Three Kingdoms Tactics Review

Naisip mo na ba kung paano paggising mo isang araw, ikaw ay pinuno ng isang napakalaking nasyon? Kung hindi man, maaaring napanood na ang ganitong tema sa anime o k-drama at napaisip paano kung nasa kanilang kalagayan, ano kaya ang gagawin mo? Ang Three Kingdoms Tactics ay isang strategy game na gawa ng Qookka Games, isang China-based game developer.

Bilang manlalaro, ikaw ay gaganap bilang lider ng isang nasyon ng sinaunang Tsina. Ang pangunahing layunin ay mapalakas ang iyong hukbo at mapalawig ang nasasakupang imperyo. Upang magawa ang mga ito, kailangan pagtagumpayan ang iba’t ibang aktibidad, quest, at pag-upgrade para matupad ang pampulitikang gawain. Kung ikaw ay baguhan sa laro o nais subukan ito, narito ang Laro Reviews upang gabayan ka.

Features ng Three Kingdoms Tactics

Unit Formation – Ito ang iyong hukbong magsisilbing pundasyon ng iyong puwersa. Nahahati sila sa limang uri:

  1. Shields – Malakas ang mga ito bilang panangga sa Bows at Siege ngunit mahina pagdating sa Cavalry
  2. Bows – Kayang patumbahin ang Spears at Siege ngunit mahina pagdating sa Shields.
  3. Spears – Mas malakas kumpara sa Cavalry at Siege subalit kahinaan ang Bows.
  4. Siege – Kayang kontrahin ang lahat ng uri ngunit malakas pagdating sa pag-siege.
  5. Cavalry – Kayang makipaglaban kontra sa Shields at Siege ngunit kayang i-counter ng Spears.

Maaari kang bumuo ng limang unit na binubuo ng isang commander at dalawang deputy. Sila ang gagabay sa iyong bubuuing hukbo at sa mga kasapi nitong kabalyero.

Construction of Palace – Ito ang kabuuang nasasakupan mo. Mahalagang i-upgrade ang mga kategoryang kabilang dito para mas lumakas ang iyong puwersa. Kasabay din nito ang pag-unlock sa bawat construct habang pataas ng pataas ang iyong level. May tatlong nakapaloob dito:

  1. Domestic – Narito ang Warehouse, Farm, Quarry, Wood Mill, Foundry, Housing, Market, Black Smith, Training Grounds, Search Center, Stables, at Shrines.
  2. Army – Nakapaloob naman dito ang Barracks, Unit Strength, Unit Strategy, Conscript Center, Unit Defence, Unit Speed, Academy, Unite(Wei, Shu, Wu, Other), Encampment, War Room, Shield Camp, Cavalry Camp, Bow Camp, Spear Camp, at Siege Camp.
  3. Garrison – Makikita rito ang Engineer Camp, Intel Camp, Walls, Beacon Tower, City Guard, Engineers, Colonel’s Office, 9 Halls Diagram, 8 Trigrams Formation, at Morale Altar.

In-game Chat – Pwedeng makipag-usap sa ibang manlalaro gamit ang feature na ito. Nais bumuo ng taktika? Gustong makipagkaibigan? Gamit ang feature na ito, bumuo ng koneksyon at maaari rin silang tanungin kung ano ang angkop na gawin kung ikaw ay nahihirapan sa isang quest o pag-level up.

Recruit Officers – Ito ang gacha system ng laro. Mag-recruit ng matatalino at magagaling na officers na tutulong sa iyo upang gabayan ang iyong hukbo sa tagumpay.

Various Events – Bukod sa main quest na kailangan mong gampanan, may iba pang maaari mong gawin sa laro. Ilan sa mga ito ay ang Sign-in Rewards, Alliance Mission, Expansion, Ranking Event, Siege Ground, at Rogue Rider.

Saan pwedeng i-download ang Three Kingdoms Tactics?

Gamit ang iyong smartphone, pumunta sa Google Play Store para sa Android users at sa App Store naman para sa iOS users, at ilagay sa search bar ang Three Kingdoms Tactics. Dahil wala itong bayad, diretso mo nang maida-download ang laro. Dahil may kalakihan ang file, matatagalan ang pag-download depende sa bilis ng iyong internet connection. Pagkatapos i-download, kumpletuhin ang sign-in details para masimulan na ito.

Narito ang mga link na handog ng Laro Reviews kung saan pwedeng i-download ang laro:

Download Three Kingdoms Tactics on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.qookkagame.sgzzlb.gp.sea

Download Three Kingdoms Tactics on iOS https://apps.apple.com/my/app/three-kingdoms-tactics/id1529832759

Download Three Kingdoms Tactics on PC https://www.bluestacks.com/apps/strategy/three-kingdoms-tactics-on-pc.html

Kung sa PC mo namang napiling maglaro ng Three Kingdoms Tactics, dapat mo munang i-download ang Bluestacks emulator mula sa kanilang https://www.bluestacks.com/. Ang Bluestacks ay isang uri ng emulator kung saan ginagaya ng PC ang interface ng isang Android mobile phone. Matapos itong ma-download, kumpletuhin ang access na kailangan. Mag-sign in gamit ang iyong account sa Google Play.

Tips at Tricks sa Paglalaro

Bago magsimula sa aktwal na laro, may limang katanungan para sa iyo. Dito ibabatay kung anong klase ka bilang pinuno ng isang lugar. Tatanungin kung anong katangian ng isang commander ang mahalaga para sa iyo, anong gagawin sa faction ng karatig bansa, at iba pa. Sunod naman ay ang pagpili ng kasarian ng iyong gagamiting karakter. Iba-iba ang pisikal na kaanyuan at kasuotan kaya nakatitiyak akong may mapupusuan kang isa rito. Matapos nito, piliin ang iyong Origin Location. Ang mga lugar na pagpipilian ay Xiliang, Neibei, Jingchu, at Jiangdong.

Related Posts:

Command & Conquer: Rivals™ PVP

Dice Battle – Tower Defense Review

Isa sa mga layunin ng larong ito ay ang magkaroon ng isang makapangyarihang nasyon. Upang magawa ito, unti-unting sakupin ang mga katabing lugar na wala pang nagmamay-ari. Mahalagang mangolekta ng resources gaya ng woord, iron, at stone upang makapagpatayo ng mga gagamiting pundasyon ng iyong nasasakupan. Dagdag pa rito, hindi bumaba ang tiwala sa iyo ng mga mamamayan upang maengganyo silang sumali sa iyong hukbo.

Siguraduhin ding huwag gagastusin ang iyong gold coins kung saan-saan dahil ito ang premium currency ng laro na iyong magagamit sa pag-pull ng mga officer na may matataas na stars. Laging i-assign ang mga 5-star office bilang commander dahil mas matataas ang kanilang base stats. Kapalit nito ang pagiging mas makapangyarihang mamuno sa iyong hukbo. Huwag ding kakalimutan na i-upgrade ang mga ito para tumaas ang kanilang Strength, Defense, Politics, Intelligence, Speed, at Charisma.

Pros at Cons ng Three Kingdoms Tactics

Nakakaengganyo ang Three Kingdoms Tactics lalo na sa mga manlalarong mahilig bumuo ng estratehiya upang maabot ang layuning hinihingi ng laro. Hawak mo ang kapalaran ng iyong nasasakupan at nasa disposal mo kung paano gagamitin ng tama ang resources upang makapagpatayo ng mga gusali, sakahan, at trabaho. Kapalit nito, mabibigyan ang mga mamamayan ng oportunidad. Hindi ko masasabing pinakamaganda, ngunit disente ang graphics at visual nito. Nagustuhan ko ring nakikita ang impluwensya ng sinaunang Tsina sa pangalan at kulturang isiniwalat ng laro. Marahil ang isa sa mga positibong aspeto ng laro ay wala itong bahid ng anumang ads. Dahil dito, makakapag-concentrate ang mga manlalarong mag-focus lamang sa laro nang hindi naiistorbo ng mga biglaang pagsulpot ng mga hindi inaasahang ad.

Ngunit bukod sa mga nabanggit, may kailangan ding pag-ibayuhin ang laro. Kung ikaw ay hindi kabilang sa isang malakas na guild, mahihirapan kang makabawi dahil patuloy ka lang papatayin, ipakukulong, at pagbabawalan sa resources ng ilang araw. Dahil mas maraming nasyon ang mas malakas sa iyo, vulnerable ang iyong kalagayan na magdudulot ng pagkawala ng iyong pinaghirapan. Dagdag pa rito, mababa rin ang bigayan ng gold cards habang nagro-roll sa mga officer na may mas mataas na tier.

Konklusyon

Bilang pagbubuod, ang Three Kingdoms Tactics ay may average rating na 4.4 stars sa Google Play Store at 5.0 stars naman sa App Store. Nakakaengganyo itong laruin dahil nagbibigay ito ng makatotohanang karanasan kung paano maghari sa isang nasyon. Maraming iba’t ibang saklaw na responsibilidad ang pagiging isang lider, kasama na rito ang pagpapalawak ng iyong nasasakupan, pagpapalakas ng iyong hukbo, pagpapatayo ng mga gusali, at pagpapatibay ng iyong kabuuang impluwensya at puwersa. Subalit sa kabilang banda, mahihirapan ka kung hindi ka miyembro ng isang malakas na guild dahil madalas kang susubuking sakupin ng mas malalakas na nasyon. Hindi ito magandang laruin ng mga baguhang manlalarong walang balak maglabas ng aktwal na pera para mabilisang mapalakas ang hanay. Dahil kapag mas malakas ka, mas malaki ang iyong tsansang mapabilang sa mga malalakas na guild.

Laro Reviews