na maraming potensyal. Tulad ng sinabi ko kanina, ang konsepto ng laro ay talagang kahanga-hanga. Kaya lang, ang larong ito ay may ilang malalaking isyung kailangang ayusin ng mga developer bago makalimutan ng mga manlalaro ang larong ito. Mayroon ring ilang mga level na tila paulit-ulit na. Ito ay hindi maganda dahil sinisira nito ang saya ng laro.
Konklusyon
Ang larong ito ay may star rating na 4.0 sa Google Play Store at 4.7 sa App Store. Batay sa pagsusuri ng Laro Reviews, kahit na ang larong ito ay may mga glitch, lags at bugs, tinatangkilik pa rin ito ng mga manlalaro. Ang larong ito ay talagang may posibilidad na maging isa sa mga kilalang simulation game dahil mayroong itong kakaibang konsepto. Ilang adjustments lang at sigurado akong magiging kahanga-hanga ang larong ito. Sa pangkalahatan, ito ay sulit pa ring subukan. Kung talagang ok lang para sa’yo ang mahinang animation at audio output, maaaring para sa iyo ang Dog Life Simulator. Sa kabilang banda, ang storyline nito ay kahanga-hanga at cute pa rin. Kaya gusto mo ba talagang malaman kung ano ang pakiramdam ng maging isang aso? I-download ang larong ito nang libre ngayon!