Ang Toca Kitchen 2 ay isa pang bersyon ng Toca Kitchen. Mayroon itong parehong gameplay sa orihinal na laro ngunit may iba’t ibang mga bagong karakter at upgraded animation.
Ang laro ay tungkol sa iyong pagiging chef na naghahanda at nag-eeksperimento ng iba’t ibang uri ng mga recipe na ipapakain sa iyong karakter. Walang panalo o talo sa larong ito dahil pagaganahin mo ang iyong imahinasyon at pagkamalikhain dito. Magkakaroon ka ng buong kalayaan na maglaro sa paraang gusto mo.
Ang iyong panauhin ang magiging hurado sa iyong pagluluto. Abangan ang ekspresyon ng mukha niya dahil dito mo malalaman kung masarap o yucky ang iyong iniluto o naimbentong recipe. Kaya, maghanda upang malaman kung mayroon kang kakayahang taglay upang maging isang mahusay na chef sa Toca Kitchen 2.
Layunin ng Laro
Sa larong ito ay walang panalo o talo. Bilang isang chef, ang tanging layunin mo ay masiyahan ang iyong mga bisita sa iyong pagluluto. Hainan ang iyong bisita ng anumang pagkain na nasa refrigerator, maging ito ay isang simpleng pritong manok o isang pasta dish.
Ang layunin ng laro ay makuha ang magic ng play pretend at pahalagahan ang pagkakaiba-iba ng mga bagay na tinatamasa ng mga tao sa kanilang pang-araw-araw na buhay.
Paano Magsimulang Maglaro ng Toca Kitchen 2
Ang unang bagay na kailangan mong gawin ay piliin ang karakter na gusto mo. Kapag napili mo na ang iyong panauhin na titikim ng lahat ng iyong luto, diretso ka na sa kusina. Doon ay makikita mo ang refrigerator kung saan ang nakalagay at nakaimbak ang lahat ng mga pagkain, ang lugar ng paglulutuan kung saan makikita ang kawali, oven, palayok na may tubig, fryer, blender, kutsilyo at chopping board. Ang bisita ay dudulog sa sa hapag-kainan at maghihintay ng pagkain.
Pagkatapos ay piliin ang pagkain na gusto mong ihain sa iyong bisita mula sa refrigerator. Maaari kang magluto ng isang pagkain tulad ng pritong manok o pagsama-samahin ang mga sangkap upang makagawa ng pasta. Maaari ring mag-blender ng mga prutas para maging inuming pampalamig. Subukang gamitin ang iyong pagkamalikhain at pagkamausisa upang pagsamahin ang mga hindi pangkaraniwang sangkap.
Sa ibaba, makikita mo ang isang icon na may paminta at asin. Dito mo rin makikita mo ang mga lalagyan ng iba pang mga pampalasa na ihahalo sa mga pinili mong mga sangkap.
Kapag natapos na ang pagluluto ng iyong ulam, ihain na ito sa iyong mga bisita. Pakainin ang iyong mga bisita at tingnan kung ano ang kanilang magiging reaksyon. Maaari itong maging yummy o yucky.
Ang lahat ng mga aksyon ay ginagawa sa pamamagitan ng pag-swipe ng iyong daliri sa screen.
Kakailanganin mong manu-manong pakainin ang mga bisita.
Paano Mag-download ng Toca Kitchen 2?
Available ang Toca Kitchen 2 sa iOS, Android at Kindle Fire devices. Maaari mong i-download ang mga ito sa pamamagitan ng App Store, Google Play at Amazon Apps Kindle Fire. O kaya naman ay i-click ang mga link sa ibaba.
- Download Toca Kitchen 2 on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.tocaboca.tocakitchen
- Download Toca Kitchen 2 on iOS https://itunes.apple.com/app/id476553281?at=10lu95&mt=8&ct=app_page&pt=484782
- Download Toca Kitchen 2 on Kindle Fire http://www.amazon.com/Toca-Kitchen-Kindle-Tablet-Edition/dp/B00DTW3GG6
Maaari mo ring bisitahin ang website na tocabocca.com/app/toca-kitchen at upang makatanggap ng link mula sa shop upang mai-download ang laro.
Mga Hakbang para Gumawa ng Bagong Account sa Laro
Ang mga application at laro ng Toca Boca tulad ng Toca Kitchen ay hindi nangangailangan ng anumang pagsa-sign-in o pag-login ng mga manlalaro. Ito ang dahilan kung bakit ganap na ligtas ang kanilang mga laro para sa mga batang may edad na 4 na taong gulang pataas. Kailangan lang nito ng pahintulot na i-access ang iyong media at photo file para sa USB storage.
Tips at Tricks Kapag Naglalaro ng Toca Kitchen 2
Ang tanging layunin ng laro ay pakainin ang iyong mga bisita at tiyaking mabubusog sila sa iyong pagkain. Dapat maging malikhain ka sa pagkain. Subukang paghaluin ang mga sangkap tulad ng kamatis, sibuyas, bawang at hipon. Maaari kang makagawa ng isang napakasarap na ulam! Kapag palpak naman at yucky ang kinalabasan ng isang recipe, subukang alalahanin ang mga sangkap na iyong hinalo at huwag nang uulitin iyon para hindi madismaya ang iyong bisita.
Huwag mag-alala kung magiging makalat sa iyong kusina dahil awtomatik naman itong malilinis kapag tapos na ang pagluluto. I-explore ang kusina at gamitin ang lahat ng posibleng tools na magagamit mo para gawin ang iyong mga orihinal na recipe.
Malalaman mo kung anong mga putahe ang gusto at ayaw ng iyong mga bisita sa pamamagitan ng pagtingin sa kanilang mga reaksyon sa mga pinaghalo at pinagtugmang pagkaing ihahain mo.
Mag-enjoy sa laro at namnamin ang pagiging chef. Huwag mag-overdo at magsaya lamang sa pagluluto, paghiwa at pagpapakain sa iyong karakter.
Mga Kalamangan at Kahinaan ng Laro
Napakaraming mga kagiliw-giliw na elemento para makagawa ang isang manlalaro ng napakasarap na pagkain; ang consistency at kalidad ng mga sangkap, ang mga tunog na na nabubuo kapag naghihiwa, at higit sa lahat, ang lasa matapos maihalo ang lahat sa dish.
Ang laro ay talagang dinisenyo mula sa pananaw ng isang bata. Mabuti na subukan muna ng mga developer ang laro sa mga bata bago ito i-publish sa publiko para malaman anf maaari pang i-improve o alin ang mga flaws sa gameplay.
Ang Toca Kitchen 2 ay idinisenyo upang ang mga bata ay matuto, magkapaglaro at mag-explore gamit ang mga edibles. Maaari din itong gawing halimbawa sa pagtuturo para kumain sila ng mga pagkain tulad ng gulay at isda.
Nakakaaliw talaga ang laro dahil para ka na ring nagluluto sa isang totoong kusina. Mula sa pagpapakulo, pagpiprito, paghihiwa at paghahain.
Pinapayagan nito ang mga manlalaro na gamitin ang kanilang pagkamalikhain at imahinasyon upang lumikha ng mga recipe. Magiging curious ka kung ano ang mangyayari kung pagsasamahin mo ang maraming sangkap at paghahaluin ang mga ito. Huwag mag-atubiling gumamit ng mga di pa nasusubukang kumbinasyon, lalo na kung gusto mong makagawa ng kakaibang slushy.
Related Posts:
Pop it Fidget Toys 3D Review
Sort Water Puzzle – Color Game Review
Ang laro ay hindi nakaka-stress dahil hindi mo kailangang makipagkumpitensya sa isang kalaban. Maaari kang maglaro sa bilis na komportable para sa iyo.
Gayunpaman, limitado ang mga mapagpipiliang pagkain sa laro. Pare-parehong stock ng mga sangkap ang nakalaan sa bawat karakter. Mas magiging masaya pa ang laro kung magkapagdaragdag ng ilang misyon o gawain tulad ng paghula sa pagkain na gustong kainin ng karakter o kaya naman ay gayahin ang pagkain na gusto nila.
Makakabuti rin na magdagdag ng ilang sistema ng mga gantimpala o mga pag-upgrade o dekorasyon at pagpapasadya. Ang paghihiwa ay medyo mahirap ma-kontrol at hindi mo mahihiwa ang mga sangkap sa paraang gusto mo.
Ang mga reaksyon ng mga karakter ay pare-pareho. Maaaring magdagdag ng ilang mga antas upang ang mga manlalaro ay makaramdam pa rin ng pagkasabik.
Konklusyon
Ang Toca Kitchen 2 ay isa pang malikhaing gawa ng Toca Boca na nagbibigay ng kasiyahan at saya sa mga bata. Nagagawa nilang tuklasin ang mundo ng pagluluto at kilalanin ang pagkain at ang mga sangkap pati na rin ang mga kasangkapan sa kusina at ang mga gamit nito. Ito ay isang mahusay na laro para sa lahat ng edad.
Laro Reviews